BE Chapter - 36

215 10 4
                                    

Seraphina Brielle Divinagracia

36 | Dead

Hinimasmas ko ang ulo dahil sa stress.

It never crossed my mind that someday, Angela will marry someone and have her own family. Ang tangi kong inisip ay kung sino ang mapagkatitiwalaan ko panghabang-buhay. Isa siya sa pumasok sa isipan ko.

I trust my cousins and my brother... but not with something I've been keeping from them. At sigurado akong kung may isa akong pagsasabihan sa kanila, hindi magtatagal at ang balita ay malalaman nilang lahat.

I sighed. "Kailan ka ikakasal? Or are you already engaged?"

Itinago niya ang kaliwang kamay sa likuran. Angela sheepishly smiled right after, too.

Oh no.

Sinapo ko ang noo at kinalma ang sarili. She's engaged. Anytime soon she's going to have her wedding.

"Sino iyong lalaki?" Seryoso kong tanong.

"A-Ah... nagtatrabaho siya sa isang company, Neng. Sa construction."

"Hmm... okay." Hinimasmas ko ang leeg. There is only one option left if she gets married.

Naglakad ako patungo sa sofa at hinarap ang nalilitong Angela. I'm sure she won't like my proposal but it's the only choice I have. Hindi siya pwedeng malaman nila Mommy. They will only name the child a disgrace. And I can't tell my brother nor my cousins... madadamay sila sa problema ko.

And the child's father... he will never know. Masyadong malaki na ang kasalanan ko.

"Ako na ang bahala sa bata sa araw na makakasal ka." Utas ko kay Angela.

"T-Talaga?" Gulat niyang sabi.

Nag-iwas lang ako ng tingin dahil sa sama ng loob. I am a Divinagracia, I'm cruel... I'm sure she knows that by now.

"Oo... Angela."

"Talagang sasaya iyong bata, Neng! Makakasama mo na siya!" Masaya niyang sabi. And I can't seem to unsee Angela's sparkling eyes.

Ito lang siguro ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito kasaya. But I'm sorry, Angela. What I'm planning to do is not what you think.

Humalukipkip ako at nagbuntong-hininga. "I'll put the child in a shelter. Magiging okay naman siya roon. I'll provide him everything... from clothes, food, toys, cars, education... kahi-"

"Hindi naman iyan ang kailangan niya, Neng! Kahit sa tingin mo matatag iyang anak mo... kailangan niya pa rin ng Ina." Naluluha at nas-stress niyang sabi. She tried approaching me with her arms but I avoided her. Mas nasaktan lang siya dahil dito.

I'm not going to be soft to you Angela. Kahit malaki ang utang na loob ko sa'yo. I'm sure I already repaid you with my money. Lahat ay nababayaran kahit ang pagmamagandang-loob, sakripisyo, at paghihirap.

"Iyon naman talaga ang dapat kong ginawa, Angela. You're just delaying the inevitable! And it's what I want!" Hindi ko napigilang isigaw.

Sinabunot niya lang ang buhok, lubos na sumasalungat sa kagustuhan ko sa sariling anak.

"Hindi! Hindi iyan ang gusto mong gawin! Iba ang gusto mong mangyari, hindi ba? Gusto mo siyang patayin! Gusto mo siyang ipa-abort, hindi ba?! Wala kang plano na bigyan siya ng oppurtunidad para mabuhay!" Sa nag-uumpaw na emosyon ay napahagulgol na siya.

"Yes, because I didn't have a damn choice! Do you think it's easy to be raped? To bear a child, not knowing whether it's from the person you love or a rapist?! Hindi mo alam kaya wala kang karapatan na husgahan ako! You have no right, Angela." Nanginginig kong sabi. Nanatili lang siya na humihikbi habang umiiling.

Beyond Elegance [Divinagracia Series #1] - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon