Chapter 37: Wretched Situation

1K 32 4
                                    

© EynJey 2014

Chapter 37

Naglakad na nga kami at itong si Dara ay ang lakas na naman ng tama, puro kalokohan na naman yung pinagsasabi kaya tawa tuloy kami ng tawa. Sa sobrang pagtawa ko e biglang naiwan ko yung doll shoes na suot ko kaya naman mas lalo kaming nagtawanan. Nakatawid na kami kaya naman binalikan ko yung shoes ko.

"Para ka kasing ewan Dara e." natatawa pa ako habang umiiling at binalikan na nga yung sapatos.

At ang sumunod na nangyari ang hindi ko inaasahan.

"JILLLLLLLLLLLLLLLLL!"

May isang sasakyan ang paparating at tila nawalan ng preno dahil pagewang gewang ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa bilis ng pangyayari kaya naman napapikit na lang ako at para bang may biglang ala-ala ang bumalik sa isip ko.

 "Tara Ara, labas na tayo, baka nandun na si Xan." bulong sa akin ni Kurt habang nasa may hapag kainan kami at kasama sina Yoshi, Yusta at Axl at pamilya namin, Christmas Eve na ngayon at nakagawian na namin na sabay sabay mag celebrate ng Christmas.

Nakita kong lumabas na si Kurt kaya naman sumunod na ako sa kanya. Tuwang tuwa ako dahil makikita ko na naman ulit si Xan. Masaya na rin ako sa wakas bago magpasko.

Pumunta na nga kami ni Kurt sa playground kung saan namin madalas makita si Xan na nasa swing at mag-isa. Hindi naman kami nabigo dahil nakita nga namin siya doon at mukhang tulala siya at may iniisip.

"Lapitan mo na siya Ara." sabi sa akin ni Kurt.

"Ayoko, nahihiya ako."

"Ano ka ba, ako ang bahala sayo."

"E, baka kasi awayin niya ako, natatakot ako."

"Pag inaway ka niya, susuntukin ko siya ng malakas na malakas sa mukha."

"Hala, pag sinuntok mo siya sa mukha baka masugatan siya at sigurado, pagagalitan ka ni tita pag nalaman niya yun." natatakot ako, dahil baka suntukin nga ni Kurt si Xan, ayoko naman mangyari yun dahil baka masaktan si Xan.

Nginitian lang ako ni Kurt. "Sige na Ara, puntahan mo na yung crush mo." at wala na nga akong ibang nagawa kundi ang maglakad palapit kay Xan kahit pa nahihiya ako sa kanya.

Magkapitbahay kasi kami at magbest friend ang Mommy namin kaya naman kilala ko siya, siya lang ang hindi nakakakilala sa akin. Ang sabi kasi ni tita ay mahiyain daw ito kaya hindi ito madalas magpakita sa mga tao. Sa picture ko nga lang nakita at nakilala si Xan e, binigyan kasi ako ni tita ng picture nito.

Unang kita ko lang sa kaniya noong naglalaro kami ng mga kaibigan ko ay nakita ko siyang pumunta sa swing doon sa playground, mag-isa lang siya at walang kasama. Gusto ko nga sana siyang lapitan para makipaglaro at makipagkaibigan kaso nahihiya ako at natatakot na baka hindi niya ako pansinin.

Hindi ko alam e nakita pala ako ni Kurt kaya naman simula noon ay inaasar na niya ako at mas lalo kaming naging close dahil si Kurt lang ang nasasabihan tungkol sa crush ko. Akala pa nga nila Yusta ay crush ko si Kurt , pero ang totoo, si Xan talaga ang gusto ko.

Ang sabi kasi nung classmate ko, ang sabi daw sa kanya ng Mommy niya ay ok lang ang magka crush dahil ang ibig sabihin daw nito ay paghanga, kaya naman sa tingin ko ay ok lang na crush ko si Xan. Hinahangaan ko kasi siya dahil ang sabi ni Mommy, magaling daw itong maggitara at kumanta.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now