"Itigil mo na nga 'yang ginagawa mo at baka magkasakit pa sa puso 'yang mga pamangkin mo" sambit ng nanay ko habang naghuhugas nang pinggan.
"Hindi naman po nakakatakot at tuwang-tuwa nga po sila" napapangiting sabi ko habang pinapanood ang mga pamangkin kong tumatakbo ngayon palabas ng bahay.
Tatayo na sana ako para habulin sila ng marinig kung sumigaw si nanay "Huwag kang tumigil diyan at hintayin mong sunogin ko 'yang lintek na mascarang 'yan!"
Napabuntong hininga akong nagtungo sa kwarto at itinago ang mascara. Binili ko 'yun kahapon habang namamalengke si inay. Araw ng mga patay na kasi bukas kaya't kailangang maghanda ng pagkain para sa mga kamag-anak namin na darating bukas galing sa Cebu.
Naging kagawian na naming pamilya na magsama-sama kapag araw ng mga patay. Sa mga ganitong okasiyon lang din kasi nagkikita-kita at nagkakamustahan kaming magkakapamilya. Kung kaya't ganoon nalang ang paghahanda ni inay para bukas.
"Magsaing ka na at mag-gagabi na." Utos ni nanay ng makalabas ako galing sa kwarto. Nakita ko naman siyang palabas ng bahay. Makiki-tsismis na naman 'yun at gagabihin ng umuwi, animo'y sobrang importanti ang pinag-uusapan. Natawa ako sa naisip at kumilos nalang papuntang kusina upang magsaing.
Habang naghihintay na maluto 'yung sinaing ko ay naisip kong bumili na muna nang ice candy sa tindahan ni Aleng Merna. Tumakbo ako palabas ng bahay sa takot na baka makabalik na si inay at makitang iniwan ko 'yung sinaing.
Naupo muna ako habang hinihintay si Aleng Merna na kumukuha pa ng ice candy sa loob. Habang naghihintay ay napapansin ko ang isang bata na naglalaro sa tabi ng daan mag-isa. May hawak itong isang manika sa kamay habang ang isang kamay naman ay may hawak na...
"B-BUBBLEGUM?" Tanong ko sa sarili ng mahina.
Tuwang tuwa nitong dinidikit 'yung bubblegum sa mukha ng manika. Nilapitan ko siya at ganoon nalang ang gulat niyang nagtaas ng tingin sa'kin.
"Ano 'yang dinikit mo sa mukha ng manika?" Tanong ko habang nakatingin sa mukha niyang nakangisi habang pinagmamasdan ang mukha ng manika na nabalot na ang mukha sa hindi ako sigurado kung ito ba ay bubblegum.
"Clay" sagot niya na hindi man lang nagbaling ng tingin sa akin.
"Bakit? Ayaw mo na ba sa mukha niya at dinidikitan mo 'yan ng clay?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi po. Gagawin ko po kasing nakakatakot 'yung mukha niya." Sagot niya.
"Nakakatakot na ba 'yan? Parang hindi naman". Natatawang sabi ko.
"Hindi, kasi hindi pa naman po tapos. Babaguhin ko po 'yung mukha niya 'yung parang clown" natatawang sagot niya. Nginiwian ko lang siya at bahagyang narinig si Aleng Merna na tinatawag ako.
Tumakbo ako pabalik ng bahay matapos kinuha ang binulong ice candy at dali-daling dumeritso sa kusina upang tignan ang sinaing habang kumakain ng ice candy.
Pagkatapos ng hapunan ay dumeritso ako sa kwarto upang doon nalang tumambay. Excited na kasi akong makita 'yung mga pinsan ko bukas. Na-i-imagine ko na rin ang mga pagkaing lulutuin ni nanay. Bagaman kakatapos ko lang kumain ay nagutom na naman ako sa naisip. Nagpagulong-gulong ako sa higaan at napahinto ng maalala ang ginawa nang bata sa mukha ng manika kanina.
P-Paano kaya kung gawin ko rin 'yun?
Tama 'yun nga! Gagamit ako nang clay upang gawing katakot-takot ang mukha ko.
Kinabukasan ay nagising ako sa amoy ng niluluto ni nanay. Paglabas ko sa kwarto ay nadatnan ko itong pakanta-kanta habang nagluluto. Natawa ako sa naisip. Ito ang tamang panahon upang humingi ng pera.
"Anong nginingisi-ngisi mo diyan? Kumilos ka na at kakain na tayo" buweltang sigaw ni Inay.
Nagulat man ay agad akong naghilamos at tinulungan siyang ilagay ang pagkain sa hapag kainan. Pagkatapos ay lumabas ako upang tawagin si Itay na kasalukuyang nagsisibak nang kahoy.
Ako na ang naghugas ng pinggan pagkatapos kumain. Hindi naman ako nahirapang humingi ng pera kay inay sapagkat masaya siya ngayon at halatang excited sa pagdating ng aming kamag-anak mamaya.
"Umuwi ka agad at darating na 'yung mga pinsan mo maya-maya!" Sigaw ni inay habang nagwawalis.
Pagdating sa palengke ay bumili ako agad ng clay at iba pang gagamitin para sa plano ko mamaya pagkatapos ay dali-daling umuwi.
Pag-uwi ko ay dumating na 'yung mga pinsan ko at sandali akong nakipag-kamustahan saka pumasok sa kwarto upang ilagay 'yung mga pinamili ko.
Pagsapit ng gabi ay naghahanda na ang lahat upang pumunta na sa sementeryo dahil doon kami kakain ng hapunan. Ako naman ay nagsimula na rin kumilos.
Sinimulan ko ng idikit 'yung clay sa mukha ko. Nung una hindi pa dumidikit ang mga 'to ngunit noong nilagyan ko 'to ng kunting polbo tsaka lang gumana. Habang natatawa sa pinanggagawa. Humarap ako sa salamin upang makita ko nang maayos. Dinikitan ko ang buong mukha ko hindi kasali ang mata, ilong at bibig. Ginawa ko itong katakot-takot ang bibig, nilakihan ko ito tulad ng bibig ng isang clown. Gayun din ang ginawa ko sa mata, nilagyan ko eto ng mga itim na hulma sa gilid upang magmumukhang totoo.
Malapit na akong matapos ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko sabay sigaw ng "Anak ano bang ginagawa mo diyan lumabas ka na at aalis na tayo" sigaw nito.
"Mauna na po kayo at susunod nalang po ako doon inay!" Pasigaw ko ring sagot sa kaniya.
"Ewan ko sa iyong bata ka! Kung ano-ano pang pinanggagawa mo diyan!"
Hindi na ako sumagot pa dahil natawa nalang ako sa sariling kong mukha matapos midikit ang lahat ng clay. Nauna na nga sila inay at ang mga pinsan ko sa sementeryo kaya mag-isa akong pumunta doon.
Habang naglalakad ay tinatakot ko naman ang mga batang nakikita ko sa daan. Natutuwa ako kapag tumatakbo sila papasok ng bahay nila dahil sa ito ay natatakot. May mga maliit pa ngang bata na umiiyak dahil nakikita 'yung mukha ko kaya binilisan ko ang paglalakad.
Pagdating ko sa sementeryo ay nagsimula na akong manakot. Tuwang-tuwa akong hinahabol 'yung mga bata. Sa ilang oras na pananakot sa nga bata ay nawala sa isip kong puntahan sila inay. Pagod akong umupo at napagdesisyunan kong umuwi nalang.
Malayo pa man ay narinig ko ng may nagtatawanan sa bahay. Naka-uwi na pala sila. Tumakbo ako nang mabilis sa abot ng aking makakaya, dahil naiisip kong baka 'di ako matirhan ng ulam, hanggang sa naka-apak ako ng malagkit at medyo mabahong dumi ng nilalang. Kung minamalas nga naman oh, ang kaninang tumatakbo ay ngayon nagpaika-ika ng naglalakad.
Kunting hakbang nalang at mararating ko na ang main door ng aming bahay.
Magiliw akong pumasok at huli na upang magsalita dahil naramdaman ko nalang ang napakalakas na sibak ng kahoy na tumama sa ulo ko na siyang naging dahilan upang nawalan ako ng malay.
Saka ko lang talaga na realized na nakakatakot nga pala talaga ang itsura ko. Dahil kahit ang sarili kong ama ay handa akong patayin.
Written by: Angelicaalaba
_______
BINABASA MO ANG
One Shot Stories | Novelettes [ COMPILATION ]
Short StoryIto ay mga kumpilasyon ng maliliit na kwento o mas kilala sa larangan ng Pilipino ang 'Dagli' na nagawa ko bunga ng malikot at malikhaing imahinasyon na meron ako. Nakakatawa, Nakakatakot, Love story, Tragic ending, Happy Ending, Psycho, at marami p...