"I'm sorry if I'm a mess," sabi ni Shelby sa binata sabay tulak dito nang marahan.
Mabilis niyang pinahiran ang mga luha ng kanyang mga kamay. Natulala siya nang bahagya nang makita ang puting panyo sa kanyang harapan. Binibigyan pala siya ni Gunter ng pamunas sa hilam sa luha niyang pisngi. Kinuha niya iyon at maingat na dinampi sa mukha.
"I'll return this to you first thing tomorrow," sabi niya kay Gunter.
Na sinagot naman ng binata ng mabilis na pag-iling. "No. You keep it."
Napatingin lang saglit dito si Shelby at nilakad na ang natitira pang distansya papunta sa kanyang sasakyan. Sinundan siya ni Gunter.
"About Adeline---"
"You do not need to explain," sabat ni Shelby. Kalmado at relaxed na ngayon ang tinig. Parang na-kontrol na niya uli ang emosyon.
"I want to. I need to. I mean, I want to make you understand where Adeline stands in my life. She is just my ex. No more, no less."
Tumangu-tango rito si Shelby. Pero sa loob-loob niya'y iba ang kanyang iniisip. Mas matimbang ang kanyang nasaksihan noong isang araw. Kakaiba ang sweetness ni Gunter sa babae. Hindi lamang parang isang ex ang turing nito rito kundi parang sa isang espesyal na tao.
"Do you believe me?" tanong ni Gunter sa dalaga.
"Does it matter?" balik tanong naman ni Shelby rito.
"Of course, it does!"
"Okay. I do believe you. But I need to go home now. I have an early start tomorrow." At pumasok na sa sasakyan niya si Shelby.
**********
"Boss, how was it?" tanong agad ni Frederick kay Gunter nang bumalik na ito sa pinag-iwanan niya sa assistant. Nakasandal sa sasakyan nila ang huli at tila nakikinig sa music nang datnan niya. Nakisandal na rin doon si Gunter at napahugot ng malalim na hininga.
"Don't tell me you were not able to make her say yes again this time?" dugtong pa ni Frederick. "I saw you a while ago. You were almost about to kiss her!"
"Almost. Yeah. Almost," parang wala sa sariling pakli ni Gunter. Tila nayayamot ito. Nasipa niya pa ang gulong ng sasakyan sa unahan. Napabungisngis si Frederick. "I was almost there, goddamnit! That bitch---that Adeline spoiled everything!"
"Adeline? What does she got to do with you and Ms. San Diego? She's already a thing of your past. Why is she still an issue?"
"I do not know why!"
Napukpok ni Gunter ang hood ng kotse niya. No'n na nagseryoso si Frederick. Parang nag-isip ito. Tapos, may binanggit sa amo na ikinagulat nito.
"What? What do you mean she read about what?"
Makikitang dinukot ni Frederick ang cell phone sa bulsa at may pinindot-pindot ito. Mayamaya pa ay may pinakita na itong artikulo kay Gunter. Napanganga ang huli sa larawang ginamit para sa artikulong iyon. Tila masuyo niyang inaalalayan si Adeline sa pagkababa nito sa sinakyang Bentley car. Ang headline ng naturang artikulo? Nagkabalikan daw sila diumano ng nobya!
"Fvck! Who wrote this fvcking shit?!" galit na galit na tanong ni Gunter kay Frederick. Ito pa ang nakwelyuhan imbes na nagbalita lamang ito.
"Wait, boss! I'll try to find out," sabi nito sabay agaw sa cell phone mula sa mga kamay ng amo. Binutingting na naman niya ito at mayamaya pa'y may pinapakita nang pangalan kay Gunter.
Christopher P. Ferguson.
"Why is the name familiar to me, Frederick?" tanong ni Gunter sa assistant sa tonong malumanay na pero hindi kaila ang matindi nitong galit.
"That was the same writer who wrote about Ms. San Diego stealing some designs of Ms. Carlota Kolisnyk," pagpapaalala rito ni Frederick.
Awtomatikong napakuyom ang mga palad ni Gunter pagkarinig doon. Kaagad itong umikot sa passenger's side at pumasok na sa loob ng sasakyan. Mabilis ding sumunod si Frederick dito at pinaandar na nito ang sasakyan. Tila nagkaintindihan na sila ng amo kung saan patungo nang gabing iyon.
**********
Nagulat si Shelby nang sa pagdalaw niya sa dati nilang condo ni Dane ay madatnan na roon ang kaibigan. Nagtatatalon siya nang makita ito. Sinugod niya agad ng yakap at halik sa pisngi si Dane.
"How are you? It's been a long time! I missed you so much!"
Tumatawa namang niyakap siya ni Dane. "Ano ba! Parang ilang taon tayong hindi nagkita. Para ten week lang, eh."
"Ten weeks lang iyon?! It felt like a lifetime! Ugh!" At binalita rito agad ni Shelby ang mga kaganapan sa fashion house pati na ang unti-unting pag-angat ng kanyang pangalan."Can you believe it? Almost all royal princesses in Europe are coming to me now for their gowns!"
"I heard about them, too! I am soooo excited for you! Hindi ba sinabi ko naman sa iyo noon pa na malayo ang mararating mo?" natutuwa ring pakli ni Dane. Ganunpaman, may napansin pa ring kakaiba rito si Shelby. Parang hindi umabot sa mga mata nito ang kagalakan.
"Are you all right, Dane?"
Bago pa iyon masagot ng babae ay may tumawag sa cell phone niya. Mayamaya pa'y lumabas ito ng veranda at doon sinagot ang tawag. Habang pinagmamasdan ito ni Shelby mula sa living room dahil nakahawi ang kurtina, napansin ng dalaga na tila galit na galit si Dane na nakikipag-usap sa kung sino man ang sa kabilang linya. She wondered who was it.
**********
Sa pagkakalabas ng balitang napili ng isang Reyna ng Versailles, isang maliit na kaharian malapit sa Pransiya, ang Shelby Madeline San Diego Fashion House na maging opisyal na mangangasiwa ng damit ng lahat ng miyembro ng kanyang pamilya, pumutok muli ang alegasyon ng pagnanakaw diumano ni Shelby ng disenyo ni Carlota Kolisnyk. Nagpa-interview pa ang naturang fashion designer sa malalaking news outlet sa NYC para siraan ang dalaga. May kutob si Gunter na malaki ang kontribusyon dito ng kanyang ina kung kaya ay sinadya niya ito sa kanila.
"Are you accusing me of masterminding this conspiracy theory to sabotage that Philipino girl's reputation?" hindi makapaniwalang balik-tanong sa kanya ng ina. Tila napantastikuhan ito sa narinig. Nabitin nga sa ere ang kopita ng red wine na iinumin sana nito.
"Aren't you?" sabad dito ni Henry Albrecht na kanina pa nakamasid lang sa kanyang mag-ina.
"Why? Are you accusing me, too?" galit na baling dito ni Mrs. Albrecht.
Si Gunter ay dismayadong-dismayado na ngayon. Palakad-lakad ito sa living room sa harap ng mga magulang, looking tensed and frustrated. Nakakuyom ang kanyang mga palad. Parang gusto niyang manuntok. Kaso nga lang, mga magulang niya ang kanyang kaharap.
"I cannot believe you can stoop this low, Mom!" sabi na lang nito sa mahinang tinig.
"I didn't do anything! How dare you accuse me of something I didn't do!" bulyaw naman sa kanya ng ina. Nakatayo na ito at nagkukunwari namang sumakit ang dibdib. Napatingin dito ang asawa tapos napasulyap sa anak na ngayo'y larawan ng hindi matatawarang galit.
Makikitang napaisip-isip ang patriarch ng pamilya. Mayamaya'y napatayo rin ito at tinapik sa balikat ang anak. "Relaxed," sabi nito.
"How can I relax Dad, when Shelby's efforts in wooing that Queen of Versailles to get her services will be put to waste?"