Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko ngayon, ni kumurap sa taong nasa harap ko'y hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang nangyayare."Gab." Tawag nito kay Gab. Tumingin ako kay Gab, katulad ko'y hindi rin nito nagawang gumalaw. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip nito.
Baby, don't let him come near you.
Nakatingin lang ako sakanya, hindi ko magawang magsalita dahil pakiramdam ko'y pinipigilan ako nito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Akmang lalapit si Kevin kay Gab ng do'n ko lang naigalaw ang kamay ko para iharang kay Gab.
Tumigil ito, kitang kita sa mata niya ang tuwa at nagbabandyang lumuha ang mga mata.
Na kay Kevin lamang ang paningin ko habang siya'y nakatingin kay Gab. "Liam, let's go." Aya sa akin Gab. Nauna itong lumabas ng pinto at sumunod ako, naiwang nakatayo na parang istatwa sa loob si Kevin.
Tahimik ito habang nasa byahe kami, hindi na nagawang kainin ang biniling pagkain at mukhang nawalan ng gana. "Kumain kana, 'diba sabi mo gutom ka." Sambit ko sakanya habang nagdadrive pauwi.
"Wala na akong gana." Sagot nito habang nakatingin sa labas at nakahawak sa noo. Mukhang iba ang naging epekto sakanya ng pagkikita nila ni Kevin. Hinayaan ko nalang ito at hindi na kinulit pa.
Hanggang sa makauwi kami ay dumeretso lamang ito sa kwarto at hindi na nagawang kainin ang biniling pagkain, dinala ko 'to sa kwarto at nagbabakasakaling kakainin niya.
Naabutan ko 'tong nakahiga na sa kama at handa ng matulog ng hindi nagpapalit ng damit.
Hindi ko na ito kinulit pa at hinayaan na lamang. Kumain na lamang ako habang pinagmamasdan siya.
Hindi ko alam kung ba't ganto nalang ang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko'y bigla bigla nalang niya akong iiwan na ngayo'y nakita na niya si Kevin.
Tumulo ang luha ko at sinubukang pigilan ito, sinunasan ko ang aking mga mata at inihilamos ang mga palad sa mukha. Bumuntong hininga ako bago tumayo at mahiga sa tabi ni Gab na ngayo'y mahimbing ng natutulog.
"Goodnight, baby." Pabulong kong sambit sakanya at humalik sa noo. Nakita kong mayroong ring tumulong luha sakanyang nakapikit na mata na nagdulot sa akin ng kirot sa dibdib.
Umiwas ako sakanya at nahiga na lamang, ayaw kong umiyak habang katabi siya. Ayaw kong isipin niyang nagpapaapekto ako sa nangyare sakanya. Alam kong mahal niya ako, alam kong hindi niya ako iiwan.
Pinilit ko nalang matulog dahil pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.
-
Nagising ako dahil sa halik ni Gab. "Goodmorning, baby." Bati nito sa akin ng tuluyan ko ng imulat ang aking mga mata, mukha niya agad ang nakita ko na isa sa mga pinapangarap ko noon pa man.
Ngumiti ako at humalik sa kanyang pisngi. Tumingin ako sa wristwatch ko, "napaka-aga naman ata ng gising mo." Sambit ko sakanya. Ngumiti ito sa akin.
"Pinaghanda kasi kita ng umagahan." Sabay turo sa pagkaing nakapatong sa lamesa. Ngumiti ako sakanya, hindi ko naisip na ganto pala ako kaswerte sakanya na kahit nasa bahay ko siya ay nagawa niya pa rin akong paghandaan ng pagkain na never kong naranasan kay Leslie noon.
Sabay kaming kumain na dalawa, sinubuan ko ito at hinayaan naming maging romantic ang pagkain naming dalawa. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sakanya, sa t'wing susubo ako'y nasa kanya lang ang paningin ko at kahit sa pag-inom ko.
I'm so lucky to have you, baby. I don't want to lose you, I hope you feel the same.
Matapos naming kumain, napagdesisyonan kong pumunta sa lugar na madalas kong puntahan noong andto pa ako. La Mesa Eco Park at Greenbelt Park. "Baby, magdala ka ng iba mong kakailanganin baka late na tayo makauwi o baka magbook nalang tayo ng hotel." Sambit ko dito habang nagaayos ng gamit. Wala ulit ngayon sila mom dahil mayroon 'tong meeting sa Canada.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong nyo sa akin habang pinatutuyo ang kanyang buhok gamit ang towel, katatapos lang nitong maligo.
"Mamamasyal tayo." Saad ko sakanya ng nakangiti. Ngumit rin ito, inayos narin nito ang mga dapat niyang dalhin.
Matapos kong maligo ay umalis na rin kami, nakapagpaalam na rin ako sa mga maids. Nauna naming puntahan ang La Mesa Eco Park, "It's so beautiful here, baby." Komento neto habang pinagmamasdan ang paligid. Madalas kaming pumupunta ni Leslie noon dito, date place ika nga.
Panay ang kuha ng litrato nito, ako ang nagsilbing photographer niya na isa sa kinakiligan ko. Minsan na rin akong naging photographer ni Leslie ngunit wala akong naramdaman na ganto ng mga panahon na 'yon.
You're so beautiful baby, sumabay pa ang napakagandang view ng Eco Park. Fuck! This was the very best view.
Matapos ko siyang kuhanan ng litrato sumakay kami ng kalesa para masilayaan pa ang naggagandahang tanawin dito sa parke. "Kung kailangan ko ng nakakarelax na pasyalan siguro dito ang uunahin ko. Grabe! Napakaganda dito, nakakapawi ng pagod." Sambit nito sa akin habang nakasakay sa kalesa. Tumingin lang ako sakanya at hindi nagawang tumugon sakanya. Andyan na naman ang nakakaakit nitong ngiti, kitang kita ang pagkamangha niya sa paligid. Isa sa mga hilig ni Gab ang pagtatravel sa iba't ibang lugar.
Ng makababa na kami ng kalesa, pumunta kami sa parang tambayan. Napakaraming tao dito at pansin sakanila na magkakapamilya ang mga ito at mayroon ring couples.
"Hindi ko naramdaman ang pagod." Saad nito. Nagpapahinga kami ngayon sa may damuhan. "Saan ang sunod natin?" Tanong nito.
"Sa Greenbelt Park, baby." Sagot ko sakanya habang nakangiti, tumango ito at humiga sa damuhan. Hindi naman gano'n kadumi dahil carpet grass naman ito.
"Puro parke ang pupuntahan natin ngayon ah, ang hilig-hiling mo naman ata sa mga gantong paligid ah. Hindi halata sayo." Dagdag nito.
"Gusto ko kasi 'yong mga lugar na nakakarelax ang atmosphere kahit napakaraming tao at tsaka kahit ikaw gusto rin ng gantong paligid 'no." Tugon ko sakanya sabay ngiti.
Panay lang ang paguusap naming dalawa, minsan ay may lumalapit sa aming bata na mas lalong ikinakatuwa niya. Malapit siya sa mga bata, ngumingiti ito at sinusubukan pang yumakap sa bata. Hindi naman nagagalit ang mga magulang nito dahil wala namang ginagawang masama si Gab. Pumunta kami sa Shell Flower Terrace, Drilon Orchidarium, Horse Back Riding at Ipil Pavilion.
Dito na rin kami ng tanghalian, matapos namin magtanghalian. Pagkatapos naming magtanghalin at libutin ang parke pumunta na kami sa Greenbelt Park. Katulad kanina'y manghang mangha rin ito sa parke, walang ipinagbago sa naging itsura niya kanina. Mas modern ang datingan nito kesa sa Eco Park, mayroong pond, pinalilibutan rin ng mga puno't halaman, at marami ring iba't ibang dekorasyon sa paligid, may simbahan at iba't ibang kainan. Katulad sa Eco Park ay napakaraming tao pero hindi gaano, karamihan naman sa mga turista dito ay puro foreigner. Mayroong ring tumitingin kay Gab na naging sanhi pagkainis ko sa lahat ng taong nakapaligid sa amin.