"Hey."
Tinabihan ko ito sa upuan ngunit di pa rin ako nito pinansin at tinanguan lang ako ni Yxel at tumulala muli.
"What's the problem?" Tanong ko dito dahil para syang pinagbagsakan ng langit.
"It's nothing." Matamlay na sagot nito.
"Don't you dare lie to me, Yxel. I can read you like an open book. So tell me, what's wrong?" I softly asked at him. Nakita ko lang s'ya sa labas ng 7/11 na naka upo mag-isa at tila ba dala ang lahat ng problema sa mundo kaya nilapitan ko sya.
Kaka-alis lang ni Thaddeus pagtapos n'ya akong ihatid sa bahay namin nang mag crave ako sa ice cream kaya ako nag punta dito.
Malalim itong bumuntong hiningabbago sumagot.
"You won't tell anyone?" Parang bata nitong sabi, tila ba takot na maisumbong sa kanyang nanay.
"Of course, you dummy." Inakbayan ko ito at sinakal ang kanyang leeg. Hindi naman sya pumalag.
"K-Kase.." Nagdadalawang isip ito bago sabihin.
"Ano?"
"My mother wants me to quit on the band." Isang malalim na buntong hininga muli ang kanyang inilabas.
Nabitawan ko ang kanyang leeg at inalis ang pagkaka-akbay ko sa kanya.
"W-what? Why?" Nagugukulan kong tanong.
"Wala daw pera doon, di naman daw kami sisikat, kaya umalis nalang daw ako sa banda at magtrabaho nalang." Nahihiya nitong pag-amin at tumungo.
Naaawa ako sa kanya at naiintindihan ko sya. Baka kailangan na kailangan nila ng pera ngunit hindi sapat ang pagbabanda ni Yxel para sa panggastos nila.
It's passion or money. Iniisip ng nanay ni Yxel na walang pera sa ginagawa ni Yxel kaya nya ito gustong pahintuin.
"What's your decision?"
"Hindi ko alam." He honestly saidm
"Listen to your heart, it will help you making decisions that are good for you."
"I don't want to leave them."
"Then don't." Mabilis na saad ko. May naisip akong solusyon sa problema ni Yxel.
Nilabas ko ang sigarilyo na nasa bulsa ng jacket ko at sinindihan ito.
Napa-ubo naman si Yxel at nagtakip ng ilong.
"What?" Masungit kong tanong dito.
"Your mother wants you to earn money right?" Tanong ko dito at tinanguan lamang ako nito habang naka takip pa din ang kamay sa bibig.
"Come with me later. Pumunta ka sa bahay ng 6:30." Tinapakan ko ang sigarilyo at pumasok na sa loob ng 711.
Natapos na ako sa pag bili at nakita ko pa din si Yxel sa labas at naka tingin sa akin.
"No wonder, why he liked you."
"What?" Tanong ko dito dahil mahina ang boses nito.
"Nothing."
Kumaway nalang ako at naglakad palayo sa kanya upang maka uwi.
While eating my ice cream I suddenly remember how devastated Yxel was.
Sa kanilang lima, si Yxel ang neutral sa kanila. Mabilis mong malalaman kung masaya, malungkot, o kung galit ito.
Nilabas ko ang cellphone ko upang tawagan ang manager ng North&South.
"Ma'am Misty?"
"Yes?"
"Kailangan ba natin ng waiter? Diba nag quit na si Rex?" Magaan ang boses na sabi ko.
"Why do you know someone na pwedeng pumalit sa kanya?"
I smiled and uttered yes. Matutulungan ko si Yxel, at ang Catastrophe. Alam ko kung gaano kahalaga ang isa't-isa sa kanila. They can't afford to lose one member of them.
"Yes po." Masayang sagot ko at tumango.
"Okay, bring him later." With that, our manager hang up. Close namin si Ma'am Misty, dahil mabait ito. Minsan nga, nakakalimutan namin na manager ito, at parang kaibigan lang ang turing namin sa isa't-isa.
I'm preparing for my work when someone knocked at my door.
Pumasok si mama at tumingin sa akin.
"Hindi mo na kailangan magtrabaho. I can work for the both of us." Pag-upo nito sa kama ko at pinapanuod akong ayusin ang gamit ko na nasa bag.
Ngumiti ako dito at umiling. "It's okay, Ma. Para naman maka tulong ako kahit pa-paano."
"Bumabawi pa lang ako sa mga pag kukulang ko sayo noon." Mahinahon na paliwanag nito.
"Nalulong ako sa droga, at ikaw lamang mag isa ang tumataguyod sa sarili mo. I suddenly want to slap myself whenever I remember my old self."I smiled, "It's enough that you are here now, Ma. Malapit na akong makapag tapos, and promise me, pag naka tapos ako, titigil ka na sa pag ta-trabaho, okay?"
Nakita ko naman ang pag bagsak ng luha sa kanyang mata.
"What good deed did I do in my past life to have a great daughter like you?" Umiiyak na saad nito.
"Your dark past have taught me, Ma. I learned it the hard way."
Naramdaman ko ang pag yakap nito sa akin mula sa likod.
"Your father must be happy now." Punas nito sa kanyang luha at hinaplos ang buhok ko.
"Just assist him, okay?" Saad ni Ma'am Misty sa akin, tinapik ang balikat ni Yxel, "Goodluck."
"Waiter!" Narinig ko ang maarteng sigaw ni Asthea na tinatawag si Yxel. Nasa isang table silang lahat at kararating lang nila.
Nakita ko naman ang inis na tingin ni Yxel kay Asthea.
"Waitress!" Naka-irap na lumapit kami ni Yxel sa kanila.
"Ano ba 'yon? Kaka-umpisa ko pa lang sa trabaho, baka matanggal uli ako." Reklamo ni Yxel sa kanila at tinawanan ito nila Finn.
Naka-tayo si Kent sa gilid ni Yxel at ginulo ang buhok nito na parang bata. "Don't worry, I know your manager."
"How?" Tanong ko dito. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Thaddeus at napatingin ako dito.
"Basta." Tamad na umupo ito sa tabi ni Rileson.
Rileson nod at me, and I smiled at him.
"What's your best seller here?" Tanong ni Finn at tumitingin sa menu.
"Tss, kala mo naman talaga oorder." Parinig ni Yxel.
"The waiter uniform suits you very well." Tukso sa kanya ni Thaddeus.
Inirapan ko ito at hinatak si Yxel.
"You go there." Turo ko sa isang grupo ng mga lalaki na pagserve-an nya.
Masunurin naman itong tumango at dali-daling lumapit doon.
It's already 11:41 and yet, they're still here. Sila ang pinaka maingay dito sa bar, kaya ang ibang tao ay napapatingin sa kanila.
Naapiling naman ako at lumapit sa kanila upang sawayin sila sa ingay nila. Dinaig pa yung malakas na music sa nga tawanan nila.
"Hoy, ang ingay n'yo!" Suway ko sa mga ito, ngunit dahil lahat sila'y lasing na, tinawanan lang nila ako.
Tumayo si Thaddeus at pagewang-gewang na lumapit sa akin. Hinawakan ko ang braso nito dahil muntik na itong mabuwal sa kinatatayuan n'ya.
"Eto si Graziewkrl." Bulol na saad nito at tinuro ang mukha ko. Tinapik ko naman ang daliri nito.
"A-Alam n'yo ba nung unang pagkikita namin nito?"
"Ano 'yon, ano 'yon?" Papikit pikit na saad ni Finn.
"Ang kalat n'yo." Reklamo ni Yxel na kakarating lang at nilinis agad ang mga bote ng alak na ininom nila kanina.
"Spill the tea, sis." Atat na tanong ni Asthea, sya lang ang matino sa kanila dahil ang nga kasama nya ay lasing na.
Naguguluhan naman ako sa sinasabi ni Thaddeus, unang pagkikita? Nung ipinakilala sya sa akin ni Asthea?
"We met before Asthea introduce you to us." Para nitong sinagot ang tanong na nasa utak ko.
"What? When?"
"Nung na---" Si Rileson na sana ang magsasalita ngunit sinamaan agad sya ng tingin ni Thaddeus.
Nilagay ni Thaddeus nag hintuturo n'ya sa kanyang labi upang patahimikan sila.
"Hey, you're drunk." Awat ko dito at inupo sya dahil mabigat sya, naka tuon ang bigat nya sakin.
"Two years ago." Tumungo ito sa table at nagsasalita. Lahat sila, maliban samin ni Yxel, ay mapula ang mukha, tanda na sila'y lasing na.
"Hoy, wag mo kaming tulugan." Sinipa ni Finn ang tuhod ni Thaddeus.
Two years ago? Hindi ko pa s'ya kilala noon!
"Muntik na s'yang ma-holdap." Pagtutuloy nito sa kwento, habang naka-pikit.
Ah! Natatandaan ko na! Pauwi na ako noon, mag-isa lang ako lumabas dahil absent si Klea, habang nag aabang ako ng tricycle ay may naramdaman ako sa tagiliran ko.
"Akin na wallet at cellphone mo." Diniin nito ang hawak na baril sa tagiliran ko, ngunit hindi ako natinag dito.
"Wala. Wala akong dala."
"Ano 'yan?" Tanong ng isang estranghero. Naka hoodie sya na itim at may cap pa sa ulo kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
"Wag kang makialam dito kung ayaw mong butasan ko 'yang bungo mo." Tinutok nito ang nguso ng baril sa aking noo.
Napairap nalang ako sa kawalan. Hindi ko naman sila pipigilan, baka nga tulungan ko pa sya eh.
"Akin na 'yung wallet mo, dali!" Galit na sigaw nito sa akin at inilahad ang kamay sa akin.
"Mister, kung gusto mong kumita, hindi dapat galing sa bulsa ng iba. Tingin mo magugustuhan ng anak mo 'yang ginagawa mo?" Segway ko dito at nakita kong dinampot ng estranghero ang isang kahoy na nasa gilid ng kalsada at hinampas nito ang ulo ng holdapper. Agad naman itong nawalan ng malay at tumawag agad sya sa pulis.
Pumara na ako ng tricycle at sasakay na dapat dito nang tawagin ako ng estranghero.
"Wala man lang 'thank you'?" Pag gaya ni Thaddeus sa sinabi nya noong gabing iyon two years ago.
"I didn't ask for your help." Pag sabi ko ng mga salita na ginamit ko noong sinagip nya ako.
"Dapat sinama ka nung mga pulis."
"What?" With that, sumakay na ako sa tricycle at hindi na pinansin ang baliw na estranghero'ng iyon.
Bakit ako ba ang mag nanakaw at ako ang isusuplong nya sa pulis?
"Co'z you stole my heart."