47 Snow

10.1K 396 49
                                    

Lilac POV

"Saan ka pupunta?" Sita ni mama na nagpatigil sa paglabas ko ng pinto. Napangiwi muna ako bago humarap sa kanya. Ilang araw na kasi siyang naghihigpit sa akin na para bang inaakala niyang paglabas ko ng bahay ay tatakbo ako pabalik sa bisig ng asawa ko. On process pa din ang annulment namin ni Gian at habang iyon ang estado ng relasyon namin ay pinaghihigpitan ako lalo ni mama.

"Ma! Magkikita lang po kami ni Heart." Nakangusong aniko.

"Hep! Hindi pwede! Baka magkita pa kayo ng magaling na lalaking iyon! Walang isang salita! Walang paninindigan! Walang kwentang lalaki!" Litaniya ni mama habang gigil na gigil na tinutukoy si Gian. Napaikot ang itim ng mata ko sa sinabi niya. Walang araw kasi na hindi laitin ni mama si Gian simula ng umusad na ang annulemnt namin.

"Hindi kami magkikita ng lalaking iyon dahil kay Heart ako makikipagkita, Ma." Sagot ko na ikinatalim ng tingin ni mama.

"Papuntahin mo na lang dito si Heart, mahirap na!" Pagalit ng aniya.

"Ma naman! Halos isang buwan na akong nandito sa bahay. I really need to go out. I need to be distracted or mababaliw na ako." Nakangusong sagot ko kay Mama.

"Lilac! Huwag na huwag kong malalaman na nakikipagkita ka sa lalaking iyon! Magagalit talaga kami ng papa mo." Ani Mama na halata na malaki ang galit kay Gian.

"Opo." Sagot ko naman. Niyakap muna ako ni mama bago hinayaang makalabas ng bahay. I felt guilty, dahil hindi naman talaga kami magkikita ni Heart. But I really need to get my things from Gian's condo. My laptop and my school things that I left there. Ayoko lang mag-alala nanaman si mama sa akin.

Tinaon ko na lang na tanghaling tapat. Gian should be out eating at this time dahil wala namang makakain sa condo para manatili siya doon. We never stock food and his ref is only good for making his water and beers cold. Alam kong nasa shop niya si Gian kapag ganitong weekdays. I hope.

Ilang minuto na akong nakatayo sa pinto ng condo na tinirhan ko ng ilang buwan pero hindi ko magawang buksan iyon. Ilang minuto pa muna ang pinalipas ko bago magkalakas loob na pasukin iyon. I was tapping the code on the doorlock when the door opened even before I finish with the codes.

Nanlaki ang mata ko ng nasa harapan ko na ang lalaking akala ko ay nasa trabaho. Naroon din ang gulat sa mukha niya ng makita akong nakatayo sa harapan niya. Gian looked like a mess. His beard looks like it's been unshaven for weeks. Wala itong suot na t-shirt and he lost a little weight. Naka-boxers lang din ito at mukhang kagigising. After almost a month of not seeing each other, there is that instantly feeling of longing. I can't help it, my eyes feasted on the sight of him. Nagtitigan kami ng ilang minuto hanggang sa kusa na din kaming nag-ilagan ng tingin. Kita ko sa gilid ng aking mata ang paghawi ni Gian sa buhok niyang magulo at ang paghilamos niya sa mukha niya na para bang na-concious siya sa naging itsura niya. Aaminin ko na kahit mukhang pinabayaan ni Gian ang sarili niya ay ang gwapo pa din niya. Kahit yata anong gawin ng lalaki sa sarili niya ay gwapo pa din siya. Naroon pa din ang kakaibang karisma nito na kinahuhumalingan ng kababaehan. Marahil kasama na ako doon.

"Hindi ko alam na nandito ka. Kukunin ko lang ang gamit ko." Aniko sa lalaki na nakaharang pa rin sa harapan ng pinto. Gumilid siya sa pinto na para bang sinasabing tumuloy ako. I rethink my actions. Maybe it's a bad idea to be inside a small space as Gian. Napaurong ako.

"Maybe I'll get my things next time." Aniko dahil sa pag-aalinlangan.

"Nandito ka na. Kunin mo na ang kailangan mo para hindi ka na magpabalik-balik dito." Gian scoffed. I felt a pang in my heart from his words.

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon