~God gave you this life because He knew you were strong enough to live it~
Kabanata 75
Pabi's Pov
"Ayon ang ibig sabihin non,anak"sabi ni Mommy Lexi. Hindi niya napansin ang hidden meaning sa sinabi ni Khalex.
Halos himatayin na'ko dahil kay Khalex,napaka lakas ng loob niyang sabihin yon sa harapan ko,sa harapan ng ibang tao lalo na sa harapan nila daddy!!Buti nalang at hindi nila napansin yung paraan ng pagkakasabi ni Khalex.
'Buset na yan,alam naman niyang kumplikado ang lagay namin 'e'
Tumingin ako kay Khalex na nakatingin kay Keiren kaya tinignan ko ito. Nangangasim ang muka niya habang nakain para bang ayaw na ayaw niya yung narinig niya.
Alam kong parehas kami ng mindset.Mali ang ginagawa namin ni Khalex at paniguradong nahihirapan din siya dahil once na nalaman 'to ni daddy ay maghahalo ang balat sa tinalupan.
'Lintek na'
Nagtawag pa si Kapitana Rosa ng mga kapitbahay nila at isa na doon ang dalawang dalagita na pinaggigitnaan ni Mommy at Kapitana Rosa ngayon.
Kapansin pansin ang taglay na ganda ng isa sa dalagita.Bagay sakaniya ang kaniyang morenang balat na mas tumitingkad dahil sa araw.
Ang kulot na kulot na buhok nitong hanggang bewang na sumasabay sa ihip ng hangin.Ang mapupungay nitong mga mata na para bang nagniningning habang nakatingin sa hambog na katabi ko,medyo magulo ang kilay.
Matangos ang ilong nito na mas kapansin pansin tuwing sa-side view ito para kausapin ang katabi niya habang ang labi nito ay kasing kulay ng rosas.Kahit na nakasuot ito ng typikal na suot ng mga probinsyana ay hindi nito natatago ang kagandahan nitong taglay.
'Ang ganda naman niya'
Ipinakilala samin ni Kapitana ang dalawa.Si Gly at Matthea. Pansin ko ang kakaibang tingin ni Keiren kay Matthea habang inaasar ko siya kanina.
'Nangangamoy malansa,hmm'
"May lahi ka ba, Matthea?"i ask due to confusion.
Umiling ito.
"Pure Filipina po"bahagyang nakatungong sabi nito.Sobrang hinhin at liit ng boses niya halatang mahiyain siya.
"Ehh? Para ka ngang may lahi, Matthea"biglang sabi ni Mommy Lexi.
Nag-usap usap pa kami at kinuwentuhan ni Kapitana Rosa tungkol kay Matthea,nararamdaman kong interesado si Keiren kaya nangingiti ako habang pinagmamasdan siyang nakatingin kay Matthea na halatang may gusto kay Kei.
Nung sinabi ni Kapitana na katorse lang si Matthea ay umiwas na ng tingin si Kei.
'Nako!Kahit sino naman pinapatos niya'
Naging masaya ang kainan namin,puro kuwentuhan at tawanan.I've never thought that living a simple life was happy. Less stress and no bullshits.
Habang nag-iimis na ang mga tao ay nakangiting aso kong nilapitan si Keiren.Nagcecellphone ito ngayon at mukang may ka-usap.
"Type mo 'no?"
"Huh,sino?"nakangiwing tanong nito.
"Wushuuu! Kita kita 'e,tingin tingin ka pa kay Matthea 'e"ngiting ngiting pang-aasar ko sakaniya.
Umiling iling siya at umupo sa bato para alisin ang sapatos niya.
"She's not my type, masyado siyang bata para sa'kin"
"Okeey! If you say so.."i put my hands in my pocket and watch him remove his socks.
"What's the catch between you and Khalex? So you two will continue your so-called-Bratty Sister love story?"sarcastic na sabi niya kaya natikom ako.Nilingon niya ang ulo niya at tiningala ako.
"I know that you and Khalex are smart enough to know what will be the result of this conflict you two making"bumuntong hininga siya."You're old, you make decisions already but make sure it's wise.Yung ginagawa niyo ay isang malaking gulo sa pamilya natin sinasabi ko sayo"
Umupo ako sa katabing bato na kinauupuan ni Keiren.I need to justify myself."B-but i'm thinking a plan,swear. Maybe if he fall with somebody else everything will be ok-"
"You can't fool me,"umiling siya at dumampot ng maliit na bato."Hindi mahirap magustuhan ang kakambal ko.Ngayon pa nga lang nararamdaman kong nahuhulog ka na sakaniya"
Hindi ako makapagsalita.Iniisip ko kung totoo nga ang sinasabi niya,kung nahuhulog na ba talaga ako kay Khalex? na miski si Kei ay nahahalata na din.
"Hindi ko alam kung bakit sayo pa?! Bakit sa dinami ng babae,ikaw pa ang nagustuhan niya.I'm sure na may ginawa siya para mapapayag kang gawin 'to kasi kilala kita.You value our family so much"
Hinanap ng mata ko si Khalex,part ng agreement ay wag sasabihin kahit kanino yung napag-usapan namin,hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba kay Kei kahit mukang napagtatagpi tagpi niya na ang lahat.
Nakita ko siyang kausap si Kapitana, bago pa niya ako tignan ay binalik ko na ang paningin kay Kei.
"And as you value our family it includes loving us. I know that seeing each one of us happy means everything to you. I mean ganon kang klase ng tao,masaya kang nakikita ang mga nakapaligid sayo na masaya but you never really consider yourself and I think na ginagawa mo ang lahat para mapasaya si Khalex even that means risking yourself"
Napalunok ako. Nahulaan niya na agad.Magsasalita na sana ako kaso ay naunahan niya na'ko
"Actually, I never seen him loving a girl. I never seen him obsessed with someone. I never seen him happy. Hindi siya pala kwento sakin dahil hindi ko naman daw maiintindihan ang nararamdaman niya kaya mas pinipili niyang tumahimik"
"He's selfish, sinasarili niya lahat ng problema niya while you were selfless, lagi mong iniisip ang kapakanan ng ibang tao bago ang sarili mo."
"Alam mo bang mahirap para sakin na sinosolo niya ang lahat ng problema niya? Na kahit ako mismong kakambal niya ay hindi niya magawang pagkatiwalaan ng sikreto niya."ngumiti siya sakin at huminga ng malalim.
"Salamat dahil pinapasaya mo siya,"binato niya ang maliit na bato sa ilog."Kahit alam mong mapapahamak ka. Mas pinili mong pagbigyan si Khalex dahil gusto mo siyang maging masaya"
"K-Keiren.."
Wala akong ibang masabi kundi ang pangalan niya.Inakbayan niya ako at pinisil pisil ang pisngi ko.
"I'm not against anymore"ngumiti siya kaya naguluhan ako."I just realized ngayon ngayon lang. If he really loves you then be it. Sino ba naman ako para pigilan siya?"
"B-But I already told you my pl-"
"Your plan sucks.Masyado kang obvious,kala mo hindi kita nahuhuling ngumi ngiti mag-isa. Nasa indenial stage ka pa sister"
"H-hindi ah"agad pagtatanggol ko sa sarili ko,umiling iling siya at balasubas na nilagay ang hintuturo niya sa nguso ko.
"Indenial..."