SIMULA

22 2 0
                                    

"Paano ko po ba makikilala ang para sa akin amang?" Tanong ko sa aming ama na medyo may katandaan na.

"May ipapahanap ako sayong aklat ito ay ang aklat aripmab, doon nakasaad ang mga mangyayare sa ating buhay. Pero dapat hindi ka mag-palinlang sa kung ano ang nilalaman non sapagkat hindi lahat ng naka-sulat doon ay tunay na mangyayare." Sagot niya saakin.

"Doon ko po ba malalaman kung sino ang para saakin?" Magiliw na tanong ko. Excited akong malaman kung sino ang para saakin. Sabi kase saakin ng inang ko bago siya mamayapa ay masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng sariling pamilya, 107 na ako kaya pwede na siguro ako bumuo ng matatawag kong pamilya.

Yun bang sila ang sasalubong saakin tuwing umaga habang may bitbit na mga dugo na galing sa mga papaslangin kong hayop.

Hindi kami pwedeng kumuha ng dugo sa mga tao dahil masyado raw madumi ang mga ito, nananalantay sa ugat't dugo nila ang kasamaan.

Sila ang dahilan kung bakit namatay ang aking inang at ang tatlo ko pang kapatid. Hindi ko alam ang buong kwento pero base sa sinabi sa akin ni amang ay masyadong karumal dumal ang sinapit nila. Hindi ko sila kinasusuklaman, pero hindi ko rin alam ang magagawa ko kung may tao akong makakasalamuha.

"Kung desperado kang makita ito ay kailangan mong mag-lakbay ng sampung kilometro mula dito sa ating kaharian. Ang itsura ng libro ay makapal na may kalumaan, may ibibigay ako sa iyong susi na kapag itinapat mo ito sa aklat ay kusa itong mag-bubukas." Mahabang paliwanag ni amang saakin. Ako naman ay isinulat lang sa dahon ang kanyang mga sinabi para hindi ko malimutan.

"Malapit sa lugar ng mga tao ito, kung ako sayo ay bago pa lumubog ang araw lumakbay ka na. Bibigyan kita ng masusuot mo para hindi ka nila mapansin. Ibibigay ko rin sayo ang isang papel na nag-lalaman ng mga dapat at hindi mo dapat gawin kapag ikaw ay nasa lugar ng mga tao." Ani ni amang. Bigla siyang tumayo at pumunta sa kanyang silid para siguro kuhain ang papel at susi na sinasabi niya.

Ako naman ay nag-hintay sakanya dito sa labas. Pag-karaan ng ilang minuto ay lumabas na si amang para iabot saakin ang papel na kulay kayumanggi dahil siguro sa luma na kaya ganoon ang itsura.

"Huwag mo itong iwawala dahil ipapasa pa ito sa susunod na henerasyon." Usal ni amang, iniabot niya na rin saakin ang isang kapa na pula ang loob at itim ang labas. Mayroon ding sumbrelo na kapag isinuot ay sobrang matatakpan ang aking mukha. May susi rin na iniabot si amang, may kaliitan ito at kulay abo.

Handa na akong hanapin ang aklat aripmab at ang tunay kong pag-ibig. Pero bago iyon ay binasa ko muna ang nakasaad sa papel na binigay saakin.

MGA HINDI DAPAT GAWIN KAPAG AALIS SA KAHARIAN NG PIREVAM

1. HUWAG MAKIKIPAGUSAP SA HINDI KALAHI.

2. HUWAG GAGAMITIN ANG KAPANGYARIHAN NA IPINAGKALOOB NG HARING GINASCHE.

3. HUWAG HAYAAN NA MATITIGAN ANG IYONG MGA MATA.

4. HUWAG HAYAAN NA MAARAWAN ANG MGA BALAT.

5.HUWAG MAKIPAGKAIBIGAN SA HINDI KAURI LALONG LALO NA SA MGA TAO

Ito lang pala ang mga hindi dapat gawin, masyadong kaunti pero kapag nilabag ang isa ay mapapatalsik sa aming kaharian.




A.P.B♡

Our Debarred LoveWhere stories live. Discover now