Ako
Sa pagbilang ng isa, dalawa, tatlo
Eto na naman malungkot ulit ako.
Kelan ba mapapagod sa pag-iyak ang mga mata ko,
Kasabay ng pag-iisip na baka nga talo ako.Talo ako sa ibang tao,
Sila magaling sa ganyan, sa ganito.
Samantalang ako'y wala man lang talento.
Pero ano nga bang magagawa ko?Eto ako eh. Eto LANG ako.
Hindi abot ang pamantayan niyo.
Hindi sapat lahat ng pagsisikap ko,
Bakit ba kasi ganito lang ako?Bakit ganito ako?
Bakit ganito lang ako?
Ano pa bang pagkukulang ko?
Bakit di ko magawang maging sapat sayo?
BINABASA MO ANG
Luha, Tuwa, at Tugma
PoetryTulang iba't iba ang tema, Iipunin at ipagsasama-sama. Enjoy Reading :)