CHAPTER 2

111 7 3
                                    

TANYA'S POV


Masyado akong na star struck sa babaeng nasa harap namin ngayon . Matangkad, skinny, mahaba ang buhok at higit sa lahat ang ganda ng ngiti at mata nya. Wow, chics.


Natatawa ako sa iniisip ko. Behave self, behave.



"Hi everyone, I'm Red Fernavrino." Nakangiti nyang pagpapakilala.


Red? As in Pula? Ang weweird ng pangalan ng mga tao dito.



Dinig na dinig naman ang mahihinang katyawan ng mga kalalakihan.


Biglang umubo si sir upang makuha ang aming atensyon.



"Um, san ka gumraduate and why did you chose architecture as your course?" Pahabol ng prof ko.


Ngumiti yung Red kay sir saka muling nagsalita.



"I graduated from University of Washington Sir and I chose architecture because I want to learn more about constructions and designs and soon become one of those great architects in the future." Masaya man ay maayos nyang sagot.



She must be good, University of Washington? She's interesting.

I could see na impressed si Sir sa sinabi ng babae but he chose to just nod and lend the girl a seat.



"So okay, now that you know everything. I want you all to welcome in Architecture. Goodluck everyone and do your best!" motivating na sinabi ni sir.



"YES SIR!!" sabay sabay naming tugon.


Matapos noon ay nagpaalam na si sir at nagsabi na we may take our lunch kaya isa isa na nag alisan ang mga estudyante.


Napabusangot ako, ako lang ata ang walang kasama dito. Lahat sila nag alisan na.


Nanatili naman akong nakaupo at napabuntong hiningang uub-ob na sana nang biglang may nagsalita sa likod ko.



"Excuse me---"


"Ayyy kabayo sya!"

Nagulat kong asta saka madaling napahawak sa aking dibdib saka huminga ng malalim.


"Uh, I'm sorry, I didn't mean to scare you." She talked again.



Nahihiyang bumaling ako sa babae dahil sa iniasta ko.

Damn, it's her.


She smiled at me. "Wala ka din bang friends?" She asked.


I smiled at her too, "Wala e, bagong salta lang din kasi kami dito." Tugon ko.


"I'm Red." Pakilala nya.


I smiled. Mukhang may makakasabay na ko ah. Di naman nagpapahalatang nagugulat ako sa pag approach nya sakin. Di ko din maiwasang mapatitig sa mata neto dahil ang ganda. Babae ako okay? Wag kayo mag isip ng kung ano dyan duh.



"I-I'm Tanya." I lend my hand to her.

Kita kong medyo natigilan sya at napakunot ng konti pero agad ulit syang ngumiti at tinanggap ang kamay ko for a handshake.


"Nice meeting you." aniya.

"I guess wala ka ding kasama?" Patanong na sabi ko.

"Wala din e, how about let's eat together?" Aniya.


I smiled at her again. "Girl, that's a good idea!" Masaya kong sabi saka sabay kami lumabas ng room.


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon