Chapter 10

1 0 0
                                    

"Ano ba naman yan 2nd day na ng pagpapapirma ng clearance, aapat palang na subject ang may signature tayo. "

Reklamo ni Jacella at naupo dito sa tabi ko.

2nd day palang naman ng papirmahan ngayon at meron pa kami hanggang Thursday para kumpletuhin lahat ng subjects. Sa friday naman gaganapin ang recognition kaya kailangan namin makumpleto lahat para makasali kami sa ilalabas na list ng honor students. Ganon kasi ang rules dito sa MinUV, dapat kumpleto muna ang signature bago ka makasali sa dean's list. Dahil kapag hindi kumpleto ang clearance mo kahit mataas ang computed grades mo hindi ka makakasali sa ilalabas nilang listahan.

"May two days pa tayo, wag kang OA sis" agad namang bwelta nitong si Calleyla.

"At lima pa ang kailangan natin mapapirmahan sis" balik namang bwelta ni Jacella. Ganyan naman lagibang dalawang yan, magrereklamo ang isa sasagot ang isa hanggang sa magkahaba na sila

"Oo nga pala anong balita kay Jeir?" Tanong naman sakin ni Calleyla at pag-iiba niya sa usapan.

Oo nga pala si jeir pala yung unknown number na tumawag sakin noong na kina Zamina ako at may gusto daw siya sanang sabihin sakin. Hindi ko alam kung ano kasi hindi naman niya sinabi.

Kumibit balikat lang ako, hindi ko na kasi siya nireplyan dun sa last message na gusto niya akong makausap. Una, kasi para saan? Pangalawa, ayokong makigulo pa sa relasyon nilang dalawa ni Fera at Pangatlo, ayokong ng ma-involved pa sa kaniya sa kahit anong way.

"Ewan diko na naman nireplyan e" sagot ko na lang at nagsimula ng magbasa ulit. Nakatambay kami ngayon sa cafeteria kasi wala namang klase and nasa faculty naman lahat ng teachers kaya allowed kaming hindi tumigil sa mga classrooms namin.

"Bakit ano bang sabi?"

"May gusto daw siyang sabihin"

"Na?"

"Ewan ko, hindi naman niya sinabi e"

"Anong sagot mo?"

"Tinanong ko kung ano"

"Tapos?"

"Gusto niya daw sa personal niya sabihin"

"Oh?"

"Tapos diko na nireplyan" sagot ko at tumingin sakanila.

"Bakit?"

"Ayoko ng makipag-usap sa kaniya. Lalo pa't ngayon na hindi na ko ginugulo ni Fera, baka pag nalaman niya na nag-uusap pa kami ng boyfriend niya e guluhin na naman ako ulit"

"Tama ka naman diyan, pero paano kung importante pala yung sasabihin?"

Agad naman akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niyang yun at natulala habang iniisip ang sinabing yun ni Calleyla. Pag eto talaga ang nagsalita lagi kang mapapaisip. Paano nga kung importante pala yun?

Pero kung totoo nga dapat sinabi niya na sakin kahit sa message lang.

"Hindi naman siguro, edi dapat sinabi na niya sakin kahit pa message" sagot ko naman at pilit binabalik ang atensyon ko sa binabasa ko.

"Leeyah"

Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko sa tumawag at tama nga ang nasa isip ko kung sinong tumawag sakin.

"Jeir" usal ko

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Agad naman akong tumingin kina Jacella at Calleyla para humingi ng tulong pero pagtango lang ang isinukli nila saakin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon. Siguro nga dapat kong malaman kung ano bang gusto niyang sabihin.

Stay Single until you're AppreciatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon