Chapter 14

2 0 0
                                    





Hindi naging maayos ang tulog ko. Kaya medyo nahuli ako sa pag-handa para makapasok. Nagising ako tapos na maligo si Pim at Les. Pagkatapos ko maligo bumaba na kami para mag almusal muna. Pagkababa ko kumpleto na sila don...si Aziel lang ang wala. Natuptop ko ang bibig ko ng maglakad kami sa dining. Nag 'Good Morning' kaming tatlo sa parents ni Quinn. Ganon din ang ginawa nila kasama ng magandang ngiti.



Naupo kami nila Pim. Tatlo kaming magkakatabi habang nasa harap ko naman si Quinn at katabi niya ang Mom and Dad niya. Tahimik kaming nag almusal nang magsalita si Quinn.



"Xandra" tawag niya sakin kaya napaangat ako ng tingin. Napansin kong sinusuri niya ang muka ko. Nahiya akong naglipat ng tingin sa mga magulang niya at parehas silang nagtataka rin sa inasta ng anak. Binalik ko ang tingin ko kay Quinn habang nagtataka padin.




"Umiyak ka ba?" Tanong niya kaya natigil ako lalo. Di ko alam ang isasagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang nangyare kagabi lalo na at nasa harap kami ng magulang niya. Nalipat ang tingin niya kila Pim at Les. Kaya napatingin din ako sa dalawa. Kasabay non ang pagbaba ng kamay nilang dalawa. Nakita kong sinisenyasan nilang dalawa si Quinn na wag maingay. At halatang ayaw nila ipaalam sakin dahil sa pagiwas nila.



Hindi na nag salita pa si Quinn. Hindi ko din sinagot ang tanong niya. Kumain nalang ako ng diretso saka kami sabay sabay na umalis patungo sa school. Tahimik ako habang nasa byahe hindi ko alam kung pano magsisimula mag open ng topic o makisama manlang sa usapan nila. Lalo na at tinanong ako ni Quinn ng ganong klaseng tanong.



Minsan pa napapatingin sila sakin nakikita ko sa gilid ng mata ko. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang sila mukang may gustong itanong sakin. Hindi ko na sila pinansin dahil baka pag nagtanong sila hindi ko rin naman kayang sagutin. Tahimik ang byahe hanggang sa makarating kami.



Pumasok na sa klase sina Pim at Les. Kasama ko ngayon si Quinn na tahimik lang sa tabi ko. Tahimik kaming pumasok ng room. Wala pa si Aziel kaya sinabi ko kay Quinn kung pwede ay tabi kami. Pumayag naman siya.



"May nakaupo ba dito? Baka mamaya may nagmamay-ari na neto ah" nag aalangan na tanong niya. Hindi niya alam na si Aziel ang katabi ko sa upuan dahil hindi kami madalas nagpapansinan sa room madalas kami magkita kapag lunch na o kaya ay uwian.



"Si Aziel" sagot ko na ikinagulat niya. Kinulit niya akong lilipat nalang daw siya ng upuan pero sabi ok lang kay Aziel dahil napag-usapan na namin kahit ang totoo ay wala naman talaga akong nababanggit. Alam kong may alam si Quinn about sakin at kay Aziel pero pinili niyang manahimik.




Dumating si Aziel ng hindi manlang ako tinitingnan. Dirediretso ang pasok niya saka siya naupo sa dating pwesto ni Quinn sa likod. Masakit makita na wala talaga siyang pakialam. Ganto ba talaga kapag may gusto ka. Gagawa ka ng paraan para malayo sayo ung tao tapos sa huli pag sisisihan mo? Sarili ko mismo hindi ko masagot.



Natapos ang pang umagang klase nang hindi ako nagsasalita. Puro aral at sulat lang ang ginawa ko. Ganon din si Quinn. Nag ayang kumain silang mag lunch pero sa Cafeteria nalang daw dahil maaga maguumpisa ang sunod na klase ni Les. Nagkwekwentuhan sila ng kung ano-ano paminsan ay sumasali ako pero madalas ay tahimik na tinatapos ang pagkain.



Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal ng ganito. Kahit kailan hindi ko naisip na magiging ganito ako dahil sa isang lalaki. Pwede bang ibalik nalang ako sa dating ako. Pwede bang gumising ako na panaginip lang ang lahat. Ayoko ng ganito nahihirapan ako.



Natapos ang araw na ito nang ganon ang nasa isip ko. Hindi ako pinapatahimik ng utak ko kakaisip sa isang bagay na dapat isantabi ko nalang muna.
Iiyak nanaman ba ko para kahit papaano maibsan ung sakit.



Nasa harap ako ng school ngayon inaantay si kuya Lando para sunduin ako. Sinabihan ko kasi siya kanina na uuwi ako. Baka kasi akala niya eh matagal pa ko sa bahay ng kaibigan ko. Mabuti na ang sigurado. Nasabi niya na rin na maaga raw umuwi si Cara kaya ako lang ang masusundo niya. Heto ako ngayon ininntay na dumating siya.



Ilang minuto na akong nag iintay pero wala parin siya. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Tinawagan ko si Cara sa bahay at ang sabi niya eh kanina pa raw nakaalis si kuya Lando. Baka raw na traffic lang. Habang wala si kuya Lando naupo muna ako sa isang bench sa tapat ng school. Lilibangin ko muna ang sarili ko habang nag iintay kay Kuya.



Nagphone muna ako at tiningnan ang Instagram ko. Andami kong nakikitang post ng mga kaibigan ko. Mukang nag eenjoy sila sa college life nila. Saka ko naalala hindi ko pa pala nafofollow sila Les. Hinanap ko ang acc nila at finallow ko na sila ang huli kong nafollow ay si Quinn.



Habang nasa IG ako ni Quinn tiningnan ko ang mga photos na pinost niya. Tingnan ko kung merong tungkol kay Aziel. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi tumingin ng mga bagay na may kinalaman sakaniya. Kahit nasasaktan ako masaya padin ako na nakikita ko ang mga bagay tungkol sakaniya.



May nakita akong latest post ni Quinn. Gitara ito ni Aziel at ang caption niya ay...


QnnE: "Music has deep meaning"


Nagpunta ako sa comment section. Nag scroll ako hanggang marating ko ang dulo ang pinakahuling nag comment ay si Aziel.



AzEvans: Yeah, I also thought that the song was for me :(



Di ko nagets ang sinabi ni Aziel. Kaya tinigilan ko nalang. Wala rin naman akong masyadong alam tungkol sakanya. Never pa kami nakapag usap ng personal things. Sinara ko na ang phone ko para hindi ma lowbat. Maya maya lang ay nakarating na rin si kuya. Nasiraan lang daw siya ng gulong kaya hindi agad nakadating. Nag paumanhin siya ang sabi ko naman ay ok lang.



Nakauwi ako ng maayos sa bahay. Pag pasok ko palang nakita kong nasa sala si Cara pero nakatalikod siya mula sakin tatawagin ko na sana siya kaso nagulat ako dahil nasa harap niya si Jos ang kaibigan ko. Ano ginagawa ng lalaking yan dito. Nakaharap si Jos sa pinto kaya pag tingin niya ay nanlaki ang mata niya ng makita ako na lalo kong ipinagtaka.



"Xandra!" Sigaw niya kaya napalingon din si Cara sakin at nanlaki ang mata.



"What are you doing here?" Tanong ko habang nililiitan siya ng mata. Nagkatinginan sila ni Cara kaya lalo nanliit ang mata ko.


"I'm—"



"He's waiting for you" putol ni Cara sa sasabihin ni Jos. Nakangiti siya pero halatang peke habang mabilis ang paghinga. Anong problema ng mga to. Btw bakit naman kaya ako hahanapin ni Jos?. Weird niya ah. Tiningnan ko siya ng nag tatanong.



Nakaawang ang bibig niyang mukang may gustong sabihin na hindi matuloy habang nagpapalitang ng tingin sakin at kay Cara. Sa huli ay nagsalita din siya.


"Uh... peram libro" Sabi nito.



Huh? Ano ba pinagsasabi nitong lokong to. Dumayo pa dito para sa libro. Saka anong libro naman. Ngayon palang siya nanghiram ng libro sakin ah. Nakita kong nasapo ni Cara ang noo niya kaya lalong nakakapagtaka.


"Anong libro ba?" Tanong ko.



"Ay... meron pala ako sa bahay sige uwi na ko ah bye Xandra" sabay lakad palabas.


"Hoy" sinubukan ko siyang tawagin pero kumaway nalang siya. Anong trip non? Nasisiraan na ba siya ng bait? Pag harap ko wala na rin si Cara nakaakyat na ata. Napakamot ako ng ulo ko sa gulo nilang dalawa kaya umakyat nalang ako at nagpahinga.

The Day he ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon