CHAPTER 15

373 15 0
                                    

Chapter 15

Seryoso ang mukha at hindi inaalis ang tingin sa mga papeles akong nagtatrabaho ngayon. Minamadali ko ang trabaho ko para hindi tambak ang aasikasuhin ko, mamayang gabi o bukas.

Kailangan kong pumunta sa hideout. Talagang papatayin ko ang mga bwisit at walang kwentang mga tauhan ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin nila magawang ibigay sa akin ang bastardong anak ni Gunner. Tuloy ay gumagawa ng paraan si Lidra para lamangan ako at makuha ang puwesto ko. As if I'll let her do that.

Ang ipinagtataka ko pa ay kung bakit sa dinami-dami ng mga lalaki ay si Trent pa? She really wanna try me and I swear she will regret it. Tutal malapit naman na ang pagkamatay niya, ang pagkamatay nilang lahat, bahala siya sa buhay niya sa kung ano man ang gusto niyang gawin pero hindi ko siya hahayaang isali ang buhay ni Trent sa mga kahibangan niya. Never.

Huminto ako sa ginagawa at sinulyapan ang mga papeles sa harap ko na unti-unting nauubos. I think this is enough. I-cocontinue ko nalang ito later in the evening or tomorrow in the morning. I'll fix this mess first before it will get into worse.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at inayos ang damit saka nagmamadali ngunit maayos na naglakad patungong pintuan. Nang makalabas ako roon ay akmang magdidire diretso ako sa paglalakad nang pigilan ako ni Trent.

"Saan ka pupunta, Ms. Ganda?"

Bumuga ako ng hangin. "I'll just go somewhere. Don't ask where. Stay here and continue working and don't you ever go outside of this building."madiing wika ko at tahimik naman siyang tumango.

"Good."nilapitan ko ang dalawang bantay malapit sa office ko at binilinan silang bantayan si Trent.

I really don't have to do that but I won't take risk.

Pumasok ako sa sarili kong elevator at pinindot ang PB or Private Basement, nandoon ang isa ko pang sasakyan at yun ang gagamitin ko ngayon, mayroon doong daan palabas ng building kung saan ako lang din ang nakaka-alam.

Nang makarating ako doon ay agad akong sumakay at pinaandar ang kotse. It is Bugatti's La Voiture Noire costing nearly 19 million dollars.

Nang mapa-andar ko ito ay umilaw ang bilog kung saan ito nakaparada at biglang bumaba ang kotse. Nang bumaba ito ay sumalubong sa akin ang daan palabas ng building. Minaneho ko ito palabas at nagtungo sa lugar kung nasaan ang hideout.

Bakit ko ginamit ang kotseng ito? Wala lang. Gagamitin ko ito kung trip kong gamitin, there's no reason other than that.

Nang makarating ako sa hideout ay simpleng cottage lang ang sumalubong sa akin. Mukha itong luma at mukhang walang nakatira. But that's just what you thought. Don't ever believe on what you see. Malay mo hindi pala talaga yun ang kung ano mang nakikita mo. Ipinasok ko doon ang kotse ko at pumwesto sa gitna ng malawak na space ng cottage.

May umilaw na kulay asul na bilog at bigla nalang bumaba ang kotse, makalipas ng limang segundo ay nasa loob na talaga ako ng hideout pero lugar ito kung saan nakaparada ang ilang mga kotse ko. Mga nasa lima ang nandidito. Umalis ako sa bilog at tumaas naman ito. Ipinarada ko sa gilid ang kotse ko at lumabas. Wala kang makikita rito kundi mga kotse at mga linyang ilaw na sky blue. Ako lang din ang pwedeng makapasok rito. Hindi ang mga tauhan ko at hindi rin maging si Conan.

Nagtungo ako sa bakal na pintuan at nilagay ang palad ko sa hand scanner sa gilid, matapos no'n ay sinilip ko ang mata ko sa maliit na butas ng pintuan at iniscan no'n ang mata ko saka bumukas ang pintuan.

Nang makalabas ako ay tumambad sa akin ang mga walang kwentang tauhan ko. Nakadekwatro sila sa sofa at ang iba ay umiinom sa island counter. Nang makita nila ako ay agad silang umayos ng tayo.

The Perilous Heartless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon