"Theo, anak." Naramdaman kong inalog ni Mama ang balikat ko kaya agad akong napamulat. Nakatulog pala ako sa haba ng biyahe.
"Maglaland na tayo, gisingin mo na rin ang kapatid mo," ani Mama. Tumango ako sa kanya at nag-unat. Nasa kabilang gilid ko si Thea at siya ang nakaupo sa may window seat. Agad ko siyang ginising dahil bukod sa maglaland na ay sayang naman ang perks ng pag-upo niya roon kung hindi niya tatanawin ang Paris.
"Hoy, panget. Gising na, nandito na tayo." I poked Thea's sides para magising siya sa kiliti. Agad naman niyang hinawi ang kamay ko at gumising na. She peeked through her window and ended up wonderstruck from the sight. Natawa kami ni Mama sa kanya.
"Uy bata, ayos ka lang? Sara mo bunganga mo baka pasukan ng langaw," I said in jest. Sinamaan lang ako ng tingin ni Theodosia at hindi na pinansin.
Bilang katabi ko lang naman siya ay nakisilip na rin ako sa bintana. Inilabas ko ang phone ko para picturan ang view sa baba. Nang makuntento na ako sa larawan ay pinost ko 'to sa IG story ko at nagcaption ng: Touchdown Paris. Pagkatapos ay naghanda na kami para sa pagland ng eroplano.
'Di katagalan ay nakababa na rin kami ng eroplano at pumasok na sa Terminal 1 ng Paris-Charles De Gaulle Airport o mas kilala bilang Roissy Airport. Sobrang busy sa loob at napakaraming tao, it was somehow overwhelming. Pagkalabas namin sa lobby ay kinuha na namin ang mga baggage at pumunta na sa Immigration Office. Pagkatapos asikasuhin ang mga papeles ay sinundo na kami ng katrabaho at kaibigan nina Mama at Papa.
"Pare, long time no see!" bati ni Papa bago sila nagyakapan. Bumeso naman si Mama sa lalaki.
"Oh, ito na ba ang mga anak niyo?" tinignan niya kami. "Ang lalaki na, ah? Ang gugwapo at ang gaganda pa!"
Nginitian namin siya ni Thea. "Mga anak, magmano kayo. Ito ang Tito Jules niyo," pagpapakilala sa'min ni Mama. Agad naman kaming nagmano ni Thea. "Mga anak namin, pars, sina Theo at Thea."
"Nako may isa rin akong anak, ka-edaran siguro nitong si Theo. Ipapakilala ko sainyo bukas, magpahinga muna kayo ngayon," ani Tito Jules.
Dumiretso rin kami agad sa sasakyan at hinatid na kami ni Tito Jules sa hotel na tutuluyan namin. Hapon na nang makarating kami kaya nagearly dinner muna kami sa restaurant ng hotel bago magpahinga,
"I wanted to buy Macarons pa naman as soon as we landed," Thea pouted as we sat on a table.
"We can buy tomorrow habang nagsisightseeing tayo," sabi ni Papa.
"Nako, spoiled ka talaga kay Papa, 'no?" bulong ko kay Thea.
Padabog na nanguha ng tinapay si Thea bago marahas na nilagay sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin at kinain na lang din ang tinapay.
"Ma, Pa, nakita niyo ba 'yung ginawa ni Thea sa'kin? Ang sama-sama ng ugali oh," pagsusumbong ko. Tinuro ko pa si Thea para mas dramatic.
Natawa si Mama sa'min. "Inaasar mo kasi, 'yan tuloy." Tumango naman si Papa, "Oo nga, alam mo namang asar-talo 'yang kapatid mo."
Nakita kong bebelatan sana ako ni Thea dahil sa sinabi ni Mama pero agad na sumama ang ekspresyon niya sa sinabi ni Papa. Totoo namang asar-talo siya kaya natawa kaming tatlo kay Thea na ngayon ay nakasimangot na. "Pinagtutulungan niyo naman ako, eh! That's not fair!"
Pinisil ko ang pisngi ng kapatid ko bago bumaling sa pagkain na kaseserve pa lang. Honestly, ang gaganda ng mga buildings dito, maski itong hotel na tutuluyan namin, pero dahil siguro sa pagod sa biyahe ay hindi ko pa masyadong maappreciate, kaya binilisan ko na ang pagkain para makaakyat na sa kwarto. Mukhang gano'n din ang iniisip ng family ko at mabilis din silang natapos kumain.
Nang makaakyat kami ay binigyan ako ni Papa ng separate key card sa kwarto. "In case na maggagala ka or kung late kaming makakauwi ng Mama mo from business meetings, at least may susi ka."
Nagthank you ako bago pumasok sa kwarto ko. Malaki ang nakuhang room nina Mama dahil mayroon itong tatlong bedrooms. May tig-isang kwarto kami ni Thea, isang kwarto kina Mama at Papa, tapos may malawak na living space sa gitna. Maganda rin ang view mula rito dahil matatanaw sa labas ang kabuuan ng Eiffel Tower. Lumabas ako sa balkonahe ng kwarto ko at kinuha ang phone ko para picturan ito. Sobrang ganda dahil naging silhouette ang mataas na tore sa harap ng papababang araw. Once again, I posted it on my IG story and captioned: the city of love.
***
Halos tanghali na nang magising ako sa katok mula sa pinto ng room ko. Bumangon ako at nag-unat bago ko binuksan ang pinto.
"Ugh, you really just woke up, huh?" nakapameywang na bungad sa'kin ni Thea. Bihis na bihis na siya at may light make-up pang suot. She looks cute, mana sa kuya.
"Yeah, what's the matter?" tanong ko.
"Get ready for lunch daw sabi nina Papa, tapos we'll go sightseeing na. Bilisan mo 'cause we have guests coming over daw," she said before turning to leave.
Naligo agad ako at nagbihis na. Simpleng salmon pink fitted shorts na above the knee at casual white button down shirt na nakatupi hanggang siko lang ang suot ko. I wore my white sneakers and a watch. Kinuha ko na rin ang shades ko dahil summer ngayon at mainit sa labas. Isinabit ko 'to sa shirt ko at lumabas na, bringing my phone and wallet with me.
Pagkarating ko sa living area ay naabutan kong nakaupo sina Mama, Papa, Thea, Tito Jules, at dalawang babaeng hindi ko kilala. Agad akong lumapit sa kanila at bumati.
"Good noon po," bati ko saka nagmano kay Tito Jules. Pinakilala naman niya ang dalawang babaeng kasama niya, "Ito nga pala ang asawa ko, si Tina, at ang unica hija namin, si Natasha." Nagmano rin ako kay Tita Tina at ngumiti naman ako bilang bati sa anak nila. Sabi ni Tito Jules sa kwento niya sa sasakyan kahapon, lahat sila sa pamilya ay Pilipino rin, pero nagmigrate na sila rito sa France dahil dito sila nagkakilala ni Tita Tina.