Crystal Faith Jobli
+639346439178May gimik kami, mamayang gabi. Raspberry Street. Jobli Residence. Gusto mong sumama?
💛
Nagtanong tanong ako kung saan yung bahay ni Crystal. Nakita ko siyang kumakaway sa may tabi ng cafeteria. Konting lakad lang at nakarating na kami. Ang ganda, malaki ang bahay niya. "Pasok ka na." alo niya at nilagyan ng barrier ang buong bahay. Tumingin siya.
"Ah, hahaha! Baka kasi may maligaw at makarinig sa mga chismis namin. Alam mo na." kumindat siya sakin at natawa din sa ginawa niya. Pagpasok ko ay nakita ko si Aimee, humihigop siya ng tsaa. Ang hinhin niya palang gumalaw. Nahihiya akong tumabi sa kanya kahit iba yung pakiramdam ko.
Kahit tahimik siya, hindi ko ma-explain kung bakit parang malapit ang loob ko sa kanya. "Ano, uhm Aimee?" binaba niya yung tasa niya. "Gaano ba kita kakilala dati?" mahinhin siya pero bakit matalas ang tingin niya sakin? Hindi siya umiimik at bigla nalang tumayo. "Crystal."
Lumapit si Crystal sakin at sinabing, "Kukuhaan kita ng snacks sa loob. Wait lang." bago pa man ako magtanong kung nasaan yung banyo, naglakad sila ni Aimee papasok sa isang pintuan. Masyado palang malaki at malawak itong bahay ni Crystal. Mukhang mayaman sila.
Ilang minuto palang yung lumipas, hindi ako makatiis na umupo mag-isa kaya naman sinubukan kong hanapin yung banyo. Bakit ka ba ganyan, Aimee?! Napatigil ako sa harap ng pinto na pinasukan nilang dalawa kanina. Kung umasta ka parang hindi ko siya kaibigan? Nagtatalo ba sila?
Kaibigan mo rin siya diba, Crystal? Ni isang beses ba inisip mo ang kapakanan niya? Sino? Anong pinagtatalunan nilang dalawa? Gusto kong panatilihin yung pagiging normal niya! Kilala mo rin si Shanne.. She'll take the risk para lang iligtas tayo ng paulit ulit. Ayoko na ng ganon.
Ako?
Dinala ko siya dito para sana makatulong sa Amnesia niya.. H-Hindi ko alam na ikagagalit mo. Pipigilan ko ba sila? Paano kung madamay ako sa away nila? Pwes, pauwiin mo na siya. Sisilip na sana ako, biglang may humila sa kamay ko. "Shh." malapit sa labi ko yung daliri niya. "Tara dito."
Hindi ako nakagalaw kaagad. Masyadong malapit ang mukha ni Blaster sakin. Dinala niya ako sa hallway, dalawang pinto at medyo malayo sa kanila. "Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng iba. Hindi ka naman ganyan." salita niya sakin. "I'm sorry pero.. Nagtatalo ata sila dun sa loob. Di ko alam kung ako.."
Nagulat siya. "Si Aimee at si Crystal? Nagtatalo?" tumango nalang ako. "At mukhang ako yung pinagtatalunan nilang dalawa. Hindi na sana ako pumayag sa invitation ni Crystal." dugtong ko. "I see. Iniisip lang ni Aimee yung safety mo. Somehow, may point din kasi si Crystal."
Sumilip siya dahil baka lumabas na sila. Mukhang hindi pa rin sila nagkakaayos. "Kailangan din namin ang Pyra mo. Maraming combinations ang mga elements kapag hinalo sa Apoy. Ikaw lang ang meron nun dito sa mundo." Ibig sabihin, isa nga rin ako sa kanila. "Eh, pero bakit?"
Napahinto siya. "Bakit may magic? Ano bang nangyayari? Bakit may pag-atake?" tanong ko sa kanya. "Tanging ang Pyra mo lang ang paraan para makaalala ka, pero iba ang trabaho ko." hinto niya. "Yung nangyari sa classroom niyo kahapon? Ang tawag don, Warp."
Warp? "Nakukulong ang tao sa loob ng isang Dome. Kaya nangyayari ang Warp, yun ay para tumigil ang oras. Umaatake sila dahil posibleng may nasira sa isa sa dalawang Seal, ang Araw at Buwan.. O hindi kaya—" Glyndel? Parehas kaming napalingon ni Blaster. "Nandyan ka pala."
Bago lumapit si Crystal sakin, napalingon ako sa tabi ko. Wala na si Blaster at parang nawala siya kasabay ng preskong hangin sa labas. "Hi-Hinahanap ko kasi yung cr." palusot ko. "Ah, sorry kung natagalan kami. Tsaka mukhang nalito ka kasi maraming pinto dito haha!" hinatid niya ako sa cr. "Wait kita dito."
Umaatake sila dahil posibleng may nasira sa isa sa dalawang Seal, ang Araw at Buwan.. O hindi kaya—
Biglang sumakit yung ulo ko. Parang dinudurog na hindi ko maintindihan. Bigla nalang may pumapasok, hindi ko alam kung imagination ko lang ba ito pero maliwanag ang paligid. Napapaligiran ako ng magandang apoy kahit na mainit. Madilim ang paligid at may nagsasalita.
May naririnig akong boses kahit putol putol ang sinasabi niya at hindi ko talaga magets kung ano yung sinasabi niya. Tila parang nagsasabi siya ng sumpa at parang inuutusan niya ako. Glyndel matagal ka pa? "Ah.. Palabas na ako." –nne, sa ka– ng anghe– huwag! hab– kitang– HA–HAHA!
Hinugasan ko ang kamay ko at naghilamos din ako. Kailangan kong mahimasmasan. Baka guni-guni ko lang yon. Lumabas ako na parang walang nangyari sakin sa loob. Sa sala, nandon na si Blaster. Hindi ko siya pwedeng tanungin dahil ayoko nang magtalo ulit si Crystal at Aimee.
"Kamusta? Hahahaha." bati ng isang lalaki na gwapo at may balbas. "Badj! Hindi mo kasama–" nag-grin siya. "Yon? Sasama? Hah, napaka imposible nga kahit anong sundo ko ayaw talaga." nagkibit balikat naman si Crystal. "Kung nakalimot ka nga, Badjao De Castro." bati niya.
Somehow, magaan ang loob ko sa kanya. "O-Ohh, Aimee!" kumaway siya dito at nagulat ako nang makitang namula si Aimee. Dumeretso na siya sa hagdanan at umakyat. Tumalikod kaagad siya na parang walang nangyari. "Hindi ganyan si Aimee-kun dati." buntong paghinga ni Badjao.
"Anyway, dinala ko nga pala yung Uno cards ko! Ano game?" labas ni Blaster dito. Naki-game naman si Crystal at kumuha pa ng extra drinks. "Oy, Kakx! Lumapit ka dito." Ako? Huh? Kakx? "Call sign natin dati aba? Tuturuan ka namin maglaro dali!" Nag-umpisa na nga silang maglaro.
Napalingon ako sa may itaas, napansin kong nanonood samin si Aimee. Ngumiti ako sa kanya at kumaway pero nung ginawa ko yon, pumasok na siya sa kwarto na siyang ikinalungkot ko. Ganon ba talaga siya? May nagawa ba akong mali? Hindi ko naman sila inaagaw diba?
Although may nostalgia akong nararamdaman kasama sila, sana naman sa susunod maki-join na siya. "Sana.." Aba! Mukhang babawi si Crystal ngayon ah?! "May sinasabi ka?" tanong ni Blaster. Umiling ako at ngumiti. "Magiging okay din kayo ni Aimee." dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
One More Light (Shanne Dandan Fiction) UNFINISHED
Fantasy"Shanne. Ibalik mo ang oras. Ito lang ang tanging paraan para mailigtas ang mga kaibigan mo, pero alalahanin mo. Kapag ginawa mo yon, tuluyan nang mawawala si Zild. Hindi mo na siya makikita muli o maaalala pa." UNFINISHED. BE RIGHT BACK, SOON!