Chapter 8

10 1 1
                                    

Nagising ako ng may malalakas na katok sa pintuan ng kwarto. Arghhh, sasapukin ko talaga kong sino tong baliw na istorbo nato. Sabi ko at tumayo para pagbuksan ng pinto, bumungad sakin si Grace na nakasimangot.

"What?" tanong ko habang humihikab hikab pa.

"What time is it?" tanong nito sakin, nakabihis na ito at halatang may lakad.

"Why, saan punta mo?" tanong ko, at hinayaang bukas ang pinto at bumalik sa kama at nahiga uli.

"Adi, ngayon yung meeting natin with your Caleb" grace

Napatayo ako at tumingin sa kanya. Shit! nakalimutan ko.

"Wait, late naba tayo?" tanong ko at nagmadaling pumasok sa banyo.

"Sobrang late na tayo Adi, akala ko pa naman excited ka at inexpect ko na nakabihis kana" naiinis nitong sabi. Shit! bat kasi nakalimutan ko? Napasarap ng husto ang tulog. Mabilis akong naligo at nagbihis.

"Let's go" sabi ko at patakbong lumabas ng unit.

"Teka, wag ka naman tumakbo Adi!" grace

"Sabi mo late na tayo?" tanong ko at inayos ang suot ko.

"Oo, nga pero wag mo naman ipahalata na medyo excited ka" grace

Napairap nalang ako sa sinabi niya, hindi naman ako excited eh. Ayaw ko lang talaga malate this is first time na nalate ako sa lahat ng meetings ko.

Nang makarating kami dun, formal akong naglakad dahil ayaw kong pagtitinginan na nakitang nagmamadali, kasi hindi naman talaga ako nagmamadali. I'm not! Nung nasa elevator na kami doon ko lang nirelax ang katawan ko.

"You okay Adi?" rinig kong tanongni Grace sa akin, kaya tiumingin ako rito at ngumiti.

"Yeah, ayos lang ako Grace" sagot ko at pilit na ngumiti. Alam ni Grace na hindi ako maayos, kilalang kilala na ako nito kapag alam niyang kinakabahan ako. She tapped my shoulders at nginitian ako.

"Wag ka kabahan, I'm here" sabi niya.

Si Grace ang tumayong ate ko sa loob ng siyam na taon, siya ang laging kasama ko sa lahat ng hirap na pinagdaanan ko kaya sobrang thankful ako dahil nakilala ko siya, nagkaroon ako ng instant ate at bestfriend. Kahit lagi niya akong inaasar ay alam nito na nasasaktan parin ako sa lahat ng nangyari noon at alam niya na nahihirapan parin ako ngayon na harapin ang mga taong nanakit sakin.

Pagkabukas ng pinto ay sabay kaming lumabas ni Grace at  naglakad papunta sa opisina ni Caleb Hernandez.  Napabuntong hininga ako dahil kinakabahan ako sa mangyayari, ngayon ko ulit makikita ang gagong yun.

"This way ma'am" pagbibigay ng direksyon sa amin ng sekretarya ni Caleb at itinuro ang opisina nito, pinagbuksan niya kami ng pinto at kasabay noon ang pag angat ng tingin ng lalaking kinaiinisan ko sa loob ng siyam na taon. Napatitig ako dito habang pumapasok sa loob ng opisina niya. May sakit na bumalatay sa dibdib ko ng makita ko ang titig niya, namiss ko ang titig na yun.

"Cari?" napalingon ako ng may bumanggit ng pangalan ko. Blake. Nakatitig ito sakin na may bahid ng gulat sa mukha nito.

Ngumiti ako at inalis ang kaba sa dibdib ko at ngumiti sa kanilang dalawa.

"Nice to meet you Mr. Hernandez and Mr. Lorenzo, I'm Addison Santiago " pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko kay Blake na agad naman nitong tinanggap ang pakikipag kamay. Nang ilahad ko kay Caleb ang mga kamay ko ay hindi niya iyon tinanggap tangging nakatitig lang ito sa akin. Nginisian ko siya.

"Mukhang hindi ka nakikipag kamay Mr. Hernandez" sabi ko.

Napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Adi, hindi ako makapaniwala na makita ko ulit siya. Fuck, what she's doing here. Hindi ko maalis titig ko sa kanya. I miss her, so much.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ruthless Revenge (On going)Where stories live. Discover now