23

5 0 0
                                    







Hoy ikaw ano yung tinext mo sakin ha?!" Sumisigaw si zica sa pasilyo ng school habang tumatakbo palapit sakin agad niya akong inakbayan.





"Ano ba nasasakal ako" pagrereklamo ko "Kasama ko si lycan nun nagpunta kami ng dalampasigan,  baka may masamang gagawin sakin no"





Binitawan niya ako "Ah talaga, so walang masamang nangyari, may masayang nangyari ba? Is it bloody? Is it hot?"




"Ano ka ba nagstay lang kami dun"




Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating ang iba naming kaklase at sila lea din.





Nang matapos na ang klase ay kumain na kami ng tanghalian pagkatapos ay umuwi na din. Dun ako nakahanap ng tiyempo ikwento kay chezca ang tungkol kay lycan.




"What are you sure about that?" Di makapaniwala si zica.




"I saw the keychain zica, i saw my name in it" ang tinutukoy kong pangalan ay ang Alliah, ayokong malaman niya na ampon ako.




"Oh my god, so matagal mo na pala siyang nakakasama" sumimsim siya ng juice "Anong plano mo?"





Nagkibit ako ng balikat "Ewan ko, di ko na siguro sasabihin sa kanya muna"




"Baliw ka ba? Kawawa naman, pano kung hinanap ka rin pala niya?" Napaisip ako sa sinabi niya, paano nga ba?





"Hindi yan, ni hindi nga niya na open up ang topic na yan eh"




"Hope it will not affect the relationship" tiningnan niya ako.





Marami pang mga pinaalala sakin si zica bago kami nagpaalam sa isa't-isa.




"Aga natin ah" bumungad si lycan sakin pagkapasok ko ng condo, nanood lang siya ng basketball sa tv.




"Ikaw lang naman ang matagal" umirap ako sa sinabi niya, siya nga mas matagal nung una dahil sa pambababae eh, naubos na niya yata ang mga babae kaya maaga na siya dito.



Dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis pagkatapos nun ay lumabas na.




Umupo ako sa tabi niya sa sofa saka nagcellphone lang dun. Di naman talaga ako tatabi sa kanya kung wala akong kailangan eh. May pagkain kase sa tabi niya.




Pasimple akong kumuha dun habang nakatutok parin sa cellphone, mga galawan na ganyan sus. Hokage moves.




Di naman niya ako pinuna kahit kitang kita yun sa gilid ng mata niya. Kumuha ulit ako at wala naman siyang naging problema, ok.





Habang busy sa paglalaro ng counter strike sa cellphone ay naramdaman ko ang malapad niyang kamay sa hita ko, tiningala ko siya habang nasa telebisyon parin ang mga mata niya, bumalik na lang ako sa paglalaro.




"Can you come with me?" Nilingon niyako.




"Where?" Tiningnan ko ang oras ng cellphone it's 2 PM pa ah?




Closer Into YouWhere stories live. Discover now