🍑🍑🍑
ALYANA'S POINT OF VIEW
Nang makaupo na ako agad naman ako tinanong ng dalawang katabi ko
" Aya are you okay? " nag aalalang tanong ni Iana
" Yeah, I noticed that you were staring earlier, do you have a problem? " Zai asked me a question
I tried to smile in front of them and show them that I'm okay, dahil alam ko na kukulitin lang nila ako
" Yeah I'm okay " sabi ko
" Sure ka Girl? " tanong ulit ni Iya. Tumango na lang ako
" Or maybe you're just thinking of Deib? " pang aasar ni Zai tsaka ako sinundot sundot sa tagiliran
What the? Bakit ko naman sya iisipin duh! Pero yung totoo silang apat talaga iniisip ko kung tatanggapin ko ba offer nila or huwag na lang. Pero wala naman dahilan para humindi ako diba. Lalo na't grasya na lumalapit sakin. Aayawan ko paba?
Hayst, Bahala na nga si batman.
" Hey! I don't think of him okay " I said
" Aya, I'll always be here, so please wag mo solohin yan. " biglang lumungkot ang expression ni Iya
" Yeah, and I'll always be here too Aya. So don't be shy to share with us, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayu lang din mag kakaibigan diba "
It seems like I want to cry because of what Zai said. Ilang days ko palang sya nakakasama pero parang ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama sya. Hindi ko tuloy mapigilan na di umiyak pero syempre di ko yun pinakita sakanila. Ayuko ipakita sa kanila na mahina ako. At higit sa lahat ayuko makita nila na umiiyak ako.
" Salamat sa inyo " yan na lang na sabi ko tsaka ko sila niyakap dalawa, hinug back naman nila ako.
Sarap lang kasi sa feeling na may kaibigan ka na nag aalala sayu at andyan sila para damayan ka at isa pa parang kapatid na din ang tinurin namin sa isa't isa. Kaya ngayun sobrang nahihiya na tuloy ako sakanilang dalawa. Andami na ng naitulong nilang lahat sakin at ayuko lang talaga na mag muka akong kawawang yagit sakanilang lahat.
" Wala yun Girl, kung may problema ka huwag kang mahiya na mag sabi samin ni Zai. Kundi magtatampo ako sayu " wow huh, anak ng tokwa andrama naman ng babae na'to.
" Talaga, magtatampo talaga kami sayo. Kaya wag na wag kang magtatago samin kundi hahanapin ka namin " natatawang sambit ni Zai na kinangunot ng noo ko
Nakita ko naman na tumawa silang dalawa kaya natawa na lang din ako sa mga sinasabi nila. Parang natulala lang ako saglit kala mo naman na sobrang laking problema ang dinadala ko. Hahaha
Natigilan lang kaming tatlo sa pag dradrama ng marinig namin mag ring ang bell
Dun lang namin namalayan na tapos na pala ang discussion ng prof namin.
Free time namin ngayun kaya naisipan kong pumunta sa Library. Ibabaling ko nalang ang atensyon ko sa pagbabasa kesa mag-isip ng mga bagay na ayokong isipin. Bakit ko sila iisipin, sila ba naiisip ako? Hahaha baliw na ba ako sino naman ang iisip sa isang katulad ko
Kung nagtataka kayu. Kung bakit wala ang dalawa, nag kanya kanya po kame nang ginagawa ako pupunta sa Library
Si Zai naman pumunta sa cafeteria
Si Iana naman pupunta daw sa rooftop
----
Pumasok ako sa loob ng Library nang makarating ako. As usual. Tahimik sa loob. Namiss ko tuloy ang atmosphere dito. Wala kang ibang iisipin kundi ang mag basa. Tapos ang tanging papasok lang sa isip mo ay yung mga nabasa mo. Maiisip mo nalang na sana ikaw nalang yung bida sa kwento na binabasa mo. Kasi dun, sigurado ka pa sa buhay mo dahil ikaw ang bida. Kung mabibigyan lang siguro ako ng chance na makapasok sa mga book story. Papangarapin kong mapunta sa story about magical word. Yung tamang bato lang ng powers mo kapag may halimaw sa harapan mo. O kaya naman sa isang fairytale. Yung tamang higa kalang tapos hahalikan ka ng prince charming mo para magising.
Nagsimula akong maglibot-libot sa loob ng Library para maghanap ng mababasa ko. Nakarating ako sa dulong bahagi ng Library sa huling book shelf. Tumingin-tingin pa ko ng libro hanggang sa makahanap ako ng balak kong basahin.
Pagkakuha ko ng libro bigla akong napalingon sa kanan ko. Napansin ko ang isang lalaking nakaupo habang nakasandal sa pader. Si Calyx pala. May hawak syang libro pero mukhang natutulog yata. Diretso ang ulo nyang nakasandal sa pader habang nakapikit ang mata. Ang gwapo nya sa posisyon nyang yun.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero awtomatikong humakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. Naupo ako sa gilid nya at pinagmasdan ang natutulog nyang mukha. Ang ganda ng pilik-mata nya at medyo manipis ang kilay. May matangos rin syang ilong at mapupulang labi.
Nabaling ang tingin ko sa hawak nyang libro at napangiti nalang. Binabasa nya pala yung librong una kong hinahanap sa library na to. 'Until I found you' yung title ng libro. Mahilig rin pala syang magbasa.
"May balak ka pa yatang kunin yung libro sakin. Hinayaan na nga kitang titigan ang gwapo kong mukha eh."
Nagulat pa ko nang marinig ko ang boses nya. Mabilis akong napatingin sa kanya. Shet. Gising ba sya habang tinititigan ko sya? Urrgh. Nakakahiya. Pakiramdam ko namumula na yung mukha ko sa harap nya. Hindi ko alam i-rereact ko.
"May gusto ko siguro sakin noh?" Pagbibiro nyang tanong. Natawa pa sya na parang nang-aasar.
Aba't loko re di'ko akalain na may pagka saltik din pala 'to sa ulo. Akala ko ba sya yung pinaka tahimik sa kanilang apat pero bakit parang ngayun ehh mukhang naka High. Yung totoo naka high nga ba sya lakas kase ng tama nya.
"H-hindi ah. Ang kapal naman ng mukha mo." Depensa ko sakanya.
Ngumiti lang sya sakin na parang may pinangangahulugan.
"Are you okay?" Bigla nyang tanong nang mapansin nya ata ang pagkautal ko.
" Uhmm. Y-yeah I'm okay, " Sagot ko naman na ikinatango nya lang.
Tumayo na sya sa pagkakaupo. Nagulat pa ko nang iabot nya ang kamay nya sakin para tulungan akong makatayo. Kinuha ko naman agad yun at mabilis na tumayo. Kikiligin na ba ako nito. Parang gustong kiligin ng atay ko. Kikiligin na din sana bituka ko kaso wag nalang. Mamaya na lang siguro. Pshhhh joke lang Hahaha
"May gagawin ka ba?"
"Huh? Ah. Wala, magbabasa lang sana."
Kalmadong sabi ko."If you don't mind. Pwede mo ba ako samahan sa Cafeteria."
Huh? Bakit naman ako ang isasama nya? Pwede naman sila ate na kakapasok lang sa Library pwede din naman yung mga babae sa labas. Pero bakit ako pa isasama nya? Di naman siguro date to diba. Huh teka may sinabe bakong Date? Makikipag date sa cafeteria? at tsaka sya makikipag Date sakin? Tssss Nababaliw na ba ako?! Malabo ata mang yari yun.
🍑🍑🍑
A/N: Wahhhh O to the M to the G to the OMG😲 Inaya sya ni Fafa Calyx ko WHAHAHAHA! Ano kaya ang sagot ni Alyana? Papayag kaya sya? Tsaka papayag na din kaya sya sa offer ng apat? Mukhang lakas ata ng tama ni Calyx ngayun at dumaldal na bakit kaya?😆 Abangann guys...
💛 Nagustuhan nyu poba? Sana naman nagustuhan nyu..😊
💚 Anyway... Hello sa mga silent readers ko dyan at new readers palang comment naman kayo para ganahan po ako!
❤ See you in the next chapter! Love lotsssss