"Ma, susunduin po ako ni Arc ngayon."
Bihis na bihis na ako. Naka-puting lacey dress ako with matching black coat. At kahit hindi ko nakasanayan mag-heels ay nag-suot ako ng black pumps. Nakalugay lang ang diretso kong buhok dahil medyo basa pa. Kulang na lang sa akin ay kulay sa mukha. Ewan ko ba, pero feeling ko kailangan ko maging maganda sa araw na 'to. Parang ang special kasi!
"Talaga?"
"Opo, mommy. Kaya pwede po bang ahm, an-ano.." Nagkamot ako ng ulo. Papamake up sana ako kay mommy ng light na light lang dahil may 45 minutes pa naman bago dumating si Arc!
"Ano?" Pinaghahandaan nya kaming tatlo ng breakfast. Nakatingin naman sa akin si daddy. Tumawa si Evan.
"Pa-make up daw, sabi ni Ate!" Tumawa pa si Evan.
"Ayun ba sasabihin mo?" Naupo na si mommy sa tabi ni daddy.
"Opo, yung light na light lang."
Nagsalita si daddy, "Bakit ka pa magme-make up? Hindi ka naman sanay di ba?"
Tumingin ako kay Evan na nag-lalagot sign sa akin. Inirapan ko lang s'ya. Abnormal talaga! "Eh, opo daddy. Pero pa-para ano maexperience ko lang din?"
"Nako, anak, sasabihin mo lang na mag-memake up ka para maging maganda sa mga mata ni Arc hindi mo pa masabi." Natatawang sabi ni mommy.
"Dahil doon ba? Sa lalaking 'yon?"
"Daddy, alam nyo naman po ang pangalan nya. Arc po. Ts-tsaka medyo lang. 30% po na para sa kanya tas 70% na po para sa akin. Ehehe." Nag-peace sign pa ako kay daddy. Ugh. Ayoko talagang pinaguusapan ang kahit sino mang lalaki sa harap ni daddy eh. Sobrang strikto ba naman! Ninenerbyos tuloy ako.
Napapailing na lang si daddy habang iniinom ang kape nya. Ngumiti lang ako. "Kung ganon pala, dalian nating dalawa kumain dahil baka dumating si Arc."
Binilisan ko ang pagkain ko atsaka binrush ng maigi ang ngipin ko. Nag-gargle rin ako para double sure na, yummy ang hininga ko!
Lumapit ako kay mommy na nasa sofa na at nakalatag ang mga pang make-up nya. I sat beside her ng nakapaharap.
"Gaano ba kalight ang make up na gusto mo?"
"Uhm, basta light lang. Huwag yung makapal. Tsaka if ever lalagyan mo po ako ng blush on, nipisan lang. Or para mas maganda, huwag na lang." Nginitian ko si mommy. Tumatango tango sya habang nagtitingin sa make up kit nya.
I checked my wristwatch at may 23 minutes pa bago dumating si Arcy bebe.
Nagsimula na si mommy gawin ang business sa mukha ko. Nag-apply sya ng foundation sa mukha ko. Iyong hindi rin ganoon ka kapal. Pagkatapos ay pinapikit nya ako. "Eyeliner?"
"Yes, darling. Close your eyes." Pinikit ko ang mata ko. Liquid eye liner ata iyon kaya mga limang minuto rin akong pinapikit ni mudra para matuyo ng maigi.
Pagkadilat ko ay may hawak s'yang lipstick. "Ito anak, Mac ito. Tutal minemake up-an na din kita, papaexperience ko na rin 'to sa'yo."
Tumango na lang ako. Binuksan nya yung cap at ni-roll ang ilalim para umangat. Red ang kulay ng lipstick. Napalunok ako. Jeske, baka magmukhang nirape labi ko nyan dahil ang pula!! Lipgloss nga lang ako sanay tapos.... pero okay lang yan!
Nilagyan nya na ako ng lipstick sa labi. Feeling ko ang Anne Curtis tuloy ng labi ko! After ako lagyan ni mommy ng light lang na make-up tumayo na ako agad-agad dahil may nareceive akong text kay Arc na malapit na daw s'ya.
I checked myself in the mirror, at an tarush! Naglevel up ang simpleng beauty ko! Niyakap ko si mommy at nagpasalamat. Naliligo pa kasi si daddy at si Evan ay hinalikan ako sa pisngi bago umalis.
Maya-maya lang ay nag-text na ulit si Arc at sinabing nasa labas na syang bahay. Nataranta nanaman ako! Binitbit ko na iyong handbag ko na Secosana tsaka lumabas ng bahay. Then I remembered na hindi pa ako nagpapaalam sa parents ko kaya bumalik ulit ako sa loob.
"Ma, Dad, alis na po. Dyan na si Arc!" Niyakap ko na lang sila dahil ayoko matanggal lipstick ko. Nagtutoothbrush si daddy kaya tumango lang.
"Hahatid na kita sa labas." Pumayag ako sa gusto ni mommy.
Paglabas namin ay nasa may gate na si Arc wearing a suit without a tie Kaya lalong nakita ang makisig nyang katawan. Or should I say his perfectly chiseled chest. Nakabukas pa ang first three buttons nito at may suot s'yang Rayban habang may kinakausap sa phone at nakapameywang. He's so gorgeous! He' so oohlala! Ugh! He's utterly handsome!
Binuksan ni mommy ang gate kaya napatingin sa akin si Arc at ngumiti sya. Kinawayan ko naman s'ya. And to my surprise hinalikan nya ako sa pisngi.
Pagkababa nya sa phone nya ay inilagay nya ang kanyang Rayban sa may ulo at saka bineso beso si mommy, "Good morning, Mrs. Tayag. Susunduin ko lang po si Jade." Nginitian nya pa si mommy.
Tinignan ko expression ni mommy at nakangiting tinatanguan nya si Arc. "Good morning din, iho. Mag-iingat ka sa pagdadrive."
"Yes, Mrs. Tayag. I'll keep your daughter safe." Hinawakan nya pa ang kamay ko at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan. Napansin kong hindi ito Maserati. Mercedes-Benz naman ito.
"Bye mommy!" Nagwave ako kay mommy bago sinarado ni Arc ang pintuan. Nakita ko pa s'yang nag-bow kay mommy bago umikot sa driver's seat.
Kinikilig pwet koo!!!
Una ay tahimik lang kami sa kotse. Nag-iisip ako ng masasabi dahil ayoko ng awkwardness! Pero bago pa man ako makapagsalita ay s'ya na ang nauna.
"Can I kiss you?" Biglang salita ni Arc. Napatingin ako sa kanya at parang drums nanaman bigla ang puso ko. Hindi agad ako nag-salita at napakunot ang noo ko. Sa isip ko, lagi naman nya akong hinahalikan, hindi ba?
Huminto ang sasakyan dahil sa red light. Nagsalita ulit s'ya at tinitigan ko, "On the lips? It looks so kissable and.... attractive, baby."
Tinitigan nya ako sa mata bago bumaba ang tingin n'ya sa labi ko. Parang nagwawala ang buong pagkatao ko at onting salita pa ni Arc ay alam kong lalabas na ang puso ko sa aking rib cage. Hindi ako makapagsalita. Kinagat n'ya ang labi n'ya bago ngumisi at pinaandar na ang sasakyan.
"I think your answer is no." Tumawa s'ya at sinulyapan ako ng saglit. MUNYANGINA PAANO AKO MAGSASALITA EH PARANG KAPAG NAGSALITA AKO, YUNG PUSO KO ANG LALABAS!!!! HDKKSKXJKSJS ARC UGHHHHH!!!
"Ah-ahmm, kahit sa may McDo mo na lang ako ibaba. Malapit lang naman yung office namin eh."
"Ihahatid na kita sa mismong opisina mo.Para siguradong safe ka."
Ibinaba nya ako sa mismong tapat ng Entrance ng building namin. Which is medyo ayokong bumaba doon dahil marami ako doong katrabaho na makakakita sa akin. At mas lalong delikado dahil nakita ko doon si Jamie sa tapat lang ng Entrance habang may hawak na bouquet of roses at lumilinga linga.