BEGINNING
"Anak! Abot mo nga 'yong alak ko! Nasa kusina."
Binitawan ko ang kumot na nililigpit ko nang marinig ko ang sigaw ng aking ina at lumabas na sa kwarto ko. Inaantok pa akong naglakad papunta sa kusina para kuhanin ang inuutos ng aking ina. Naabutan ko siyang prenteng naka-upo sa maalikabok naming sofa habang nanonood ng balita. Napansin ko ang manipis naming kurtina na nakasara kaya inuna ko munang buksan ang mga ito.
When I open the thin curtain, the shade of light from the sun directly hit my face. I felt the warmness of it that declaring the sunny day for today. I sneezed when I smell some dust from the curtain.
"Caecille! Yung alak ko!" She shouted again.
Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang ilong ko para hindi ulit maamoy ang alikabok. Ilang buwan bang hindi napalitan 'tong kurtina? Well, hindi na ako magtataka. Baka nung huli pa akong naglaba ng kurtina.
I went to the kitchen without looking at my mother, because I can feel her intense glare to me.
Naabutan ko ang sandamakmak na hugasin sa lababo at mga nagkalat na pagkain sa lamesa. Nakita ko sa gilid ng refrigerator ang alak at kinuha iyon. Bumalik ako sa sala at nilapag ang isang bote ng alak sa maliit na lamesa sa harap niya.
"Ang bagal mo..." she murmured.
Hindi ko nalang pinansin at tumalikod na para ipagpatuloy ang ginagawa kanina.
"Hugasan mo ang mga plato at maglinis ka ng bahay bago pumasok sa eskwelahan," pahabol niya.
Umirap ako sa kawalan. Dahan-dahan akong umatras papunta sa kusina para maglinis. Maaga pa naman kaya, kakayanin kong maglinis at magluto ng tatlongpung minuto. Kahit medyo masakit pa ang katawan ko sa training.
Wala pa rin almusal kaya kailangan kong magluto ng kakainin ko. Ang nanay kong lasenggera almusal na niya ang alak kaya ang para sa akin na lang ang inihahanda ko. Hindi rin siya marunong magluto kahit pirito o nilaga lang 'yan.
Nang matapos na akong maglinis at kumain ng almusal, dumeretso na ako sa CR para maligo. Natapos din agad akong mag-ayos at sinukbit ng maayos sa balikat ko ang itim na bagpack ko. Nilagay ko na rin sa loob ang extra kong damit para sa training mamaya at pinlastik ko naman yung sapatos kong... hindi ko alam kung sapatos pa bang matatawag.
Pagkalabas ko sa silid ko, naabutan ko na namang nag-aaway si Mama at Papa.
"Letche ka! May babae ka na naman! Narinig ko kanina kay Aling Lucing na nilalandi mo yung nagtitinda niya!"
Nanggigil na sigaw ni Mama habang pinauulanan ng suntok si Papa. Siguradong kauuwi lang ni Papa kaya nagsasabi-sabi na naman si Mama. Hindi ko alam kung aantayin ko muna silang matapos o dapat na akong pumasok.
I sighed heavily. Eto na naman ang tatay kong babaero at sugalero.
"Ano ba! Tumigil ka nga! Naniniwala ka na naman sa mga chismis sa labas!" My father shouted while avoiding my mother's punches.
"Anak puta ka! Eh, saan ka galing kung ganoon?!" Si Mama.
"Eh, bakit ikaw?! Lasing kana naman!" Singhal pabalik ni Papa.
Nagawi ang tingin ni Papa sa akin kaya bahagya siyang natigil. Tumigil din sa pagsuntok si Mama nang makita ako na nakatayo malapit lang sa kanila.
"Caecille, hindi ba't may pasok ka?" Mataray na tanong ni Mama.
Tumango ako ng dahan-dahan at pinagmasdan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Embracing his Wrath (Rickinson Series #1)
General FictionCaecille Lilly Hernandez is a smart girl who likes to play soccer. She had a crush on Vaughan Osstin Rickinson, one of the inheritor in Rickinson's family. The destiny doesn't want them together but an athlete doesn't born to retreat. She fight and...