Chapter 12 Allergy

646 18 1
                                    

Chapter 12

Allergy

Papa said I should be at home at nine. Gusto niya talaga eight lang ng gabi pero siningitan na ni Mama at sinabing babyahe pa kami kaya alas nuebe ay dapat nandito na. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi nagtagal ang usapan doon.

Hindi ko na pinababa si Javier nang sunduin ako alas sais ng linggo ng gabi. I wore high waisted faded jeans partnered with long sleeves knitted mustard yellow cropped top. Hindi ako mapakali nang sumakay sa kotse niya.

It was not the first that we got to be alone but this is the first time that he actually asked me out. Is this our first date? Kung iisipin kong noong nagsimula siyang nanligaw ay ito nga ang una naming labas.

"Are you okay?" he asked while driving.

"Yes..."

"Ang tahimik mo,"

I bit my lip, "Tahimik talaga ako."

Naramdaman ko ang sandali niyang pagtingin sa akin ngunit hindi ko binalingan.

"Are you nervous?" he almost laughed.

Tiningnan ko naman siya ng may kunot ang noo. "Of course not."

Hindi iyon totoo. Kinakabahan talaga ako. Simula noong inaya niya ako noong Friday ay hindi na ito nawala sa isip ko. I didn't saw him yesterday, ang sabi niya huwag na ako sa café gumawa ng report at sa bahay nalang para daw matapos ko kaagad.

Dahil kung pupunta daw akong café ay hindi niya mapipigilan na pumunta at lalo lang daw akong hindi matatapos. Alam na alam niya talaga ang mga kilos niya. He said I needed to finish that so I won't worry about today.

Hindi naman. Nag w'worry padin ako. My rib cage hurts for my heart's hard pounding. Pinilit kong kinaklama ang sarili pero hindi ko naman magawa.

"I am." Nagtagal ang tingin ko sa hindi ko inaasahang sabi niya.

Ngumisi siya sa akin at ibinalik ang tingin sa daan. He's... nervous? Napakurap ako at mas lalong kumabog ang dibdib. Hindi ko alam ang sasabihin kaya hindi rin ako nakapagsalita. I enjoyed myself while looking outside, kahit hindi alam kung saan kami pupunta.

Hindi naman matagal ang byahe, kaya madali kaming nakarating. I know this place but this is my first time going here. Bago lang kasi ito, I heard it from my classmates but I never got a chance to visit. Bukod sa wala akong oras, mukhang mamahalin.

I sighed as I realized, yayamain talaga ang lalaking ito.

It's a high-end restaurant by the hills. Sabi nila tanaw mula rito ang buong bayan kaya maganda ang tanawin at mas malamig din. Sumabay ako ng lakad kay Javier papasok sa loob. Madaming tao pero nang makita ng usherette si Javier ay kaagad itong ngumiti at ginaya kami sa isang lamesa malapit sa railings.

The view is indeed breathtaking. Nakamasid sa akin si Javier at hinihintay akong maupo. Napangisi siya ng makitang natataranta akong umupo. Hinihintay niya kasi ako habang pinagmamasdan ang nagmamasid kong mukha.

"Uh... ang ganda dito..." I tried to say.

"Ang ganda mo,"

My eyes widen at his words, his voice is husky but light tone. Nakatingin siya sa mga mata ko, malamlam ang mga mata pero hindi nahihimigan ang biro. My heart doubled its pace. Naging malikot ang aking mata dahil sa pagkailang.

Hindi iyon ilang kagaya ng una kong nararamdaman sa kaniya. I am uncomfortable because I can now see how I differently react to that. Kung hindi ko siya gusto, palalagpasin ko lang iyon. Pero ngayon...

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon