Chapter XXXVI (Unedited)

93 2 3
                                    

Chapter XXXV

Lex's POV

February 16

Nasa bagong war room kami ngayon dito sa Clemens dahil napagisipisip namin na mas maganda mag kampo at sa bawat Lugar na mabawi naman para mas makita namin kung gaano kalakas ang pagka gawa sa mga depensa na ginawa at maturuin na ang mga gustong lumaban.

"Kung iisipin mas maganda kung makuha na natin yung isa sa mga syudad dito at natural eh malapit naman tayo bakit hindi nalang yan." Napahawak sa baba ang Head. "Pag kakaalam ko eh konti nalang ang mga dawn dun siguro kakayanin naman ninyo yun dahil mas madami pa ang mga mga kalaban dito na pinabagsak niyo kumapara sa dati."

"Ibig sabihin gagawin nalang nating mga gwardiya ang mga mercenary at assassin natin?" Wika ni Gina.

"Hindi, kayo ng bahala sa pag bawi ng mga syudad habang kami dito pakonti konting naming babawiin ang maliliit na bayan at kasama naman namin si Steven kaya mas mapapadali ang operasyon natin." Wika nito.

Sumangayon ako sa Head dahil sempre mas may kakayahan kami at naranasan na ang mga gamitong bagay kaya naman mas maganda kung kami ng bahala.

"Hindi ko naman gustong ipahamak kayo pero mas alam niyo at nakaharap niyo na tong mga kapitan ng kalaban kaya naman alam niyo ang dapat gawin." Wika nito.

Nag isip isip saglit si Gina. "Sige, payag ako pero kung mag ka problema man kayo tawagin niyo kami. Mas maganda kung mag ingat tayo."

"Sige, pero habang wala pa gawin na namin ang dapat gawin at kayo naman mag punta na sa syudad ng Xiyah." Wika nito sa amin. "Kaming ng bahal protektahan to sisiguraduhin kong ligtas to."

Tumango ito at saka lumabas kaya naman sumunod ako dito agad kaming nag punta sa mga kasama namin para ipaliwanag ang gagawin namin, Ilan sa kanila ay nag aalala dahil baka bawiin to ng Dawn pero sinabi naming pupunta punta kami dito ni Cleru para tignan ang kalagayan dito.

Sumangayon naman sila kaya nag handa na kami ng mga kagamitan para sa aming pag lalakbay patungo sa syudad ng Xiyah. Ilang taon na rin simula nung huli naming pag punta roon.

Naalala ko ang araw ng natagpuan namin Lux sa isang gubat. Hindi ko na maalala kung anong pangalan nito pero alam ko kung nasaan ito makikita.

Inabot kami ng isang oras bago natapos ang pag impake ng mga gamit. Napadaan na rin kami kung saan sina Steven at ang Head.

Inilagay na rin namin ang mga gamit sa isang karwahe dahil ang balak namin ay kunin ang mga maliliit na bayan habang patungo sa bayan ng Xiyah. Kung magteleport man kami doon mawawala ang saya ng pag lalakbay diba?

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila.

"Oo naman, at magiiwan muna ako mensahe sa kanila na aalis na tayo." Wika ni Gina saka umalis.

"Tara umalis na tayo mag hintay nalang tayo sa tapat ng Clemens." Wika ko.

Tumango ang grupo ni Rachel at saka umalis habang sumusunod kami rito. Nang maka punta na kami sa harap ng Clemens agad kaming huminto dahil hihintayin pa namin si Gina.

"Grabe, sa isang normal na buhay ngayon nandito na tayo nililigtas ang bansa." Wika ni Jessica.

"Wala na tayong magagawa. Sa atin pinag katiwala ng hari ang pag bangon ng bansa na to." Wika naman ni Rose.

"Naawa lang ako kay Zephiel. Pag nakuha na ang dapat makuha, si Zephiel na ang sasalo ng lahat ng problema at pag bangon nito sa lupas." Wika naman ni Rachel habang nakatingin sa natutulog na si Zephiel.

Nag usap usap sila ng mga bagay na nagagawa pa nila dati, habang ako naman hinihimas ang mga balahibo ng lobo na to.

Hindi namin nasama si Lux, at Ice nung binawi namin ang Clemens... Maski si Leo. Pero malaki naman naitulong niya sa amin dahil kinwento ni Gina yung ginawa ni Leo.

Problema lang siguro eh yung mabilis siyang naubusan ng mahika. Grabe talaga, hindi ko inaasahang kayang controllin ni Leo ang four elements of magic habang ako kapangyarihan ng isang demon?

Ewan ko rin eh.

Ang mahalaga magagamit ko ito para makatulong, hindi para pumaty ng inosenteng buhay.

Tuloy sila sa paguusap at mukhang matatagalan pa si Gina kaya naman pinauna ko na sila habang kami ni Blue at Shan dito sa isa pang karwahe hinihintay pag pag dating ni Gina.

Ano bang ginagawa nun?

Nag hintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na nga siya at sumakay sa karwahe.

"Tara na." Malamig nitong wika.

"Bakit napatagal ka ata?" Tanong ko rito.

"May importante lang pinagusapan." Wika nito.

"Ah. Sige, umalis na tayo." Tumango si Shan at pinalakad na ang kabayo.

Nag simula na ang aming pag lalakbay patungong Xiyah. Mukhang mas mahihirapan kami.

Gina's POV

Few minutes ago.

Habang nag lalakad ako palabas ng Clemens bigla nanakit ang braso at napaluhod sa sobrang sakit.

"Akala ko ba magaling na to." Wika ko sa sarili habang hawak ang aking balikat.

Lumapit agad si Raven sa position ko. "Sabi na nga ba." Wika ni Raven.

Pinainom ako nito ng potion na binigay nito sa akin nakaraang taon. "Anong nangyayare?" Wika ko sa kanya.

"Iisa lang ang paraan para mawala yan. Walang kahit anong gamot ang makakapag pagaling diyan." Wika niya habang nakahawak sa baba. "Kailangan patayin ang nag cast ng curse na yan dahil sa sobrang lakas ng curse hindi ito kayang gamutin ng kahit sino sa ngayon." Yumuko ito.

Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko agad akong tumayo at nag patuloy sa pag lalakad.

"Matatapos na rin naman to lahat. Ilang buwan nalang naman kakayanin ko pa." Wika ko sa sarili.

"Sige na at magbabantay muna ako sa himpapawid." Agad itong lumipad pa itaas.

Hanggang kelan ko pa ba iindahin ang sakit na to nakakapikon na talaga. Sa napapansin ko ilang buwan lang gagana ang gamot dahil sa nakikita ko palala na ito ng palala.

Kailangan na naming bawiin lahat ng nga Capital para mas makaipon kami ng malaking pwersa laban sa Dawn.

Napatingin ako sa mga ulap. "Matatapos din to." Wika ko habang nag lalakad.

~^•^~

HELLO GUYS! Here's an update for EOTB: Castle siege! So sorry if short lang to kasi medyo busy po ako.

I'm also writing in Webnovel now here's the link if you want to check it out.

https://m.webnovel.com/profile/4305147831?appId=10

So yeah. Ayun nga po so pinost ko po ang EOTB ko dun pero english form at medyo iba yung scenes dun at balak ko i-impliment yung mga nandun here pero in tagalog form so check it out if you're curious what I change.

I think mas better yun compare sa old so babaguhin ko yung mga early chapters ko soon pag natapos ko na tong EOTB here.

Leave a vote or comments if you want more update from me.

That's it! See you and goodbye!

Peace Out!

-Your, Legacy

Edge Of The Book: The Castle SeigeWhere stories live. Discover now