Chapter 3
After that kissing incident namin ni Clyde ay di na kami muling nagkita pa. As in hindi na kami nagkikita literal na umiiwas ako. Nakapag usap na rin kami ni Theo sinabi ko na sakaniya na tigilan ako dahil di pa ko ready sa commitment naintindihan niya naman ang rason ko. Humingi rin siya ng tawad dahil sa nangyari last week, pinatawad ko naman siya kahit na hindi naman ako dapat yung hinihingian niya ng sorry.
Casual nalang kaming dalawa ni Theo pag nagkakasalubong kami nag papansinan naman kami o di kaya'y mag ngingitian.
"Samahan mo ko sa saturday Naya, May gatherings kami"
Pag ganyang may gatherings sila Isa lang ibig sabihin nun. Andun si Clyde.
"Ayoko Sandra. May plano si ate Shane sa Saturday isasama niya ko" which is true. May pupuntahan si ate at gusto niya kong isama. Pwede naman sana akong hindi sumama pero dahil sa alok ni Sandra ay sasama nalang ako kay ate.
"Eh? Wag ka na sumama. Samahan mo nalang ako saka wala naman si Clyde e. Sinama ni Tito sa Cebu" Ngumisi siya saakin ako naman ay napataas ng kilay.
"Ano sasama ka na sakin ? Alam ko namang ayaw mo sumama Kay ate shane di mo trip mga trip nun e"
Pumayag na rin ako dahil sabi niya nga wala si Clyde hindi ko naman pinahalata sakaniya na pinsan niya talaga ang dahilan kung bakit ayaw ko sumama sakaniya mamaya pag nagtanong pa siya madulas pa ko at masabi kong iniiwasan ko pinsan niya kasi naghalikan kami. Napapikit ako ng maalala ko na naman yun. Great Naya ! Kasalanan mo rin naman yan dahil di ka umiwas in the first place.
"Hi Sandra! Hi Naya!" Bati saamin ni klarise. Madalas siyang sumabay saamin pag lunch break. Kakalipat niya lang din pala nung last week nung nakipagkilala siya saamin ni Sandra.
Luminga linga siya sa paligid pagkatapos ay inusog niya ang upuan malapit kay Sandra. Alam ko na sasabihin niya, itatanong niya kung nasaan si Clyde. Actually si Sandra lang naman madalas niyang kausapin kesa saakin dahil hindi naman ako close sa mokong yun kaya wala siyang makukuha saakin. Minsan na rin namin siya pag-usapan ni Sandra pag Wala siya. Naiirita si Sandra sa totoo lang dahil si Clyde ang rason kung bakit nakipag kaibigan siya saamin.
"Wala si Clyde. Nasa Cebu hanggang sunday"
Rinig kong sabi ni Sandra. Tumango tango naman si klarise saka nagpatuloy sa pagkain. Nakipag kwentuhan pa siya saamin. Actually nakakatuwa siyang kasama, Yung tipong hindi siya mauubusan ng topic. Madaldal pero minsan may sense naman.
Sinundo ako ni Sandra umaga palang ng sabado. Nakapag paalam naman na ko kila mommy, gusto pa nga sana ni ate Shane na kumbinsihin ako na sumama sakaniya. Mag ha'hiking kasi siya sa Tanay, Hindi ko alam kung saan banda dun. Alam ko maraming hiking spot sa tanay. Aalukin ko nga minsan si Sandra maganda na rin yun maging bonding naming dalawa.
"Uuwi kasi yung Isa naming pinsan galing US kaya gustong bigyan ng welcome party nila Lola" Sagot ni Sandra sa tanong ko.
"Pinsan ? Sinong pinsan ?" Abala si Sandra sa paghahanap ng susuotin mamaya. Sakaniya naman lagi galing yung mga damit na sinusuot ko kapag sumasama ako sakniya.
"Si Renzel" sagot niya tapos humarap saakin. "Actually na-meet mo na yun e. Naalala mo yung pumunta tayo sa batangas, birthday ni Tita Hail? Andun siya"
"Hindi ko matandaan. Baka siguro pag Nakita ko siya mamaya matandaan ko"
Tumango siya pagkatapos ay pinakita saakin ang dalawang dress. Tinatanong niya ako kung ano maganda sa dalawa. I picked the royal blue. Masyadong revealing ang style nung yellow dress. Pinapili niya naman ako ng susuotin ko rin mamaya, I matched her color dress too.
BINABASA MO ANG
One Step Closer
Teen FictionHate is a strong word. Shanaya hated so much Clyde, cousins of her beloved best friend.