*ROZ POV*
Napakunot ang noo ko pagkapasok sa loob ng bahay ni bossing. Naabutan ko na nakaupo sa sofa yung babaeng kasama niya sa Hamilton noon. Tsk! Anong ginagawa nito dito? Alas nuwebe pa lang ng umaga.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong may naisip.
No, no, no...
Hindi puwedeng dito natulog ang babaeng ito.
Ewan ko pero mainit talaga ang dugo ko sa kaniya at naiinis ako kapag naaalala ko yung gabing kasama niya si bossing at nakita sila ni Deveraux.
Maganda naman yung babae at sexy din pero mabigat pa rin talaga ang loob ko sa kaniya. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya, agad naman siyang lumingon sakin at sumilay ang ngiti sa labi nkya.
"Hi! Anong ginagawa mo dito ikaw yung P.A ni Wes 'di ba?" tanong niya sakin.
Tss. Hindi ba obvious? Tanga-tangahan pa eh.
"Oo, nandiyan ba si bossing?" walang emosyon na tanong ko sa kaniya, hindi ko alam kung nakakahalata na ba siya sakin na naiinis ako sa kaniya. Mailap ang loob ko at mapakla ang pakitungo ko sa kaniya simula pa lang noong gabing nakilala ko siya sa Hamilton.
"Wala siya eh, umalis siya dahil may kailangan daw siyang puntahan ngayon. Halika tuloy ka," anyaya niya sakin at umusog sa gilid ng sofa.
Hindi naman ako tatabi sa kaniya bakit kailangan pa niyang lumayo? Feeling din eh.
"Ah, kanina pa ba siya umalis?"
Humakbang ako palapit sa kaniya pero hindi ako naupo sa mismong inuupuan niya kundi sa kabilang sofa.
"Oo kanina pang 7:AM kaya padating na rin siguro 'yon," aniya at itinuon ko naman sa TV ang atensyon ko.
"Sige hihintayin ko na lang."
"Anong gusto mong inumin? Coffee, juice or what?"
Luh? Feeling may bahay. Tsk.
"No thanks," sagot ko nang hindi man lang tumitingin.
Kung alam lang niya na malaya akong naghahalungkat lagi sa bahay ni bossing, saka dito na nga ako halos nakatira eh. Nagkataon lang na nung nandito siya ay wala ako at umuwi.
"Are you sure?"
"Yeah."
Natahimik na siya. Ilang minuto din kaming nanonood lang ng TV. Maya-maya ay bigla na naman siyang nagsalita at naiirita talaga ako.
"Matagal na bang single si Wes?" tanong niya sakin, nararamdaman kong nakatingin siya mula sa gilid ko pero ayoko siyang lingunin.
"Hmm hindi naman, actually may babae siyang kinahuhumalingan noon, hindi ko nga alam na gf ka pala niya, kailan nga kayo nagkakilala?" tanong ko. Halatang nagulat siya doon. Parang bigla siyang nahiya.
"Ah, noong gabi lang na nagkita kami sa Hamilton."
"Seriously? Hindi ka man lang ba niligawan ni bossing?" sarkastikong tanong ko at alam kong nahahalata niya iyon. Umiling siya sa tanong ko saka bumaling ng tingin sa TV.
"Marunong ba siya manligaw?"
"Of course! What do you think of him? Sanay si bossing na nakukuha lang basta-basta kung ano man ang gustuhin niya, pero kapag mahal naman niya ay ibang usapan na yun, mas pinaghihirapan niya," saad ko. Gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi siya mahal ni bossing, ni hindi nga namin siya nakilala eh tapos bigla girlfriend na siya agad? Kung ano man ang plano ni bossing ay hindi ko din alam.
"Ganoon ba?"
"Yes ganoon na nga. Bakit ka pumayag na maging nobya ng isang lalaking hindi ka man lang pinursige o niligawan?"
BINABASA MO ANG
Invisible Miracle (Completed)
RomanceWes Flores is known as the bassist of the famous band Buzz Tone, but despite his fame, he has a bad reputation for being rude and unfriendly to his fans. However, a woman comes into his life and changes everything- she's the only person who sees him...