Chapter Seventeen
Hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi ni Daddy sa akin kanina lamang. Nasa kwarto ako. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Umuulan ng malakas, malamig sa loob ng kwarto ko kasi nakabukas pati ang air condition.
May kumatok sa aking pintuan kaya naman binuksan ko ito. Nakita ko ang maid namin. Nakasuot siya ng uniform, pumunta na ako sa dinning namin at naroon si Sasha na kumakain. Wala rin si Lolo, busy din siguro siya.
"Next time kapag aalis ka kailangan mo ng bodyguards Maria." Isang matalim na sabi sa akin ni Daddy.
Napanguso ako. Nakita ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Daddy, nakaramdam ako ng lungkot.
Tahimik kaming kumain sa dinning. Pumunta na ako sa kwarto ko at binuksan ang cellphone, laking gulat ko ng makita si Don sa Facebook friend request ko. I decline it.
"You stupid jerk, bakit pa gusto mo 'kong maging kaibigan? Pagkatapos mo 'kong sabihan ng spoiled brat?" Nanggigil na ako sa galit sa kanya.
Ughhh I really hate that boy.
Natulog na lamang ako sa higaan ko at niyakap ang unan ko. Hmmm, sarap naman matulog dito.
"Maria." Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nakita ko si Mommy may suot siyang puting bestida. Mayroon na bulaklak sa kanyang buhok. Nanlamig ang mga buong ko.
"I'm sorry Maria for everything. Magiging ate mo ka pa naman sana." Rinig kong sabi niya, nakangiti siya sa akin.
"MOMMY!" Agad akong napamulat ang mga mata ko at sa hindi namamalayan ay namuo ang luha ko sa aking mga mata.
Hinabol ng hininga ko ang panaginip ko. Kumunot ang noo ko, 'di kaya minumulto na ako ni Mommy?!
Napatingin ako sa salamin at pinapawisan na ako kahit malamig dito sa kwarto ko. At dahil sa panaginip na iyon ay hindi na ako makatulog. Naisipan ko na pumunta na lang sa kusina para uminom ng isang basong tubig.
"Kilala mo na ba kung sino ang gumawa ng aksidente na iyon? I need the information, ASAP!" Si Daddy.
Nakita ako ni Daddy kaya naman nanlaki ang mga mata niya.
"Ba't hindi ka pa natutulog?"
"I can't sleep I dream about her, Mommy." Sabi ko. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref at nakita ko ang family picture namin na nakamagnet, so hindi pa pala nila ito tinatanggal. Uminom ako ng malamig na tubig.
"Kilala mo na ba Daddy kung sino ang nasa likod ng lahat?" Tanong ko sa kanya.
Umiling si Daddy sa akin. Mas matangkad sa akin si Daddy, mayroon siya na chinito eyes at kasing puti ng yelo ang kanyang balat na doon din ako nagmana sa kanya.
"Not yet."
Tumango ako at pagkatapos ko ay pumunta na muli ako sa kwarto ko at nakatulog na ako ng tuluyan.
_____
Umaga na naman. Pumunta na ako sa CR at nakita ko ang mukha ko na may eye bugs. Napangiwi ako ng makita ito. Naligo muna ako saka nagbihis ng uniform pagkatapos ay nilagyan ng concealer ang aking mukha para hindi halata ang eye bugs.
Kumain ako sa dinning at nakita ko si Sasha na gumagawa ng kanyang assignment. Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Bakit ba palagi hindi ka gumagawa ng assignment mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
Ngumuso si Sasha.
"E, tinatamad ako." Sabi niya sa akin.
No wonder na palaging bagsak si Sasha sa kanyang exam at kung ano-ano pa.
Natapos na kaming kumain sa dinning at sasabay sa akin si Sasha. Pumunta na kami sa parking lot at nakita ang isang bagong kotse. Sumakay na kami doon at nang makita ko si Manong ay lumapit siya sa amin.
"Anong sagot dito?" Nakita ko na tinuro ni Sasha ang kanyang libro, nagawa ko na rin ang assignment na 'yan.
"DNA." Sabi ko.
Ngumiti si Sasha sa akin at hinawakan niya ang aking kamay saka pinisil ito. Napadaing ako. "Thanks!" Nakangiti niyang sabi sa akin.
Habang nasa sasakyan kami. Nakinig na lang ako ng radio. Nakita ko ang madilim na parte ng bahagi sa langit, umuulan sa ibang bahagi ng lugar. Pumunta na kami sa school at hawak pa rin ni Sasha ang kanyang libro habang sinasagutan ito. Napailing na lamang ako sa kanyang ginagawa.
Then, nakita ko ang dalawang babae na seryosong nag-uusap. Ang bitch twins. Si Gem at Jaime. Nang makita nila ako ay saglit silang natigilan sa akin at saka nila ako tinarayan. Pero wala naman na akong pake sa kanilang dalawa eh.
Pumasok na ako sa classroom.
Pumunta na ang teacher at nag-salita siya sa akin. "Xan at Maria pumunta na kayo sa gymnasium. You two practice." Sabi ng guro.
Sabay kaming pumunta sa gymnasium ni Xan. Minsan ay nahuhuli ko na napapatingin sa akin si Xan. Hindi ko naman alam kung bakit. Nakita ko na ang masungit namin na mentor. Napairap ako sa kanya. Baka mamaya magsungit na naman siya sa amin.
Ilang oras pa ay napapatingin sa akin si Don, nagpa-practice ako ng pagsayaw ng lap dance kay Xan. Sinusubukan ko na mas gumalaw ng sexy. Hindi naman palpak.
Maya-maya ay tumaas ng kamay si Don kaya naman nabaling ang atensyon ko sa kanya.
"Ma'am pwede po ba sumayaw din ako ng lap dance kay Sandra?"
Halos malaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. Nakita ko 'yung mentor namin at ngumiti siya may Don. Hmp, as if I know may pagnanasa lang naman siya kay Don.
"That's alright, Mr. Gutierrez."
Nakita ko ang pagngisi ni Don at saka sinimulan niya na ang pagka-baboy niyang ginagawa sa kanyang partner. Sumasayaw siya kay Sandra pero parang nangiinis yata siya sa akin kasi ang laswa masyado! Gumigiling pa siya samantalang si Sandra ay namumula na sa pinagagawa ni Don. Sino ba naman kasi ang hindi mamula eh mas malaswa pa ang ginawa ni Don kaysa ginagawa ko!
"Ma'am am I good at this?" Sigaw ni Don kaya naman nakita ko na parang naistatwa ang mentor namin sa kanya.
"Y-yes Mr. Gutierrez."
Nakita ko na ngumisi si Don. At binalingan niya ako. Nangiinis nga siya!
IS HE JEALOUS AT XAN? Pero napakaimposible naman yata ang sinasabi ko. Ah siguro ay nakikita niya ang mukha ni Mommy sa akin kasi marami rin ang nagsasabi na halos magkamumkha kami ni Mommy lalo na ng dalaga pa siya.
Natapos na ang aming practice at naramdaman ko na may lumapit sa aking likuran. Uminom muna ako ng tubig at saka humarap. Halos muntikan ko ng mailuwa ang tubig na nasa bibig ko.
Don smirk at my face. "So how was my lap dance?" Pagmamayabang niyang sabi sa akin.
"Lap dance? Yun na ba ang tawag doon? Bakit sobrang laswa?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Ikaw din naman eh, diba para sa mag-asawa lang naman iyong lap dance na iyon or prostitute."
Tumaas ang isang kilay ko sa kanya.
"Hindi kaya!" Sabi ko sa kanya na namumula na. He chuckled softly.
"Paki mo ba? Nagseselos ka lang siguro no?" Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Oh, Maria (Villanueva Series #1)
RomanceVILLANUEVA SERIES #1 Maldita at spoiled sa magulang, isa sa mga perpektong babae sa balat ng lupa. She's Maria Villanueva, ang nag-i-isang anak ni Em Villanueva at Marco Villanueva. Simula Mayor at presidente 'yan ang kamag-anak ni Maria. Matalino a...