Eleven: Hiwaga

476 26 0
                                    

"Nay anong ginagawa nya dito?"

Takang tanong nya. Para syang napako sa kinatatayuan nya dahil sa gulat.

Hinawakan ni Nanay Liza ang braso nya at hinatak sya papalapit sa amin ni Leslie.

"Naalala mo ba Danday? Si Rosa, yung batang tumulong sayo noong mga bata pa kayo! Yung di namin alam sumakay ka pala sa van tapos pag dating sa palengke, bumaba ka sa likod nun tapos naligaw ka! sya yung naghatid sayo dito! Naku, di natin alam kung anong nangyari sayo kung di ka nya naibalik dito sa mansyon. Magpasalamat ka ulit kay Rosa ha!"

Mahabang litanya ni Nanay Liza habang kami ni Lorraine ay nag tititigan lang. Sa tingin ko ay inaalala nya ang nangyari noon. Napahigpit ang hawak ko sa relong kulay pink na suot nya noon at hinubad para ibigay sa akin bago ako umalis ng mansyon.

Marahan kong ibinuka ang palad ko na hawak hawak ang relong nabasag kanina. Nangingilid ang luha ko.

"Binigay mo sakin 'to, nung mga bata pa tayo. S-sabi mo sakin, magkaibigan tayo, habambuhay. K-kaya nung nalaman kong may tao dito, pumunta ako kaagad. Nagbabakasakali na nandito ka, Danday."

Naka black jersey sando sya at cycling shorts. Napaka ganda talaga ng katawan nya kahit na hindi na sya kasing puti noong una ko syang nakita.

"Ahh, oo nga! Naalala ko na. Salamat ulit sa pag hahatid mo sakin dito noon ah."

Ngumiti sya.

"Dito ka na kumain, Rosa. Baka nagutom ka sa paglalakad eh."

Alam kong may laman ang sinabi nya. Ako naman kasi napaka tigas ng ulo ko minsan ang arte arte pa! Pero higit sa lahat ay hiyang hiya ako sa kanya.

"Lie, kaw muna bahala kay Rosa. Tulungan ko lang si Nanay na mag prepare ng food."

Baling nito kay Leslie na busy sa cellphone nya.

"Ay hindi na, Danday, ikaw ang bahala sa bisita mo mag kwentuhan muna kayo ako na ang bahala sa kusina. Si Leslie, hayaan mo na yan dyan alam kong may tinatrabaho yan. Si Celine nalang ang tutulong sa akin."

Napatingin sa akin si Rosa saka marahang tumango kay Nanay Liza.

"Tara sa garden."

Naglakad sya papalapit sa isang mahabang upuang kahoy dito sa gitna ng garden pero hindi naman sya umupo kaya nanatili rin akong nakatayo. Gabi man ay puno ng makulay na ilaw ang hardin.

"R-Raine, sorry kanina sa mga nasabi ko ha."

Tumango sya.

"It's okay. Hindi mo yun sinasadya. Alam ko namang galit ka lang. Sorry ha. Kinulit kita kanina. Isa pa, tama ka naman. I'm taking you for granted."

Tumingin sya sa akin pagkasabi noon. Kita kong malungkot ang mga mata nya. Nagsimulang dumaloy ang luha ko. Tinitigan nya ako. Marahan nyang dinala ang palad nya sa mukha ko.

"Shhhh, it's okay. Don't cry."

Pinunasan nya ng hinlalaki nya ang luha ko.

"Ikaw kasi, alam mo bang galit na galit ako sa'yo? Dahil sinira mo yung isang bagay na ilang taon kong iningatan"

Di ko na napigilan ang pag iyak. Sobrang sama ng loob ko, na sobrang gulat ako na sya si Danday. Nag halo halo na yata ang nararamdaman ko. Mabilis nyang itinulak ang ulo ko sa balikat nya. Ramdam ko ang kanang kamay nya na nakapatong sa ulo ko. Mas lalo akong umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Pero habang naaamoy ko ang bango nya ay unti unti akong kumalma. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi ko malaman kung bakit. Dala siguro ng pag iyak.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon