CHAPTER 4
Sandara's POV
Hayyyy, ang hirap talaga ng buhay collage, ang boring kasi ng teacher's! Hindi manlang nag jo-joke o tumatawa, buti pa nung high school ako, yung teacher namin pwede naming pagtripan, tapos pwede ding kumain ng patago, tapos pwede namin siyang sagutin. Basta mas masaya pag high school ka, chill ka lang, tapos pwede ka pang mangopya.
Kaya buonggggg, klase namin, wala akong gana, I mean, nakikinig ako kaso lutang, alam mo yun? Yung linyahan ng mga teacher dati..."your body is present, but your mind is not." Yun ata yun! Basta, hindi ko naman kinakabisado kasi hindi maman ako ganon no!
"Ms. Calmez!!"
"Present!" Sigaw ko sa gulat bago tumayo. Grabe naman tong si Ma'am! Galing mang gulat! Hay nako! Buti aware ako!
"Hahahah! Taena, LT talaga siya."
"Sinabi mo pa!"
"Go, Igno-girl, fight the terror. Hahahah!"
Luh?
Bakit? Mali ba? Tinignan ko si Prof....hala! Yung terror Prof namin! Si Ms. Gonzaga! Wahh! Isa sa rules niya na bawal tumayo at sumigaw sa klase....at yun ang ginawa ko!
Napasapo ako ng mukha, paktay tayo niyan! Kasalanan ko ba? Eh si Ma'am naman yun eh! Huhu, ginulat niya kaya ako!
Tinignan ko ulit si Prof at nakita kong nakataas ang kilay nento, anong problema niya, aber?
Unti-unti akong umupo pero nagulat ako nang bigla niya akong hinagis ng Felt tip pen, wahhh! Buti nasalo ko! Huhu! Sakit nento pag tumama sa ulo.
Natahimik kaming lahat. "Don't sit without my permission, Ms. Calmez." Bantang sabi niya.
Ngumiti ako at nag-thumbs up. "Hehe, okay po." Tinignan ako nang masama ni Ms. kaya napakamot ako ng ulo, wahh! Mali ba sinabi koo?
"Don't answer me!" Sigaw niya kaya napatikom kami ng bibig, syempre kasama na ako, mahirap na, baka bigla nalang ako hagisan ng Felt tip pen dito hayyy.
"Now, Ms. Calmez, why are you spacing out?" Tanong ni Ms. pero hindi ako tumingin sa kanya at nagkunwaring hindi nakikinig.
Masungit pa naman tong si Ma'am pag hindi sinunod ang utos niya, huhu, mahirap na, baka bigla nalang akong ibagsak nento ni Ma'am no! Nakuuu! Madami pa akong pangarap sa buhay! Pangarap ko pang maging...ay, wala pala akong pangarap, basta gusto kong maging Doctor, Artista, Chef, Flight Attendant, Singer, Dancer, K-Pop Artist—
"Ms. Calmez!"
Tse! Ayaw ko ngang sagutin no! Baka sinusubukan lang ako nento kung sasagot ako! At hindi! Hindi, hindi, hindi—
"MS. CAL. MEZ!!!!!!!!!!"
"WAHHHH! ARAYYY! TENGA KOOOO HUHUUUU! BA'T BA PROF NANINIGAW KA SA TAINGA?! ARAY! Mabibingi na ata ako huhu." Sabi ko nang bigla akong sinigawan sa tainga ni Prof, as in super lakas! Para akong nabingi huhu.
"Aba't!— you're now scolding with me Ms. Camez?! Why are you not answering me?!" Galit na bulyaw niya sa akin kaya napayuko ako, wahhh! Nakakahiya naman!
"Hindi kita sinasagot Prof, kasi nga sabi mo huwag kang sagutin!" Sabi ko ngunit nakayuko parin, ang kyut kasi ng heels ni Ma'am! Parang 5 inches ang taas! Sa susunod papaturo ako kung pano gamitin yan, ang cool kasi!
"Wala ka bang common sense?!" Galit na sabi niya sa akin kaya hinarap ko na siya. Wahh! Galit na galit siya! Dapat ba magalit din ako? Oo nga dapat nga! Sabi nga nila..GO WITH THE FLOW!
"Syempre meron Prof, no! Ikaw lang ata wala." Sabi ko bago siya tinaasan ng kilay.
"Shems...go igno-girl!"
"The best to!"
"Videohan mo, Carly!"
"Geh, geh, Student VS. Professor, pffttt!"
"Aba't na mimihasa ka! Gusto mong ma-expelled?!"
"Syempre ayaw! May estudyante bang gustong ma-expelled? Hay nako Prof! Sabi na nga ba ikaw ang walang common sense." Iling-iling na sabi ko.
Nakita kong napakuyom ng kamao si Prof kaya napatakip ako ng bibig, wahh! May mali ba akong nasabi? Huhu.
"Hindi ka Magkakapamilya sa inaasal mo Ms. Calmez!"
"Wahh! Alam kong wala kang jowa Prof kahit matanda kana pero huwag niyo naman akong idamay! Ayaw ko gumaya sayo no! Ikaw nalang!" Sabi ko kay Prof with full of confidence.
"Shet! Ang lakas ng tama ni Sandara hanep! Jahahahh!"
"Grabe first time to!"
"Hahahaha pre nakunan mo ba? Hahahah."
"Oo pre!"
"GET. OUT. OF. MY. CLASS!"
Wahhhhh!!!!! Sorry na Prof!
---
Naglilibot-libot lang muna ako dito sa field since "Get out" daw sabi ni 'Ms. Gonzaga', huhu, grabe kanina! Galit na galit talaga siya! Parang onti nalang sasakalin na niya ako o susuntukin sa sobrang pagkuyom niya ng kamao. Pero ayos na rin yun, boring naman kasi ng klase niya eh hehe.
Ayt! Nakakaboring din dito sa field! Siguro magbabasa-basa nalang muna ako sa library! Oh kaya dun ko basahin yung Wattpad book ko! Kaso...wala pala sa akin ang bag ko, sayang naman! Sige na nga! Mag-aaral nalang ako dun, baka kasi may quiz bukas yung si Ms. Gonzaga hindi ako pina-aware.
So ayun nga, pumunta na ako sa library namin, ang laki talaga ng library dito, parang yung dream library ng mga Wattpaders, ang kinaibahan nga lang, hindi puro Wattpad story nakalagay dito, syempre tungkol sa school! Hay nako!
Pumunta ako sa Science books kasi Science ang subject ni Prof. Gonzaga. Nang makarating ay kumaha na agad ako ng 5 libro na medyo makapal, sanay na din ako magbaga ng 300 pages in 30 minutes, nasanay na kasi ako sa pagbabasa ng ganon kabilis kasi nga madalas akong magbasa ng mga novels, wattpad stories, at iba pa. Kaya kung minsan yung binili kong libro, wala pang isang araw sa akin. Wala lang, share ko lang bakit ba.
Pumunta na ako sa table's section ng library at naghanap ng for two chairs, eh wala naman kasing solo dito, kaya for two nalang, papatungan ko nalang ng paa ko yung isang upuan, shhh!
Nang makahanap ako ng bakanteng upuan ay agad kong binababa ang hawak kong mga limang libro bago umupo at nagsuksok ng earphone sa tainga, mas comfortable kasi akong magbasa pag may music, para with feelings pag binabasa.
Hmmm...ano kayang pwedeng unahin? Ah! Ito nalang Solar Planets Secrets, nakakacurious yung title!
Nagsimula na akong magbasa kasabay ng pagtunog ng kanta sa earphone ko.
I'm a bad liar~, bad liar~ 🎶
Now you know, you're free to go...🎶
Ano ba tong kantang to! Mukhang broken! Haist! I-next na nga lang nati—
Wahhh! Si Angel Savior yun ah! Saka si....Daisy?
Bakit sila magkasama? Anong ginagawa nila dun sa wala masyadong taong lugar? Bakit sila nag-uusap dun? Wahh! Ano bang paki ko? Wala naman akong paki! Curious lang ako no!
Tinignan ko sila ulit at nakita kong ngumuso si Daisy bago hinawakan ang dibdib ni Angel Savior bago marahang tinulak papalapit sa kanya. Umiwas nalang ako ng tingin...wala nga kasi akong paki!