CHAPTER 6

80 5 0
                                    


NAKATITIG lang ako kay Ben10 habang nanlalaki ang mga mata. Ilang beses pa akong napalunok. Sinusubukan kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin, nalunod na ako sa mga berde niyang mata. Leche, sagad!

Maya-maya pa ay…

Bumulalas siya ng tawa. “Bakit di ka makakibo?” tatawa-tawang aniya. Siraulo. Marunong pala siya tumawa?

Umiwas ako sa kaniya ng tingin. “Ilipat mo nga ‘yan.” Inis na sabi ko sa kaniya.

“Ayoko nga.” Nakatingin sa TV na aniya saka kagat-labing bumaling sakin. “Tingnan mo yung TV.” Utos niya.

Wala sa sariling lumingon naman ako sa TV at…

Nasa bed scene na ang leche.

Inis akong humarap kay TK. “Ilipat mo sabi yan!” Salubong na kilay na utos ko sa kaniya.

“Bakit maganda naman ah?”

“Malibog!”

Kunot noo siyang humarap sakin. “What did you say?”

“Malibog! Give me the remote.” Sabi ko saka tumayo at inabot sa kaniya ang remote pero iniwas niya iyon kaya pilit ko iyong inagaw. At nakuha ko naman pero…

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na nakapatong na pala ako sa kaniya. Siya naman ay nakangising nakahiga habang medyo nakangangang nakatitig lang sakin. Napatitig din ako sa mga berde niyang mata. Pakiramdam ko ay inaakit ako ng mga ‘yon. Inaakit? Crap that Kein.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi. “malibog huh?” pabulong na aniya.

Hindi ako makakilos.

“Amoy kang leche flan.” dagdag pa niya. Leche talaga siya.

Magsasalita na dapat ako nang bigla ay unti-unting bumaba ang mga titig niya papunta sa aking labi. Naitikom ko ang aking bibig. Napapalunok na ako.


“ATE CRUUUU-------SSSH!!????”

Dahil sa gulat ay natakpan ko ng kamay ko ang mukha ni TK at nadiinan iyon papatayo.

“A-a-aray! Ano baaa!” inis na sambit niya habang umaayos nang upo.

Napangiwi nalang ako at nag-peace sign sa kaniya.

Inirapan lang niya ‘ko saka siya umayos ng upo.

“A-anong ginagawa niyo?” si Quake habang nakakunot ang noo. May hawak pa siyang phone.

“Baby sana.” Dinig kong mahinang bulong ni TK.

Nagugulat ko siyang binatukan. “Siraulo!” Mahinang sabi ko dito. Baby baby? Nakakakilabot.

Bumaling ako kay Quake na pawis na pawis na napatingin sa TV saka muling nanlalaki ang matang bumaling samin. “A-ano ‘to? Ginagaya niyo?” tanong niya habang nakaturo sa TV.

Leche. Yung TV.

Dali-dali kong kinuha ang remote at pinatay ang TV. “Mahabang kwento.” Sagot ko nalang dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Napatawa naman ng mahina si Ben10 kaya sinamaan ko siya ng tingin. Leche siya.

Lumapit samin si Quake saka tumabi sakin sa sofa. “Kuya sayo na pala si ate.” He said out of nowhere.

“WHAT THE FUCK!?” si TK
“WHAT?” ako.

Sabay na sigaw namin ni TK.

Siraulong monggo na ‘to. Pinapamigay ako.

Napangiwi naman samin si Quake saka ngumuso. “In’accept kase ko ni Diana sa facebook tapos nakachat ko siya kanina. Siya na crush ko hindi na ikaw ate.” Pagpapaliwanag niya.

          

Napanganga naman kami sa sagot niya.

Seriously?

“Diana Harachi?” inis na tanong ni TK.

Harachi?

Tumango naman si Quake. “Yes! Yung kapatid ni kuya Kyton.” Nakangiting sagot niya.

“May kapatid si Kyton?” singit ko.

Tumango ulit si Quake “Yes, she’s beautiful ate, just like you.”

Tumango-tango naman ako. “maganda nga siguro siya. Gwapo si Kyton e.”

“Do you know him?” nagugulat na tanong ni Quake.

“Yes. Nakilala ko sila ni Jeffy kanina. Dinalaw nila si kuya mo kanina at nandito ako sa sala kaya nakausap ko sila.”

Tumango-tango naman siya. “Okay… By the way. Tara sa dance room, sumasayaw kami ni kuya Cloud.” biglaang sabi niya. Kaya pala pawisan siya.

Lumingon ako kay TK. “Sama ka.” sabi ko. Hindi patanong kundi pautos.

Bumuntong hininga siya saka tumayo. “Let’s go!” aniya saka naglakad.

Tumayo na rin kami ni Quake at hinabol siya. Mapapanood ko na silang sumayaw. The Monggo Dance Troupe. Choss.

Nang makarating sa Dance room ay nadatnan namin si kuya Cloud na pawisan habang nagpapahinga. Nakaupo siya sa lapag.

May tumutugtog rin sa music player na katabi niya. Nang malingunan  niya kami ay pinindot niya iyon dahilan para mamatay ang music.

Lumapit kami sa kaniya..

Tumayo naman siya at ngumiti. “Gusto mong mapanood kaming sumayaw?” tanong ni kuya.

Nakangiti naman akong tumango at saka humalukipkip. “Basta ba kapag hindi niyo ‘ko napabilib… sasapakin ko kayo.” pagbibiro ko.

Tumawa lang si kuya at Quake. Napalingon ako kay TK na nagsusuot na ng sapatos na pang-sayaw yata nila sa isang tabi. Napansin ko na may mga sapatos nga doon sa gilid niya. May pa-shoes si mayor?

Lumapit sa akin si Quake na may dalang panyo. “kailangan mo ‘to.” nakangising aniya habang inaabot sa akin ang panyo.

Nagtataka man ay inabot ko iyon sa kaniya. “para saan naman ‘to?”

“Sa laway.” tumatawang sabi niya bago lumapit doon sa mga sapatos at nagpalit.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Yabang…

Si kuya naman ay hinintay na makapwesto ang dalawa sa gitna bago bumaling sa akin. “pindutin mo ‘to ah.” nakangiting turo niya sa akin doon sa music player. Tumango lang ako.

Nang makapwesto na si kuya sa gilid ni Quake ay saka ito sumenyas. Bali nasa gitna kase nila ni TK si Quake habang nakatalikod silang tatlo.

Pinindot ko ang player at saka ako nag-indian seat…

NOW PLAYING: There for You / Martin Garrix

Sa pagpasok ng unang stanza ng kanta ay humarap sina kuya at TK na may mga seryosong mukha at saka sumayaw. Tutok sila sa pagsayaw. Swabe lang ang kanta kaya ganun din ang kanilang paggalaw…

They immediately impressed me. I also know something about dancing because I am a member of the dance troupe at my previous school.



♪♪♪  I woke up pissed off today

    And lately everyone feels fake

   Somewhere, I lost a piece of me

   Smoking cigarettes on balconies ♪♪♪



Anytime, AnywhereWhere stories live. Discover now