4. Your Song

89 9 13
                                    

“Your Song: The Musical” (Cultural Show 2023)
featuring the Parokya ni Edgar Hit Songs
Written and Directed by: Max Edward Ramos

Act I
–—---------------------------------------------—
Scene 1
—------------------------------------------------

REUNION - PANAHON NG KASIYAHAN
Sa inyo ko natutunan
Ang lahat ng kalokohan
At kasalanan nyo kung
Ba't ako nagkaganito
Araw-araw magkasama
Para ko kayong pamilya
Sa pamilya na medyo
Sira ang mga ulo
At ang lahat ng ito
Ay aking tatandaan
Ang bawat yugto ng
Ating samahan
Hinding hindi malilimutan
Panahon ng kasiyahan
Nasa puso at isipan kailanman

—------------------------------------------------–
Scene 2
—------------------------------------------------

TEACHER: …and that's the end of our discussion.
(Tatayo ang magbabarkada, maingay)

TEACHER: Sandale! Maupo! Mga bastos! Exam n'yo next week ha!
STUDENT 1: Ma'am hanggang sa–
TEACHER: Cover to cover! …Class dismissed! Worst section! (Walkout)
TURTLES: Ohhhw!

ONE HIT COMBO
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari

PETER: Nga pala! Alam n'yo na ba yung balita?
TURTLES: (quick nods twice) Two thousand twelve, end of the world?
PETER: 2012, end of the world? Hindi! May transferee! Ang ganda niya!
BULOY: Talaga? Ano name?
PETER: Pretty.
ION & IGER: Section?
PETER: Cheetah.
ALL: HA!?
ION & IGER: Luge do'n. Section 4A—Cheetah. Kaaway. Ekis.
PETER: Ito siya!
BULOY: Pa'no mo napicture-an ng gan'yan kalapit kung– oh my goodness, ang ganda niya!
(Magtanguan nang mabilis at tatakbo paalis)
GIVEN: Hops! Anong gagawin n'yo?
BULOY: Ano pa, edi liligawan!
GIVEN: Siya?
BULOY: Ay, hindi… ikaw!
GIVEN: Sige!
ALL: HA!?
GIVEN: A, ibig kong sabihin. Sige! Ano pang hinihintay natin mga 'tel? ATTACK!
(Walks, stops)
GIVEN: Mga 'tel, sure kayo rito? Giyera 'to panigurado!
BULOY: Gibs, isantabi muna natin ngayon ang awayan. Isipin natin ang pagmamahalan!
ION & IGER: No more, Cheetah vs. Turtles! Yes to #CheeTur!
BULOY: Baliw! Anong cheater?
PETER: Cheetah plus Turtle equals CheeTur!
BEAUTY: Hi boys!
ION & IGER: Kung minamalas ka nga naman. Araw-araw.
BEAUTY: It's me again! I'm Beauty…ful! Aww, sorry, ha… hindi ko kayo type! Mga mababahong pagong! Losers! Mga chaka! Maaasim! Sinisira n'yo ang beauty ko!

SILVERTOES
'Wag ka nang mag-alala, hinding-hindi ako in love sa'yo, oh
Bakit ba pakiramdam mo pa yata, lahat kami ay naaakit mo?
Miss, miss, pakitigil lang, please, ang iyong pagpapantasiya
Hindi ka na nakakatuwa, 'papagulpi na kita sa guwardiyang may batuta
Hay-ya-ya, hay-ya-ya-ya-ya-ya-ya-ya

(Tatawa Turtles, sisilip kay Pretty, magagandahan)
(Tatabigin ni Buloy si Beauty)
(Papasok ang Cheetah, itutulak ang Turtles)

PAPA COLOGNE
Kung ang iyong problema
Ay ang iyong mukha
'Wag nang mag-alala
'Pagkat nandito na
Ang sagot sa lahat ng problema mo sa mga lalake
Ang gamot sa lahat ng pagkakabigo ng mga babae
Nandito na ang papa papa cologne
Nandito na ang papa papa cologne
Mag-aamoy mayaman
Kahit na pag-pawisan
'Di na mahihirapan
Diretso nang harutan
Kung saan may tindahang mapagbibilan nitong produkto
Siguradong patok at wala kang putok
Garantisado!

(Tatakbo ang mga main na Turtles, papunta kay Pretty at lalampasan si Beauty)
(Isa-isa silang magpapakilala kay Pretty)

ALL: Hi, Pretty! Manliligaw kami sa'yo!
PRETTY: Kayo? Ang dami n'y–
ALL: (kakanta na bago pa makasagot si Pretty)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playwrights' PleasureWhere stories live. Discover now