"Walangya ka talaga Ara!!!" -ako
"Ano ka ba! 16 years old ka na! Uso yan ngayon. Bagay yan sayo ano ka ba!" -Ara
"Parang pinakita ko na ang buong kaluluwa ko dyan!" -ako
"Natural! Swimsuit kaya yan hello?" -Ara
Bwiset!!! Binigyan ba naman ako ng floral na swimsuit! Once piece ah! tapos pa skirt type yung pambaba.
"Eh! ayaw ko nyan! Yung long sleeve ko ba asan?" -ako
"Ah eh... ^_^ iniwan ko sa bahay" -Ara
"Bwiset! Pwede namang magwhite t-shirt diba?" -ako
"Hoy! Para kang ano dyan! Alam mo bang mga mayayaman ang nandito kaya walang nakaT shirt dyan. Ultimong matanda nakaswimsuit. Tignan mo nga yang mga na sa labas. Dyan sa binigay ko sayo waley lang yan sa suot nila no!" -Ara
"Sila yun hindi ako" -ako
"Bahala di ka makakapagswimming" -Ara
"May cover up ka pa ba dyan?" -ako
"Ofcourse!" sabay bato sakin ng cover up na blue. Kanya kasi butas butas. Akin medyo transparent na matatakpan ang buong swimsuit.
"Tsk! Pasalamat ka kating kati na kong magswimming!" -ako
"Bilisan mo magbihis ah!" -Ara
"Ano pa nga ba!?" -ako
Nagbihis na ko. Anak ka talaga ng nanay mo Ara!
Tumingin ako sa salamin. Wow! Sino yan? Charot!
"Oh Xy ganda mo ah!!!" -Ara
"Wag ka nga!" -ako
Lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Ara. Humarap ako sa kanya at ngumisi sya.
"What?" -ako
"Excited na excited tayo ah" -Ara
"Huh?" -ako
Hinagis nya sakin yung cover-up ko.
"Wag kang mag-alala maski ako naiilang sa suot ko. Buti na nga lang may cover-up ako" -Ara
Dumeretso kami sa Pool. Palublob na sana kami nang may pumito at nakuha ang atensyon naming dalawa.
"Mga miss bawal po ang mga cover-up sa pool. Swimsuit only po" -ate
"Ay sige po"-Ara
Umalis na si Ate. Palublob na sana kami nang si Tristan naman ang umepal.
"Arang payatot!" -Tris, sya lang naman ang tumatawag ng Payatot kay Ara eh. Lumapit sya samin.
"Nakaka-umay talaga ang katawan mo hahahahaha!"
"Unang-una! Bakit mo tinitignan?"
"Laking harang eh!"
"Kapal mo ah! FIY ah madaming naglalaway sa katawan ko"
"Psh, mga bulag sila"
"Ang sabihin mo denial ka lang"
"Asan si Xy?" -Tris, ngumuso si Ara sa direksyon ko. Tumingin sya at nanlaki ang mata nya.
"Bakit ka nagsuot ng ganyan!" -Tris
Hinubad nya yung parang polo nya at sinuot sakin.
"Para namang ano to! Alam mo ba ang swimsuit Bakulaw?" -Ara
"Ikaw nagpasuot sa kanya nyan no?!" -Tris
"Bakit? Bagay naman sa kanya ah!" -Ara
"Hindi yun ang point ko! May mga swimsuit naman na hindi ganyan ah!" -Tris
Actually, hinde naman ganun kakita yung katawan. Wala ngang kita eh. Kita lang ang legs at arms ko. OA ni Tris,
"Edi magpalit sya!" -Ara tapos binuksan nya yung bag nya at hinagis sakin yung swimsuit kong long sleeve. Kala ko ba naiwan nya?
"O yan! Happy?" Tanong ni Ara kay Tris. Di ko alam ang sasabihin ko. Hindi naman sila ganito mag-away. Ang Weird nila.
"Tsk! Wag mong dinadamay si Xy sa mga kalandian mo!" -Tris
Tumulo na lang ang luha ni Ara at naglakad siya paalis.
"Tristan, nasaktan mo na talaga si Ara dun..." -ako
Tahimik lang siya doon at nakatingin kung saan nagpunta si Ara.
"Alam mo ba kung ano ang epekto sa babae kapag sinabihan mo syang malandi? Sundan mo" -ako
"AYOKO, Magpalit ka na" -Tris
Sabay alis. Tsk! Dalawang to, ginagawang komplikado ang buhay eh. Sinuot ko ulit yung suot ko kanina nung dumating ako. Pagkatapos kong magbihis hinanap ko si Ara. Lahat na hinanapan ko hindi ko talaga makita.
Baka na sa Room na. Teka nga... San ba room namin? Antayin ko na nga lang sila sa Veranda.
Mag-grogrowtopia na ko. Oras na ng pagharvest ng sugarcanes!
Harvest lang ako ng harvest. Tanim dito tanim doon. Napansin kong palubog na yung araw. Maka-alis na nga.
(Hi) -skydoes383
(Hi Sky) -lhadyxhin07
(Badtrip kanina)-skydoes383
(Maski ako nabadtrip kanina. Asar)-lhadyxhin07
(I guess we are both having a bad day)-skydoes383
(Lol! kamusta Vacation mo)-lhadyxhin07
(Nang-aasar ka? kakasabi lang badtrip nga)-skydoes383
(Mag-isa ka?)-lhadyxhin07
(Oo)-skydoes383
(Wawa)-lhadyxhin07
(Bakit may kasama ka ba?)-skydoes383
(Wala ^_^)-lhadyxhin07
(Wawa)-skydoes383
(Saang resort ka sa Tagaytay?)-lhadyxhin07
(Baka CEREAL killer ka!)-skydoes383
(Lol)-lhadyxhin07
(Bakit mo naman tinanong?)-skydoes383
(Just curious)-lhadyxhin07
(Dyan sa Resort na pinagvavacationan mo) -skydoes383
(Weh?)-lhadyxhin07
(Sa Villa Nueva am I correct?) Nilingon ko kung sino ang may mga hawak na cellphone. Wala naman eh. (Wag mo kong hanapin di mo ko makikita)
(Nakikita mo ko?)-lhadyxhin07
(I like the floral, very summer)-skydoes383
That was... I dont know kung ano ang nararamdaman ko. Parang masayang kinakabahan. Paano nya nalaman na ako yun? Madaming tanong na gumugulo sakin.
(Bye xhin!)-skydoes383
Tapos nag-offline sya. Weird ni Sky. Well balik ulit sa paghaharvest ng sugarcanes. Ay... ubos na...
Venus guy trap naman. Andami ko ng pera!!! 75,492 na ang aking Money! Mag-iipon ako ng 500,000 kung posible. Gusto ko kasing ma-achive yung fiflty rich ba yun? basta! hindi sya Filthy rich.
May umupo naman sa harap ko. Di ko pinansin kasi busy ako.
"Excuse me, Ikaw ba si Xyriel?" -???
"Oo" nakayuko pa din ako.
"Pinapatawag ka ng nanay mo" -???
"Okay sabihin mo papunta na ko"
"Alam mo ba papunta dun?" -???
"Hinde"
"Kaya nga pinapasundo ka diba" -???
"K fine" tumingala ako para makita sya.
WHAT THE HELL!!!
*****
A/N: Tris on the multimedia. Potrayed by Kai of EXO ❤️❤️
BINABASA MO ANG
Growtopia Love Story
Teen FictionAko si Xyriel Celine Fuentes at wala akong ibang buhay kundi ang Growtopia. Imagine! Dito din ako nagka-Love Life! Exciting ang story, puno ng happiness, Sadness at lahat ng emotions.