Chapter 6: The Bandit's Kiss

2.7K 46 0
                                    

"I NEED MY CAR KEYS." Mataray nitong bungad sa kanya ng muli silang magkaharap.

Maaaring itinuro ng isa sa mga katulong dito sa mansyon kung nasaan siya ngayon habang hinihintay niyang makapagbihis ito.

Ibang-iba ang tingin ni Nathan dito ngayon. Hindi niya maipagkakaila sa sarili na nakita niya ang kagyat na pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Larina habang hinihingi nito ang susi sa kanyang sasakyan.

Ngunit ang lungkot na iyon sa mga mata nito ay dagli ring napalitan ng tapang at katarayan ng salubungin nito ang kanyang pagkakatitig dito.

Hindi niya maintindihan kung bakit ang taray-taray nito. Ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit na tila ba nakatahan na doon ang pang-habang-buhay na poot.

He wondered why she is so angry? Kanino? Sa kanya ba? At bakit?

"You know—"

"Ang susi ko."

Halos magkapanayaban silang muling nagsalita.

Napabuntung-hininga na lamang siya ng kapain ang susi sa kanyang bulsa. Ngunit nagbago ang kanyang isip ng muli niya itong suriin.

Napakataas ni Larina. Parang isang Ice Queen sa katigasan. He never met such a hard cynical woman before until now. At may taglay na kagandahang nakakapanlinlang.

"You know, I've never seen such a face na napakaamo. With those eyes glowing so damn soft when not provoked. Yet, I've known better, there's an ice queen beneath." Ang nanunuring obserbasyon niya ngunit tila sa sarili lamang ang sinasabihan.

At napatawa pa siya ng maikli. Inuuyam niya ang sarili dahil napapadalas na yata ang pagtawa niya ngayon.

"You—"

"You deceived me totally." Ang anas niya ng titigan niya ito ng may intensidad.

Gusto niyang tuklasin ang misteryong bumabalot sa kagandahan nito ngunit nababalot ng galit at kalamigan ang katauhan nito.

Ngayon lamang siya nagka-interes ng ganito katindi sa isang babae at tila inuutos ng kanyang isip na tuklasin ang babaing ito.

"My car keys?" ang panggigiit nito na hindi pinansin ang kanyang sinabi.

Napa-buntung hininga siyang muli ng tumayo sa pagkakaupo sa silya ng bar counter.

"I almost forgot that you're stubborn, too."

Muli niyang kinapa sa bulsa ang susi ngunit ng mailabas na ay alanganing iabot ito kay Larina ng laruin na lamang ito sa kanyang daliri.

Mabilis niya itong ibinalik sa bulsa ng tangkain nitong agawin sa kanya ang susi.

"Now, why is that? Ibigay mo sa akin ang susi ko!" May panggagalaiti na sa tono nito ng magsalubong ang mga kilay nito sa kanya.

Pero pinangunutan lamang niya ng noo si Larina bilang kasagutan.

"You're too strong-willed with a frame like that, little lady." Nang-uuyam na ang kanyang tono. "Before I get mad to an ungrateful lady like you, I'll drive you home." Ang nag-uutos niyang sabi ng walang sabi-sabi niyang alalayan ito sa kamay.

Ngunit dagli rin lang hiniklas ni Larina ang kamay nito sa sa kanya.

"If you think na napaka-liit ng frame ko para sa iyo ay nagkakamali ka dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kahit na anong paraan."

Tinitigan laman niya ito ng matiim bilang pangungutya na siyang ikinainit ng mukha nito.

"If you would please give my damn car keys back." Hindi na nito matiis na sambot sa kanyang mukha.

THE BANDIT'S EYES  Lord of the Hearts Series Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon