Chapter Seven

6 1 0
                                    

At 'yun nga, iyon ang nangyari sa akin. Sa aming dalawa. Dapat sinabi ko sa kan'ya na Mahal ko siya noon pa ngunit hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin sa kan'ya.

She is Yra Dela Cuesta not Mia Dela Cuesta;
Apat na taong agwat ang pagitan sa kanilang dalawa. Magkapatid ngunit iisa ang wangis nilang dalawa. Magkapatid sila ngunit iisa ang kanilang pagkatao.

Ang pagka-iba nilang dalawa…

Kung paano sila magmahal iyon ang pagkakaiba nilang dalawa. 'Di ba? Mahirap ipaliwanag kung hindi mo talaga ito maintindihan.

Katulad ng isang k'wento, mahirap ipaliwanag ng paulit-ulit kung hindi mo naman ito maintindihan. Kailangan mo dito ay intindihin ng maigi. Minsan kailangan mong maintindihan ng maigi para malaman mo ang nalalaman nito at ang aral dito.

Hindi lang puro sa salita at nababasa.

"Ethan! Tulala ka na naman d'yan. Ano ba ang iyong iniisip?" Tugon naman sa akin ni Yra.

"Hmmm, wala nag iisip lang kung bakit kita nakita at nakilala pa." Sagot ko naman dito.

"Ethan, Ethan…"
"Ang lalim lagi ng iniisip mo, sabihin mo sa akin, bilis…" Saad naman niya.

"H'wag na… hindi mo din alam ang aking iniisip" Sagot ko naman.

"Hindi ko malalaman kung ano ang iyong iniisip kung hindi mo ito sasabihin. 'Di ba tama ako?" Napa isip naman ako sa sinabi niya.

She's the crazier one…

"I know, I know but hindi naman sa ganun..." Tugon ko naman sa kaniya.

"Kasi baka hindi ko maintindihan? Baliw…" Tugon naman niya sa akin.

"Yra…"
"I love you…" At bigla ko siya hinalikan sa noo at yinakap ko na rin siya.

"Ang baliw mo talaga…"
"May na-aalala ka ba sa ating dalawa noong una tayong nakita?" Tanong naman niya.

"Yup, I thought your Mia. My only one. Hanggang kamatayan hindi mawawala ang pag ibig namin sa isa't isa." Tugon ko naman.

"Swerte pala ni Ate, nakilala ka niya."
"Ahm… kuya?" Buntong-hininga niya.

Hindi ko alam ang ibig sabihin niya. Ang alam ko lang napamahal na siya sa akin bilang kapatid.

"That day Mia said Goodbye…"
"Na-alala ko iyon bago ka makarating sa silid niya. Nanghihina siya noon. Nagpupumilit na gusto ka niya makita…" Saad naman niya.

"Parang hindi ko alam ang tungkol d'yan?" Tanong ko naman dito.

"Hindi na pinaalam ni Mama noon ang tungkol doon dahil nag boluntaryo kayo noon ni Papa na kunin ang mga gamit ni Mia sa bahay. 'Yun din ang panahon na pinuntahan ko siya. Noong una hindi ko alam na kapatid ko siya dahil lumaki ako sa Lola't Lolo namin…"

"Ahhh kaya pala" Saad ko naman.

"Gusto mo pa malaman ang tungkol sa aming dalawa?" Tanong niya.

"Popcorn muna" Singit naman ni Nathan

"Pasaway talaga, pahingi nga muna…" Kumuha ako at kinain ko ito.

"Ang sarap ah" Kaya inarya ko ito at hindi ko sila binigyan.

"B'wisit! Nathan kumaha ka nga do'n" Inis niyang sabi.

"Opo boss" Saad naman niya.

Boss naman talaga ang mga babae pero dapat ginagalang at ni re respeto. Mahal ko kaya itong babaeng ito kahit topakin.

"Tinopak ka na naman" Tugon ko

"Dahil sa'yo!" Inis niyang sambit at iniwanan akong mag isa sa sala. Lakas talaga ng topak ng babaeng iyon.

"Kuya…" Tipid naman ni Nathan.

"Kung ako sa'yo ligawan mo na si Yra…" Saad ko naman sa kanya.

"Paano ko liligawan kung may gusto siya sa 'yo? At isa pa, ikaw din ang Mahal niya." Tugon naman niya.

"I know, Nathan…" Nakita ko naman si Yra na nakikinig sa usapan namin.

"Mahal ko lang talaga si Yra bilang kapatid ko. At isa pa gusto mo siya di ba? Bakit hindi mo subukan?" Dagdag ko.

"Bakit? Kuya, ayoko na at isa pa binusted ako ni Yra… oo mahal ko siya pero kaibigan lang tingin niya sa akin." Saad niya.

"Dahil mag best friend kayo." Dagdag ko.

"Alam mo Nathan? Hindi sapat na kaibigan mo siya, kung siya talaga ang gusto mo. At kung siya ang binigay sa'yo dadating din kayo sa araw na magiging kayo." Tugon ko.

May binulong ako sa kan'ya nang biglang lumabas ng k'warto si Yra…

"Anong binulong mo kay Nathan?" Tanong naman niya.

"Bakit ko sasabihin?" Kaya pumunta na lang ako sa k'warto at nag pahinga na lang.

Kaya dali dali 'kong nilapat ang tenga ko sa pintuan.

"Yra, labas tayo minsan. Hindi na lang lagi na gusto mo kausapin si Kuya Ethan…" Saad naman ni Nathan.

"Look Nathan, sa bahay na lang tayo. Mag bonding. Kaysa lumabas, mainit at hassle pa naman…" Tugon ni Yra.

"Sabagay tama ka naman. Ahm may movie ako sa k'warto gusto mo manood?" Tanong naman niya.

"Sige sige para makatulog na rin ako at makapag pahinga na rin." Sagot naman niya.

"Tulog na Kuya mo noh? At isa pa ang pinagtaka ko sa kan'ya. Bakit wala siya'ng nalalaman tungkol kay Mia? I mean wala siyang nalalaman tungkol sa Ate ko." Dagdag niya.

"Hindi naman sa lagi niya kasama noon si Ate Mia ay may nalalaman na siya. At minsan nagalit din naman si Mia kay Kuya noon. Hindi ko nga lang alam kung bakit…" Tugon naman ni Nathan

Argh! Pasaway. Alam niya pala iyon. Teka bakit niya alam na nagkatampuhan kami noon?

"Alam kasi ni Mia ang lahat na ulila na si Ethan. Wala nang magulang noong nakilala niya ito. Nagpanggap siya may kapatid pa siya. Pero no'ng nalaman niya ito. Nagalit." Ang dami niyang alam tungkol sa akin pero ang iniisip ko paano niya ito nalaman?

"Alam mo? Si Ethan? Parang dinala lang dito sa lupa. Alam mo iyon? Ni isa wala siyang kakilala sa tao. Ang una niyang nakilala ay ang kapatid ko lang na si Kuya Tyson…" Dagdag naman niya.

Matagal na kasi akong buhay. Matagal na ako sa mundong ito. Tanging si Mia lang ang nakaka alam ang lahat kung bakit ko ito ginagawa. At tanging siya lang din ang mamahalin ko hanggang sa kamatayan.

Kailanman hindi ako niluma ng panahon. Tanging ito lang talaga ang ginusto ng panahon sa akin hanggang sa kasalukuyan…

'Til my last breath (On Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя