WorkKanina ko pa sinasaway si Talia dahil kanina niya pa ako kinukulit kung anong nangyari nung natapunan ako ng pintura at biglang hilahin ni Samuel papunta sa kwarto.
Bakit kasi sa kwarto niya pa? Wala ba siyang guest room?
"Ikaw ha! Kaya siguro ayaw mo sabihin. Dahil may nangyari." Hindi niya pa rin ako tinitigilan kaya hinarap ko na siya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Ganiyan ba ang tingin mo kay Samuel?" Tanong ko habang nakakunot noo.
Umiling siya at pinaglaruan ang dulo ng buhok. "Siyempre hindi, pero baka ikaw ang nauna. Saka Samuel na talaga ang tawag mo? Hindi na Mayor? Level up!" Pangungutya niya.
Tinarayan ko na lang siya. Kunti na lang masisiraan na ng bait 'tong kaibigan ko.
Lord, kayo na po ang bahala sakaniya. Nawa'y pagalingin mo po siya sakaniyang pinagdadaanang sakit.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bumuntong hininga. Sa tingin ko mukha na akong tao sa ayos ko.
Ayoko naman na ang losyang ko tignan kapag kaharap si Samuel.
Pero bakit nga ba ako nagpapaganda ng ganito? Pinapagandahan ko ba siya?
Hindi, hindi. Pang boost lang ng confindence 'to. Tama. Tumango tango ako.
Kinuha ko ang paper bag na nasa lamesa at tinignan ulit ang loob. Inamoy ko ulit ang t-shirt at short para siguraduhin na mabango. Kinuha ko rin ang tupper ware na may lamang cookies.
Ngumiti ako at binalik 'yon sa loob. I'm satisfied with this. I grabbed it at nagsimula nang maglakad palabas.
"Aba, ganda ng ngiti ah. Ingat ka! Enjoy sa date!"
Kinawayan ko siya ng patalikod. Tinawanan niya lang ako. Kung papatulan ko ang kabaliwan ni Talia baka pati ako maging baliw na rin. No thanks na lang.
Naglakad ako palabas at sakto may tricycle kaya pinara ko na agad. Sumakay ako doon.
"Manong, sa plaza po."
Pinaharurot niya na ang lumang tricycle niya. Tumingin ako sa labas at napansin ang rice field ng Jalmanzar. Napakalawak non at halos lahat ay mukhang malulusog.
Napakasipag siguro ng nagaalaga niyan. Napansin ko rin ang ilang taong abala sa pagbubunot at pagaayos ng halaman doon.
Malinis rin ang kapaligiran at halatang araw araw siguro naglilinis ang mga tagapaglinis. Infairness ang sisipag ng mga tao dito.
Nakarating na ako sa plaza. Nagbayad agad ako at mabilis na bumaba. Pinalibot ko ang tingin para hanapin ang pinakamalapit na coffee shop.
Ngayong araw ko isasauli ang damit na pinahiram sa'kin ni Samuel. Nagsuggest ako na sa bahay na lang niya tutal iaabot ko lang naman ito sakaniya. Pero ang sabi niya nandon raw ang magulang niya.
Kaya sa pinakamalapit na coffee shop sa plaza na lang kami magkikita ngayon. Pumayag na lang din ako dahil nahihiya rin ako sa magulang niya. Mukha kasing masungit ang Nanay niya.
Naglakad na ako papuntang coffee shop at pumasok sa loob. I looked around and hoping that Samuel is here. Ayoko naman magmukhang kawawa dahil magisa akong nakaupo. Nagkibit balikat ako. Hihintayin ko na lang siya tutal patient naman akong tao.
Umupo ako sa dulo yung walang masyadong tao. Baka kasi isipin nila nagde-date kami ni Samuel. Ma-i-issue lang talaga ang mga tao. Kalahi yata nila si Talia.
Dagdag pa 'tong si Talia masyadong ma-issue pakiramdam ko tuloy nagkakatotoo lahat ng pangaasar niya sa'kin.
Napaangat ako ng tingin ng may lumapit na waiter.
"What's your order Ma'am?" Nakangiting tanong nito.
"One espresso macchiato and..." I wondering what coffee is he want? Nevermind. Mamaya na lang kapag nandito na siya. "...that's all."
Tumango siya at umalis na sa harap ko. Napatingin ako sa suot ko. Simpleng yellow spaghetti strap dress lang ang suot ko at flats. Nakatali rin ang buhok ko dahil mainit with my small handy bag.
Napatingin ako sa labas habang naghihintay sakaniya at sa order ko. Masyado lang siguro akong maaga.
Karamihan sa mga taong dumadaan ay puro mag kasintahan. Uso ba 'yon ngayon? Kailangan ko na rin ba makiuso?
Ay huwag na lang. Sabi sa social media sakit lang sa ulo ang pagla-lovelife. Mastress ka lang at baka pumangit ka pa. So no. Hindi ako makikisabay sa uso na may mga nobyo.
Napansin ko ang isang pamilyang masayang nagtatawanan. Mukhang pinagtatawanan nila ang isa nilang anak na umiiyak. Napangiti na lang ako sa nakikita.
Masaya siguro kung may Nanay at Tatay pati ilang kapatid. Bumuntong hininga ako. Oh, well i'm contented with Mama and Talia. Kahit sila lang okay na sa'kin.
Napatingin ako sa waiter na naglapag ng order ko sa lamesa. Tinanguan ko siya at sinimulan ng inumin 'yon.
"Kanina ka pa ba?"
Halos lumabas sa ilong ko ang iniinom. Akmang kukuha ako ng tissue nang biglang may maglahad ng panyo sa harap ko.
Inangatan ko siya ng tingin tumayo ako at tumango sakaniya.
"Samuel.."
He smiled at me. Umupo na siya kaya umupo na rin ako. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng labi at pasimpleng inamoy ang panyo niya. Bango, amoy daddy. Charot.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kunting talsik ng Macchiato.
"Ano pa lang gusto mo? Ako na mag o-order." Akmang tatayo ako ng hawakan niya ako sa braso.
"No need. Um-order na ako pagkapasok ko."
Tila napaso ako sa pagkakahawak niya kaya mabilis ko 'yon binawi.
Umayos ako ng upo at pasimpleng sumipsip doon. Napatigil ako nang maalala kung bakit kami nagkita. Kinuha ko na ang paper bag na nasa tabi ko at ipinatong sa lamesa. Dahan dahan kong tinulak 'yon palapit sakaniya.
"Ayan na ang damit mo. As i've said last time nilabhan at pinabango ko 'yan. I also baked cookies for you." Nakangiti kong sabi.
Tumango tango siya at nginitian ako. Nilabas niya ang tupper ware sa paper bag at binuksan 'yon. Kumuha siya ng tissue at kumuha ng isang cookie doon. Laking gulat ko nang ibigay niya sa'kin 'yon.
My heart pounded because of what he did.
Kinuha ko kaagad at dahan dahang kinagatan. Huminga ako nang malalim.
"Kanina ka pa ba dito?" He asked out of a blue.
Tinignan ko siya at abala na siya sa pagnguya ng cookie.
"I just arrived." Pagsisinungaling ko. Saka nakakahiya naman kung sabihin kong kanina pa ako. Baka makonsensya pa siya.
Tumango tango siya. Dumating na rin ang order niya na mukhang frappuccino. Hindi ako sure kung anong inumin 'yon. Dahil hindi ako mahilig pumunta sa coffee shop.
Hindi rin naman fan si Talia sa mga kape mas gusto niya ang tubig at maligamgam pa. Nakakaliit raw kasi ng tiyan.
Tahimik kaming kumakain at umiinom ng sariling kape.