5.
Sa mga nagdaang mga araw, wala akong ginawa kundi ang mag-review para sa finals. Kung wala namang klase ay tambay ako sa library para sa self-study ko. Mahina kong ipinukpok ang tip ng ballpen sa gilid ng ulo ko habang binabasa ang mga notes at reviewer ko na na-iprinta. Todo highlight rin ako sa mga important notes baka sakaling naroon 'yon doon sa mga tests.
Pagkatapos naman ng klase, sinundo kaagad ako ni Papa. Hindi na ako nakapag-paalam kay Arianne dahil busy rin siya rito sa pagfa-fangirl sa banda nila River. Kita mo 'yon. Alam na finals pero inaabala pa rin niya ang sarili niya sa pakikihalubilo sa mga Seniors.
"How's your day?" Papa asked while we're on our way home.
"It's fine," sagot ko. Nakasandal ang ulo ko sa window shield.
"Great. Malapit na ang finals niyo. Focus on that. Get a high score — highest even. Pag-uwi mo, go straight to your room and review. Hatiran ka na lang namin ng pagkain mo doon. I want you to be the best amongst your class, sweety."
The best motivation I ever heard. Hindi ko maiwasan ang pagiging sarkastiko ko sa naisip. Is this even real? Hindi makayang i-proseso ng utak ko ang lahat ng sinabi ni Papa.
I sighed inwardly, "Okay," sagot ko. 'Yon na lang ang alam kong sagot para hindi na siya magsalita.
Nakarating kami sa bahay. Nakita ko si Mama sa sala at nakaharap ito sa kaniyang laptop. She's wearing an eyeglass and a night wear. The way she sits was elegant and screams the aura of a doctor. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ito sa pisngi nito.
"I'm home," sabi ko.
She kissed me back the same way without looking at me, "Hmm. Go to your room and review, Charm."
Honestly, what's new?
"Sige po," sabi ko.
Umakyat ako sa kwarto ko then I immediately went to the shower to take a quick bath. Nang matapos ako ay nagpalit kaagad ako ng pantulog. While fixing everything up on my study table, I heard my phone beeped on my bed. Napalingon ako roon at kaagad na kinuha at binuksan iyon. The message was from Arianne.
She sent me a picture of her. I almost rolled my eyes. She's in a bar.
Ian:
Hey, hang out?
Napailing ako. Mabilis akong lumapit sa study table ko. Umupo ako roon at kinuha ko ang libro ko. I angle myself at the camera while holding my book. Ngumuso ako. And when I'm done, I went to my bed and lie down then sent her my picture while typing a message for Arianne.
To Ian:
You know I can't.
Two minutes before she replies.
Ian:
Lahi ka ni Einstein, girl? 'Wag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo, mahal kong kaibigan. Mame-mental ka, kita mo.
I stared at her message. Kung alam mo lang, Arianne. My mind nearly explode seeing and reading those texts on my reviewer. Kung hindi kina Mama at Papa, itinulog ko na ito. Natuon ang atensiyon ko sa kaniyang panibagong message.
Ian:
May kumukuha ng number mo pala.
Kumunot ang noo ko bago nag-type ng panibagong reply para kay Arianne.
To Ian:
Sino?
Ian:
Secret 😁 Naibigay ko na hahaha. Bye bye, Chams. Mwa!
YOU ARE READING
Call of the Wild
Teen FictionCharm Siazon always thought she had a pretty ordinary life. The only unusual thing was her parents' control over her-she was living more for their expectations than her own, which left her feeling miserable and depressed. She was on the verge of giv...