CHAPTER 5: First Day

2K 213 27
                                    

This is it. The official first day of school.

Madami ng nangyari kahit ngayon palang maguumpisa yung klase.

Naka-white tshirt lang ako sa loob at dark blue pants. Sinuot ko na din yung dark blue coat na may royal blue na kulay sa may colar. Compared nung sa Lights On, iba toh, iyon black ito naman dark blue.

Nasa high-school building #1 ako o mas kilala sa tawag nilang old building, ito ang pinaka-matagal na na building dito.

I'm very happy! Madaming nagtatakbuhan at nagkwekwentuhan, madaming maiingay at madaming papansin, just like a normal high-school building.

Sa wakas, matra-try ko na din kung anong feeling ng nag-aaral sa labas. Kinakabahan ako pero pinapasantabi ko na lang yun at iniisip kung anong pwedeng magandang gawin, ngayong pumapasok na ako sa school.

May mga mangilan-ngilang mga estudyanteng nakakarecognize sa akin dito dahil na din siguro sa bago kong pagmumukha.

Kagabi din, matapos kami mag-usap ni Alexander, pinakilala nya ako sa mga umattend ng party.

Malaki ang hallway ng old building, madaming gypsum plaster wall finishes sa bandang kanan nito kung saan yung mga classrom at sa kaliwa naman ay bintana, sa labas naman nun ay mga halaman kaya maganda tumambay. Tatlo lang ang floors ng old building pero matataas ang ceilings nito, madami ding natural light at built in lights kaya hindi sya nakakatakot kahit luma na.

Pumasok akong year 10 R.C A, R.C stands for Royal Class, dito yung nasa schedule ko at Science ang subject which is si sir Oliver ang teacher.

Medyo madaming ng tao sa loob. May malaking bintana sa kanan nito na nagbibigay ng natural light sa loob, sa kabilang side naman ay ang malaking blackboard at may tv sa gitna, may built in aircon din sa taas. Just like other normal schools, one seat apart ang mga upuan at lamesa dito.

Umupo ako sa may tabi ng bintana. Sinubukan kong hanapin si Jack kaso wala dito.

Halo-halo ang mga estudyante dito, may mga yellow, red at blue. Sabi naman ni Jack, kung saan-saang classroom na lang sila pumupunta. For example, gusto nilang mag science buong araw, pupunta sila sa ibat-ibang classroom kung saan yung schedule ni sir Oliver, kung hindi nila naintindihan yung topic, susundan nila kung sino man yung teacher na yun. Ang unfair pero wala ehh, they're not a golden students for nothing.

Maya-maya lang ehh nakita ko si Jack na pumasok, kasama si Aiden, at pati si Alexander. Suot nila yung white coat nila na may gold na colar, si Alexander naman parehas na sa dalawa at wala na yung pasabit-sabit na kung ano-ano.

Anubayan! Okay na yung Jack lang ehh.

Narinig ko namang madaming nagbubulong-bulungan.

"Oh my gosh! They're the three golden students right?"

"Sh*t! They're so hot!"

"Look at Aiden, sh*t. Step on me Aiden, step on me."

"Tignan mo naman si Alexander, my King!"

"Jack, my baby!"

Napatingin ako sa nagsabi nun. Ano ba, wala namang masama mang-angkin pero wag naman nila iparirinig noh.

Nang-magkasalubong yung mata namin ni Jack ehh kinawayan nya ako, kinawayan ko din naman sya. Tumabi sya sa may tabi ko, tumabi naman sa tabi nya si Alexander at Aiden.

Inusog nya ng kaunti yung upuan nya para magkatabi kami, pinigilan naman ito ni Alexander pero tinignan lang sya ng masama ni Jack in the end, umusog parin si Jack. Anong problema nun? Wala pa namang teacher.

Bright Light Academy : The Story Begins [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon