Chapter 11

188 8 0
                                    

Bryce's POV

Nakamotor ako ng pumunta kila Marcus dahil may pinapasabi si sir Jaime kay Marcus at alam kong nauna ng umuwi yon kaya siguradong nasa bahay na nila yon.

Pinapasabi kasi ni sir Jaime na may dinner daw sila mamaya at saka sasabihin naman dapat ni sir Jaime yon kay Marcus kaso itong ugok na 'to biglang nawala kaya ayun ako ang inutusan ni sir Jaime sa pinapasabi niya sa apo niya.

Nakapasok na ako ngayon sa exclusive village nila Marcus at pupunta na ako ngayon sa bahay nila ng bigla skong napa-preno ng malakas dahil may biglang tumawid na napaka-gandang babae.

"Ay kalabaw!"Napasigaw siya dahil sa gulat kaya agad akong bumaba sa motor at lumapit sa kanya. Hindi naman siya natumba kundi nagulat lang. Syempre gentleman ako at bigla akong nag-alala sa kanya na baka nasaktan siya.

"Ah eh miss s-sorry... N-nasaktan ka ba? May masakit ba sayo? Okay ka lang ba?"Sunod sunod kong tanong at napansin ko naman na natulala siya sakin.

Baka nao-oahan sayo! Wag ka kasing o.a!

"Pasensya ka na ta-----"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang ngumiti.

Ako naman ngayon ang natulala sa kanya dahil sa napaka-ganda ng ngiti niya.

"Ayos lang hehe... Nagulat lang ako"Nakangiti niyang sabi. Agad naman akong natauhan.

"Ah okay... Pasensya ka na talaga hehe... A-ako nga pala si Bryce Aguas"Pakilala ko sabay lahad ng kamay.

"Ved----Verra hehe"Pakilala niya. Napatango tango na lang ako. Tinanggap naman niya yung kamay ko at nag-shake hands kami.

"May tanong pala ako"Sabi niya.

"Ano yon?"Tanong ko naman. Napalinga linga naman siya sa paligid at saka tumingin sakin.

"A-alam mo ba ang palabas dito?"Tanong niya. Napatango naman ako.

"Oo, pero malayo pa yung palabas dito... Teka hindi ka ba taga-rito?"Takang tanong ko pero napailing lang siya.

"Hindi eh... May hinahanap lang kasi ako... Geh, aalis na ako"Sabi niya at akmang tatalikod na siya ng magsalita ako.

"Sumabay ka na sakin. May sasabihin lang ako sa pupuntahan ko"Sabi ko. Napansin ko naman na napaisip siya at saka napatingin sakin. Sumakay naman ako sa motor ko.

"Sabay ka na baka maligaw ka pa dito eh ang laki kaya ng village na 'to"Sabi ko pa habang iniistart ko yung motor ko.

"Sige, sasabay na lang ako sayo"Sabi niya at akmang aangkas na siya ng biglang sumulpot si Marcus.

"Oh Marcus? I-ikaw pala"Gulat kong sabi pero biglang nagsalubong yung kilay niya.

Ano na naman ba problema ng ugok na 'to!?

Nakita ko naman na napatingin siya kay Verra."Sakin ka na sumabay" Seryosong sabi ni Marcus kay Verra. Napatingin naman ako kay Verra na napataas lang yung kilay.

"Wag na. Sa kanya na lang ako sasabay"Mataray na sabi ni Verra. Napatingin naman ako kay Marcus na biglang napakunot yung noo.

"Bakit sa kanya? Eh dapat ako ang maghahatid sayo diba?"Kunot noong sabi ni Marcus. Narinig ko naman na napabuntong si Verra.

"Eh pakealam mo ba!? Boyfriend ba kita para sayo ako sasabay ha?!"Inis na sabi ni Verra. Napansin ko naman na biglang lumungkot mukha ni Marcus.

"Bakit ayaw mo ba sumabay sakin?"Malungkot na sabi niya. Bigla naman ako naguluhan.

Teka? Magkakilala ba sila? Magkaano ba sila ni Verra? Eh bakit kung umasta 'tong isa kala mo naman boyfriend ni Verra?!

Natauhan naman ako ng bigla kong naalala na may pinapasabi pala ang lolo niya sa kanya."Excuse me, Marcus may pinapasabi pala ang lolo mo sayo"Sabi ko at bigla naman siyang napatingin sakin na nakakunot noo.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now