*Tatiana Celine Garcia sent you a message.
Hoy babae. Story time *evil emoji*
*Clara Leonora Uy Ledesma: Ano ba gusto mong kwento, about kay Snow White o Cinderella?
Natatawa kong tinitigan ang cellphone dahil sa nireply ko kay Ana. Habang hinihintay ang reply niya ang kumuha muna ako ng makakain sa ref. Pagkabalik sa lamesa ay binasa ko ang kapapasok lamang na chat niya.
*Tatiana Celine Garcia: Story niyo ni Prince Xavier(laughing emoji with tears)
*Clara Leonora Uy Ledesma: Baliw! Prince ka jan. Tsaka, wala kaming story no
*Tatiana Celine Garcia: Nafefeel ko talaga, meron.
*Clara Leonora Uy Ledesma: Nagmessage siya sakin.
*Tatiana Celine Garcia is calling on messenger*
Agad ko namang sinagot ang tawag ng kaibigan at sinuot ang earbuds.
"OH MYYYYYYYYYYYYY!"
Napatanggal tuloy ako ng isang bud dahil sa lakas ng sigaw niya.
"Ana! Ang ingay mo!" Rinig ko sa background ni Ana.
"Sorry, mother. Wait Clare, akyat lang ako sa kwarto. GG si mama"
"So ano na, nagchat siya? Ansabe?"
Tanong niya habang umuupo sa bintana sa kaniyang kwarto.
Kinuwento ko naman ang palitan namin ng mensahe ni Xavier.Tumawa ng malakas si Ana bago magsalita. "Nagselos yun panigurado! So, you're just being polite. Ok."
Humagalpak na naman siya ng tawa pagkatapos ang huling sinabi. Nagboses lalaki pa talaga siya, ginaya ang sinabi ni Xavier sa huling chat niya.
"Ba't naman siya magseselos?"
I doubt it.
"Girl, ganun yun. Tsaka medyo nagtampo rin yun. Sabihan mo ba namang 'you're just being polite.' "
"Oh, anong masama dun."
"Hay nako Clara, iniisip niya na kaya mo lang siya nirereplyan kasi yun ang dapat, ayaw mong maging bastos kaya ka nagreply. Parang wala lang sayo na nagchat siya."
"H-hindi naman sa ganun"
"Pwes! Yun ang iniisip niya."
Nagbaba ako ng tingin sa aking kinakain na mango graham. I-chat ko ba siya ulit? Ano namang sasabihin ko? Nahihiya ako.
"Clare, bye muna, mukhang uulan yung mga sinampay ni mama kukunin ko pa. Balitaan mo ko sa progress niyo ah"
Kinindatan muna ako ni Ana bago niya patayin ang video call. Tumayo na rin ako at iniligpit ang kinainan. Imbes na mag-isip pa ng tungkol kay Xavier ay nanood na lang ako ng movie sa sala.Napatingin ako sa bintana sa aking gilid ng bumuhos na naman ang malakas na ulan. Nawala ang atensyon ko sa palabas na pinapanood. Ang isip ko ay bumalik sa nangyari kanina sa gilid ng gymnasium. Yung paglapit ni Xavier sa akin at pagsukob niya sakin sa kaniyang payong. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako. Pupunta kaya siya bukas sa last day ng foundation? Napatingin ako sa cellphone na nasa aking gilid. Nagdadalawang-isip man ay pinulot ko ito at pumunta sa messenger. Nang mahanap ang kaniyang pangalan ay agad akong nagtipa ng mensahe.
*Clara Leonora Uy Ledesma: Pupunta ka ba sa school bukas?
Pikit mata kong hinintay ang kaniyang reply. Lumipas ang limang minuto ay wala pa rin. Online naman siya. Hindi ko lang tiningnan kong seneen na ba niya. Bumuntong-hininga ako at ilalapag na sana sa aking tabi ang phone nang magbeep ito. Agad kong tinipa ang aking password at tiningnan ang dumating na message.
*Xavier Aragon III: Yep. You?
Napahiga ako sa sofang kinauupuan at sumipa ng sumipa sa ere. Tinakpan ko pa ng throw pillow ang aking mukha at doon tumili. Umupo ulit ako ng tuwid at huminga ng malalim.
*Clara Leonora Uy Ledesma: Pupunta rin.
Dudugtungan ko pa sana ng 'see you' kaso ang kapal ko naman kung ganon. Nakakahiya na, ako na nga naunang magchat sa kaniya.
*Xavier Aragon III: See you around.
OH MY! Paniguradong magwawala si Ana kapag ikinuwento ko ito sa kaniya.
Habang kumakain kami ng dinner ay hindi ko maiwasang hindi mangiti. Napansin tuloy ako ni papa.
"Kamusta ang foundation day niyo Clara, mukhang may nangyaring maganda at masaya ka" Nakangiting ani ni papa. Sumulyap rin sakin si mama at lola.
Uminon muna ako ng tubig bago magsalita para mawala ang kaba.
"Naalala ko lang po ang nga kaibigan ko" yumuko ako pagkatapos at itinuloy ang pagkain.
Kailan pa ko natutong magsinungaling. Eh alam naman nating iba ang dahilan ng mga ngiti ko.Pakanta-kanta ako habang namimili ng damit na isusuot para sa araw na ito. Huling araw na ng foundation day. Panay ang halungkat ko sa mga damit na nakatupi pati na rin sa mga dress na nakahanger. Sa huli ang napili ko ay isang kulay beige na ditsy floral dress. Pinaresan ko ito ng kulay yellow na platform sandals. Ipinasok ko na sa loob ng aking dalang sling bag ang cellphone matapos kung nagsend ng message kay Ana.
Hindi ako ihahatid ng driver namin dahil maaga silang umalis kasama si lola. Kaya magta-tricycle lang kami ni Ana papuntang school.
"Woi!" Napalingon ako sa tumapik sakin. Si Ana lang pala. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Napansin naman niya yun at nagpose pa siya sa harapan ko. Ginagaya ang isang modelo.
"Ganda ba?" Pagtatanong ni Ana.
Nakasuot siya ng kulay black na oversized tshirt. May nakasulat na 'Bad Girl' sa dibdib nito sa kulay purple na mga letra. Ang kaniyang faded jeans ay nakatupi ang dulo. Ang low-cut naman na converse ay itim rin. Isinuot niya sa ulo ang hawak-hawak niya kaninang itim na cap.
"Tara na" Yaya niya sa akin at naunang sumakay sa tricycle.
"May date ka ba Clare?"
"Ha? Wala naman, bakit?"
"Nakadress ka kasi" Binigyan ako ni Ana ng nanunuksong tingin, sabay ngisi niya.
"Pag may date lang ba pwede magdress"
"Hindi. Pero tingin ko may pinaghandaan ka" Humagalpak ng tawa si Ana pagkatapos sabihin yun.
Nag-init ang pisngi ko. Iniisip ko pa lang na makikita si Xavier mamaya ay hindi ko na maiwasang kabahan. Bumibilis na naman ang tibok ng aking puso.
"Ano, may date ka no? Kayo ni Xavier?" Pang-uusisa pa ni Ana.
"Wala a!" Agad ay tanggi ko. Wala naman kaming napag-usapan.
"Okaaaaaaaayyyyy" Mahaba niyang sagot. Mukhang hindi naniniwala.
"Wala nga" Pag-uulit ko.
"Oo nga, wala. Pinipilit ko ba. Defensive" Tumawa na naman ito ng malakas. Pabiro ko ngang hinampas ang balikat dahil hindi siya matigil sa kakatawa.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa school.