KABANATA 17
Alas dose na nang bumalik sila Hanna. Nasa balkonahe kame ni Lucas at kumakain ng dumating sila. Parehas silang basa ang damit kaya pinagpalit muna namin sila bago kumain. Isang oras bago sila bumalik ay tapos na kameng kumain ni Lucas. Hindi naman na ako nagtanong kung bakit ganon nalang ang tagal nilang dalawa. Dahil nakangising aso si Kuya nang humarap saamin.
Pagkatapos nilang kumain sumama sila saamin ni Lucas para kunin ang mga gulay na iuuwi. Nang matapos silang magkarga kinuha narin namin ang mga gamit namin at inilagay sa saksakyan. Dahil mahaba haba pa ang byahe pabalik ng San Isidro napagdesisyunan naming umuwi na.
Tahimik ang naging byahe namin pabalik. Nakatulog rin ako buong byahe nagising nalang ako nasa tapat na kame ng bahay. Hinatid muna nila kame hanggang sa loob at bumati kila Lola. Gusto sana ni Lola na sumabay na silang kumain saamin pero tumaggi si Lucas dahil may family dinner raw sila.
Hindi kona sila naihatid sa gate dahil pina-akyat narin ako ni Lucas at pinagbihis. Pagbaba ko naman ay nasa hapag na sila at hinihintay ako.
"Kamusta naman ang pagagala?" tanong ni Lola habang kumakain kame
"Masarap magswimming! Diba Les!" halos mabulunan ako sa sinabe ni Kuya napainom naman ako kaagad ng tubig at bahagyang naubo
"O-opo ang l-linaw ng d-dagat" iba ang naimagine kong swimming sa sinabe ni kuya nahihiya pa akong tingnan sila Lola
"Buti naman na-enjoy niyo kung ganon"
Pagkatapos naming kumain ay nauna na akong umakyat sa kwarto. Maya maya pa'y kumatok si Kuya at pumasok. May dala itong Ice cream at inabot saakin ang isang mangkok. Tinuro niya ang veranda sumunod naman ako. Naupo siya sa isang silya roon habang ako naman ay pumasok sa bilog na upuan ko.
"Gumagamit ba kayo ng condom?" halos maiyak ako sa pagubo dahil sa tanong niya natatawa naman siyang lumapit saakin at tinapik tapik ako sa likod.
"K-kuya!" saway ko sakaniya pero patuloy parin siya sa pag tawa
"Ano? Nagtatanong lang naman ako a!" dipensa niya
"Huwag kang papabuntis kaagad sira ang pangarap niyong dalawa" payo niya saakin
"Huwag mo ring bubuntisin si Hanna kung ganon"
"Marami akong pangarap para saamin kaya hindi talaga muna!"
Pagkatapos naming ubusin ang ice cream simahan ko siyang ibaba ang mga pinagkainan namin. Habang hinuhugasan niya ito uminom naman ako ng tubig. Sabay rin kaming umakyat sa mga kwarto namin.
Pagsarado ko ng pinto biglang tumawag si Lucas. Kagaya ng nakagawian nag-usap kaming dalawa hanggang sa makatulog.
Nagdaan ang buwan at taon naging matibay ang relasyon naming dalawa. Nakagraduate na sila ni Kuya ng Senior high school. Kame naman ni Hanna ay magmomoving up narin. Hindi ako nakapasa sa exam ng STEM kaya sa ABM ako nag enroll. Sinundan naman ako ni Hanna sa ABM. Sa aming dalawa ay mas magaling pa siya sa mga subject na math kaya nasisiguro kong papasa kaming dalawa.
Nang makagraduate ng Senior High si Lucas naging mahirap para saakin ang pag-aadjust. Bukod sa ISU siya nag-aaral at sadya namang napakalayo non hindi na kame madalas magkita. Doon rin nag-aaral si Kuya at sabay silang umuwi rito tuwing hapon ng sabado.
Kung minsan nga'y hindi pa sila nakakauwi dahil sa dami ng ginagawa nila. Wala rin naman kaming magawa ni Hanna kundi ang magtiis. Nawala man sila sa San Isidro hindi parin naubos ang mga babaeng may galit saakin. Madalas silang mag-amok ng away hindi ko nalang pinapansin kung minsan. Kapag sumusobra naman ay pinatitikman ko ng kaunti.
Gaya nalang nung kaklase naming si Karen. Ipinagkalat niya sa buong school na nakikipaglandian ako sa ibang lalaki. Nagpadala pa ito ng litrato kay Lucas. Napauwi naman sila ni Kuya rito noon ng wala sa oras. Sa sobrang inis k okay Karen ay nasapak ko siya nang malaman ko ang ginawa niya.
Galit si Lucas noon na dumating sa school at hinanap ang lalaking kasama ko sa litrato. Gusto niyang sapakin noon ang kasama kong lalaki sa picture. Kaso maski siya ay nagulat ng sabihin kong role play iyon at bakla si Warren. Mangiyak ngiyak noon ang baklang kaibigan namin si Hanna ng haklutn ni Lucas ang kwelyo niya.
Si Karen naman noon ay sinusulsulan pa si Lucas. Nagpintig ang pandinig ko ay bigla ko siyang nasapak. Tulala si Kuya at Lucas nang makitang nakatulog si Karen pagkatapos. Hindi rin sila magkamay sa paliwanag noon sa Guidance dahil sa nangyare kay Karen.
Dahil sanay naman ang Guidance na ako ang naapi nagulat rin sila nang makita si Karen na may black eye. Hindi ko alam kung paano ko natakasan ang suspension non. Ngunit pinagpapasalamat ko nalang na wala talaga at hindi nalaman nila Lola.
"Handa ka naba?" tanong saakin ni Mommy habang inaayos ang buhok ko
Ngayon ang moving up namin. Pero dahil may klase si Lucas ay hindi niya ako makikitang aakyat sa stage ngayon. Tinanguan ko si Mommy at lumabas na kame ng kwarto. Nang makababa kame ay naghihintay na doon sila Lola. Sasama sila sa school dahil tatanggap ako ng awards.
Pagdating namin sa paggaganapan ng program nagpunta na ako kaagad sa upuan ko. dahil A nagsisimula ang apilyido ko ay medyo malayo saakin si Hanna. Nasa bandang dulo siya habang ako naman ay nasa unahan,
Tatlong oras lang ang itinagal ng program namin. Naunang umuwi sila Mommy at magulang ni Hanna. Napagpasyahan kasi naming magkaroon ng joint celebration para sa moving up naming dalawa.
"Uuwi ba si Lucas ngayon?" tanong ko sakaniya ng makasakay kame sa kotse nila
"May klase paraw sila ni Christian"
Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa labas ng bintana. Maski noong nakaraan ay hindi kame nakapagusap ng maayos dahil may ginawa raw siya. Hindi rin kame nakapag usap kagabi dahil busy rin siya. Ngayong umaga naman ay hindi parin niya ako binabati.
Ayokong mag-isip ng kung ano ano dahil baka totoo ang sinasabe niya. Dapat hindi ako magooverthink dahil mahirap naman talaga pag college na. Nang makarating kame sa bahay sinalubong kame ni Manang Bidang. Gaya ng dati ay nakabusangot parin ito na animoy galit sa undo. Hindi ko nalang siya pinansin ay nagtuloy tuloy sa loob ng bahay.
"Asan sila?" tanong ni Hanna ng wala kaming nadatnan sa sala
"Baka asa likod" sagot ko
Sabay kaming naglakad papunta roon. Pagbukas ko ng pinto palabas ng pool ay biglang may sumabok na confetti. Nagulat ako nang makitang kumpleto silang lahat doon. May banner pang nakalagay na 'CONGRATULATION ALESSIA AND HANNA'
Habang naglalakad kame ni Hanna ay naiyak kaming parehas. Naiyak ako hindi dahil sa effort nilang pag-aayos. Naiyak ako dahil wala man lang si Lucas sa mga taong andoon. At hanggang ngayon ay wala pa siyang paramdam kahit sa text man lang. Nang makalapit kame sakanila binulungan ako ni Mommy. Sabay kaming napalingon ni Hanna sa itinuro nila saamin. Nakita ko si Lucas na may hawak na bulaklak at naglalakad papalapit saakin. Mas lalo pa akong naiyak nang makalapit siya at abutan ako ng bulaklak.
"Congrats Baby" bulong niya saakin at hinalikan niya ako sa noo.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Memoir (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahal ni Alessia Adriana Adolfo para kay Lucas Gallien ay higit pa sa inaasahan nito. Kaya nang malaman niya ang sakit na wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya ay iniwan niya ito. Para kay Alessia hindi niya kakayaning masaktan si...