14

5 0 0
                                    

Chapter 14



Days passed by and October came in.

It's already 12th day of October and also the day that Soliel been waiting.

Ang araw kung saan humingi ng boto ang board members. Hindi ko inakala na ganito kabilis darating ang araw na ito, ang akala ko ay next next month pa magkakaroon ng ganito, pero nagkamali ako.

Sa nakalipas na araw ay madami na kong nakumbinsi na pagkatiwalaan si Soliel. As her secretary, It is my job to take her side and provoke others to join.

Kaya pagkatapos naming mag-usap non ay sinimulan ko na agad kila Jane, dahil alam kong mapapabilis kung sasabihin ko kay Jane, Jin at Sam.

Kung susumahin, mas madaming kaibigan si Sam kaysa saming tatlo. Si Jin meron naman pero hindi masyado dahil palaging subsob sa trabaho once na nakatapak na sa loob ng kumpanya at ng field. Si Jane naman, gaya ng laging nangyayari, masungit. Onti lang ang kaibigan niyan sa kumpanya gaya ng sabi ni Sam.

Kaya ang pinaka-inasahan ko ay si Sam. Halata namang out-going si Sam. An extrovert is what I need in this kind of situations.

At hindi naman yata ako binigo ni Sam nang sabihin kong sakanilang tatlo kung bakit nakipag-meet si Soliel sa akin.

"Madami ka bang naprovoke?" bulong na tanong ni Jane kay Sam habang nanonood sa bawat empleyadong pumapasok sa isang opisina na pinabakante para lang sa botohang to.

"Madami akong nasabihan, di ko lang sure kung naprovoke." sabi ni Sam sabay tawa. "The choice is in their hands, kahit na bigyan ko ng pera yan, who knows who they voted, right?" sabi ni Sam sabay kibit balikat.

Napabuntong hininga nalang si Jane.

"As much as I want to win, Ms. Luna. Wala tayong magagawa." dismayadong sabi ni Jane.

Hindi ko binanggit ang pangalan ni Soliel sakanilang tatlo dahil sa tingin ko ay pribado yun. Ms. Luna nga lang ang pakilala niya diba?

Nang matapos kaming lahat sa pagboto ay nabalik na ulit sa mga trabaho ang mga empleyado.

For me, the board members are bullshit. Kahit na alam kong hindi sa gustonh paraan ko gumagalaw ang business, hindi ko gusto ang nangyayari ngayon.

She's the daughter of the real owner of this company. Oo, anak siya pero majority pa rin ang mga nasa board members dahil sa mga stock at investments na nilaan nila sa kumpanyang to. Kaya kung may mapili man na bago, walang magagawa kundi paupuin ang kung sino mang nanalo.

Business world is a one fucked up world.

* * *

14th of October.

Ngayon na ilalabas ang resulta. Hindi ko alam kung sino ang nagbilang ng boto pero sigurado naman akong neutral ang nagbilang nun.

Napatingin ako sa TV screen na pinapanooran namin ngayon para malaman kung sino ang may highest votes.

Napangiti naman ako nang makita ang apelyido ni Soliel.

I think I did my job as her secretary.

"YES!!" Jane jump out of joy after seeing the result. Mukha siyang college student na nakakuha ng uno sa hindi niya paboritong unit.

"That ends all the problem." sabi ni Jin bago nagpaalam kay Jane at samin ni Sam para bumalik sa site.

"Alis na din ako, may gagawin pa ko." paalam ko kila Jane at Sam bago naglakad pabalik sa opisina ko.

Hindi pa rin naman nawala ang mga papers na pinapagawa ni Soliel kahit na nagkita na kami. Dumadaan pa rin naman kay Ms. Mendoza lahat ng papers dahil sa tingin ko amg unfair tignan kung malalaman ng mga nauna saking empleyado na nameet ko na si Soliel habang sila ay hindi pa.

* * *

Malapit na akong matapos sa mga papers na to nang biglang tumunog ang telepono ko.

It's either Ms. Mendoza or Soliel.

Nakasimangot na inabot ko ang telepono para masagot yun dahil inistorbo ako sa trabahong matatapos ko na sana.

[I'm sorry that I put a sad facial expression on your face because I called, I just want to say thank you for trusting me and having me win this one!] maligayang sabi niya kahit na hindi pa ko naghehello.

"It's fine. Congratulations." sabi ko at bahagyang napangiti.

[Thank you!] she cheerfully answered again. [I would like to celebrate but I don't know your schedule yet so maybe next time!] dugtong niya.

"You don't have to celebrate with me, you can celebrate with your friends and family." sabi ko sabay tapik sa table na pinapatungan ng mga gamit ko.

[You are my friend.] sabi niya kaya napangiti ako.

"Then celebrate with your family first." sabi ko ng nakangiti. "Me and your other friends can wait." sabi ko para matahimik na siya at matapos ko na ang ginagawa ko.

Kahit na gusto ko siyang kausap, feeling ko maling gawin ang bagay na yun.

I already fed my curiosity. Hindi ko na alam ang sunod kong gagawin sa kumpanyang to. Kaya lang naman ako nag-apply dito sa kadahilanang gusto kong makita, gusto kong masagot ang tanong ko kung bakit nagka-ganon yung previous secretary ng CEO ng kumpanyang to.

Kaya ngayong nakita at nasagot na ang mga bumabagabag sa kuryusidad ko, hindi ko na alam ang next goal.

[Hello, Leo?] nabalik ako sa wisyo dahil sa pagtawag sakin ni Soliel.

"Sorry, I spaced out." pag papaumanhin ko sa biglaang pag space out. "What were you saying?" tanong ko dahil hindi ko alam kung may sinabi ba siya o ano. Mas safe na tanong yung tinanong ko, kung tutuosin.

[Like I was saying, before I saw you on the screen spacing out. I'm planing to have a dinner with all my friends in the company this coming week.] pag-ulit niya sa mga sinabi niya siguro kanina.

May kaibigan pala siya dito sa kumpanya?

Kung meron, bakit di nalang iyon yung pinaki-usapan niya na magprovoke ng tao?

Shut it, Leo. Secretary ka ng CEO for fuck's sake.

"Yeah, sure. Just send me the deets." sabi ko nalang para matapos ang usapan.

[Okay! Have a great day! Bye!] masayang sabi niya bago ibaba ang tawag.

As much as I don't want to sigh my ass out, I did. Kahit na alam kong makikita yun ni Soliel.

Napailing nalang ako at sinimulang tapusin na ang kaninang naudlot kong ginagawa.

Sana nga magkagreat day.

Hindi lang ngayon, kundi sa mga susunod pang araw.

BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon