Chapter 4: Plan Executed

8 1 0
                                    

(June 20, 2020 : 11:59pm)

Naglalakad si Kurosaki magisa sa hallway. Pinagmamasdan niya ang bawat classroom at office na madadaanan niya.

Nakasuot siya ng earphone.

"May nakita kana bang clue?" Tanong ni Kiyo kay Kurosaki through earphone.

"Wala pa." Pabulong na sabi ni Kurosaki sa mic. Patuloy na naglakad si Kurosaki palibot ng University.

After an hour of walking,

"Wala pa din?" Tanong ulet ni Kiyo.

"No clue, walang nagpaparamdam." Pabulong na sagot ni Kurosaki. Hindi napansin ni Kurosaki ang figure na sumusunod sakanya.

"Isang oras pa, if walang nagpakita. Plan B tayo." Wika ni Kiyo.

"Okay, pres." Di napansin ni Kurosaki na may taong nasa likod niya. Naramdaman niya ang paghinga nito sa batok niya. Lumaki ang mata niya at biglang lumingon kaso wala siyang nakita.

"Nasa likod mo ko." Bulong nito. Paglingon ni Kurosaki sa likod niya ay bigla siyang sinapak nito. Napahiga si Kurosaki.

"Andito na!" Pabulong na sabi ni Kurosaki habang tumatayo sa pagkahiga.

"Keep him, papunta na kami diyan." Sagot ni Kiyo.

"Hehe, kala ko kung sino. Ikaw lang pala vice pres." Nakita ni Kurosaki ang isang babaeng nakauniform ng Jungken University.

"Nagets ko na kung paano ka namumuhay." Sabi ni Kurosaki. Nilabas ni Kurosaki ang baton sa bulsa niya at tumitig siya ng masama sa babae.

"Kung ganon, pwede kanang mamatay." Biglang may dinukot ang babae sa bibig niya. Isang pistol at itinutok sa ulo ni Kurosaki.

'wth?! Is she a human?' napaisip si Kurosaki.

"You're dead!" Sabi ng babae habang nalangiti. Kinalabit nito ang gatilyo at pumutok. Ang bala ay dahan dahang lumipad papunta sa ulo ni Kurosaki. Hinampas niya ito ng baton at ngumiti.

"Bullet proof ang baton ko, useless ang baril mo saken." Sabi ni Kurosaki. Nagulat ang babae at na disappoint

"Mukhang mahihirapan ako makakain ngayon." Sabi ng babae habang nakangiti. She run towards kurosaki.

"Lalapit kaba para di ko makita yon bala ng baril mo?" Tanong ni Kurosaki habang nakatingin sakanya.

"Matalino ka pero kaylangan mong mamatay." Nangmakalapit na ang babae ay ipinutok nito sa ulo ni kurosaki ang baril. Ngumiti si Kurosaki.

'Ngumiti siya? Imposibleng mahampas niya ng ganto kalapit.' napaisip yon babae. Inilag ni Kurosaki ang ulo niya.

"May sinabi ba akong hahampasin ko lang yon bala mo?"

"Ginagalit mo ko!" Bigla niyang dinukot ang tiyan niya at naglabas ng rifle.

Itinutok niya kay Kurosaki.

"Patay kana!" Sabi ng babae habang nakangiti. Pinagpawisan si Kurosaki.

'anong klaseng halimaw to?' napatanong si Kurosaki sa sarili niya habang inaalala yon ginawa ng babae.

Pag putok niya ay may tumalon sa harapan ni Kurosaki at hinarang ang bullet proof na shield.

"Buti nakaabot ako." Wika ni Kiyo. Tumama ang bala sa shield pero hindi nagawang tumagos.

"Tsk! Ang bilis nila dumating!" Pabulong na sabi ng babae.

'mahihirapan ako makain si vice pres at medyo misteryoso itong presidente. Alam kong alam niya kung ano meron dito.' wika ng babae sa sarili niya.

"Sige, bubuhayin kita vice pres. Mag ingat kayo next time." Sabi ng babae habang nakangiti. Tumakbo siya paalis.

"Ingrid, Aza!" Sigaw ni Kiyo. Hinarangan ng dalawa ang babae.

'hmpk!' itinutok nito ang rifle sakanila pero naglabas sila ng shield katulad ng hawak ni Kiyo. Agad na nilusob ni Kiyo at sinapak niya ang babae. Nakailag ang babae at napasandal sa pader habang nakatingin sa apat.

"Hindi niyo ko kayang hulihin ngayon, you all will die pagnatapos ang transformation ko." Wika ng babae. Biglang may lumabas na dilim sa katawan ng babae at lumipad papalayo.

"Nakatakas, sayang naman." Wika ni Kurosaki.

"We will continue the plan b, maglinis kayo dito." Wika ni Kiyo at napatingin siya sa naiwan na katawan ng babae. Nilapitan niya at nakita niya ang scar nito sa kaliwang braso.

Pagtapos nilang maglinis ay umuwi na ang tatlo pero si Kiyo ay nagiba ng daan.

Humiwalay ng daan at may pinuntahan na bahay si Kiyo.

"Mr. Delarosa? Andyan po ba kayo?" Wika ni Kiyo. Pinindot niya ang doorbell ng ilang beses bago lumabas ang taong tinatawag niya.

"Gabing-gabi na, sino ba yang nagdo-doorbell." Sabi ng matanda na naglalakad papunta sa pintuan at binuksan niya.

"Sino kabang leche ka." Wika nito at nakita niya si Kiyo.

"Goodevening, Mr. Principal." Sabi ni Kiyo habang nakangiti. Nanlaki mata niya ng makita niya si Kiyo. Biglang tumahol yon aso sa loob.

"Lecheng aso 'to. Hehe, yun aso ang leche." Napangiti siya kay Kiyo. Buti nalang hindi niya alam na hindi palangiti si Kiyo, siguro kung alam niya napagpawisan na siya.

"Okay, di ko na papatagalin. Stop the class tomorrow." Sabi ni Kiyo ng seryoso.

"Huh?! Nababaliw kaba? Hindi ako pwede magsuspend ng walang dahilan." Sabi ng principal kay Kiyo.

"Or you want one of them to die?"

"What do you mean?" Nagtataka ang principal kung bat sinabi ni Kiyo ang ganon salita.

"Just tell them na may meeting ang mga teacher. Papasukin ang mga teacher pero magsama-sama kayo sa whole court." Wika ni Kiyo.

"What happen? Explain to me right now." Naglakad si Kiyo papaalis.

"Bukas ko papaliwanag pagkatapos namin masolusyonan." Sabi ni Kiyo habang naglalakad pauwi.

(Kinabukasan)

Nabasa ng mga students at teacher ng Jungken University ang pinost sa fb page na suspended ang pasok ng Students kasi may meeting ang mga teachers.

"Pinapatawagan ko lahat ng teacher na pumunta dito sa Gym!"

"Uulitin ko, lahat ng teacher ay pumunta sa Gym. May paguusapan tayo." Sabi ng Principal sa mic ng Announcement Room...

"Di ko na uulitin sa inyo kung paano ang Plan B. Wala na tayong time." Wika ni Kiyo. Agad nilang isinuot ang earphone at naglakad papasok ng University na may dalang mga armas.

The Mystery of Jungken UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon