XXVII

50 6 0
                                    

Y.
Dinner

HINDI mapakaling nagi-scroll ako sa aking cellphone. Naghahanap ako ng puwedeng iregalo mula sa online shops. It's Charlie's wedding day tomorrow and I'm not prepared! Sobrang bilis ba naman ng panahon at walang bago sa araw-araw na buhay ko.

Ano bang puwedeng iregalo sa kasal? For sure magkakaparehas na kapag wall clock... Baka naman puwede ang fan? Pero mayaman na si Charlie! For sure di niya kailangan ng electric fan dahil naka-aircon yun!

Nakipagpalit pa ako ng off sa isa kong kasamahan para lang maka-attend pero pakiramdam ko hindi talaga ako handang harapin sila.

[Malay mo naman it's the time for you to face them na!] Masiglang sabi ni Sanami sa video call.

"Ikaw, wala naman nang threat sa buhay mo bakit 'di ka pa bumalik doon?" Bigla naman siyang namutla at umiling-iling, jiggling her bosoms in front of the cam. I'm sure she's not aware that it's jiggling.

[Hoy, Mimosa! Nakikita ko 'yan sa screen! Alam naming malaki 'yan pero itago mo naman!]

Napanguso tuloy ako dahil sa sinabi ni Richard. Bahagya pa akong sumilay sa sariling dibdib. I'm not flat but Sanami's.. just... You know like an S tier. Nevermind...

"Magsisipunta rin ba kayo?" I asked to divert their attention.

[Yes, of course!] Pangiti-ngiting sagot ni Sanami. She's already in the Philippines pero nasa condo niya sa Makati.

[Medyo 'di ako sigurado ngayon, ah. Kasi napaka hectic ng sched ko. Ayaw kong napapatungan ang trabaho ng dagdag trabaho... Hay!] Sa wakas ay sumuko si Rich sa hawak na mga papel. Itinapon pa niya ito sa gilid ng kanyang lamesa. [Ayaw ko na talaga... Pota! Gusto ko na lang mag-aral uli! Ang hirap pala maghanap-buhay!] Sumandal pa siya sa kanyang swivel chair na parang lantang gulay.

Grabe lang sa maghanap-buhay, ah? Pero kunsabagay mas nakakapagod ang trabaho kung hindi naman gusto ng puso mo. Parang kailan lang sinasabi niyang hindi niya aakuin ang negosyo ng pamilya nila. Pero ngayon ayan at subsob na siya.

[Rich, I thought you booked a flight na? Enough with the work! Bukas na, oh!] I smiled with the cute voice of Sanami. Minsan nga natutuwa ako kasi naririnig ko sa kanya ang boses ng mga napapanood na anime ng ilan sa katrabaho ko.

[Palibhasa kasi nagbo-boses ka lang sa mga anime, eh!] Ngayon naman ay nagtanggal na ng coat si Richard pero sumisilip-silip pa rin sa harap ng cam para mag-make face at asarin si Sanami.

[Don't make it sound like my work is easy!] Namumula na sa inis si Sanami.  Ako naman naghahanda na ng pamalit bago lumabas at bumili ng hapunan.

[Kuwento mo sa mama mo.] Kahit mukhang matured na si Richard, isip bata pa rin talaga minsan. He could pass as model! Bukod sa good looks at talino niya, kilala ang kanilang angkan. Suwerte ang makabingwit sa kaibigan kong 'to. He's a bisexual and he's not close to the idea of being married to a girl. A guy or a girl... Masuwerte sa kanya.

[But Mom's not here!] Napatampal na lang si Richard ng pisngi dahil sineryoso ni Sanami ang sinabi niya.

"Anyways, kanino ba ikakasal si Charlie?" I asked when I finally found a shirt to wear.

[May anak na si Charlie kay Letty, ah? Landi talaga nitong si Charlie.] Richard clicked his tongue like he's really disappointed with the guy.

          

"Oh? I thought he's marrying his long time girlfriend?" Sa pagkakaalala ko kasi ay walang natagal na girlfriend si Charlie kaya't naisip ko, baka doon na siya sa tumagal sa kanya.

[Long time, long time girlfriend ka diyan! Fuccboi 'yon 'di mo alam? Noon pa, gaga! 'Di ba nagdada-moves pa nga sa'yo?] Aba at mukhang mas alam pa siya sa kaganapan dito, ah? Hindi ko tuloy maiwasang manlaki ang mata. And he's a... Akala ko wala lang talaga siya mapili na papakasal or whatever... [Nauwi-uwi ako kaya nakakasagap ako ng balita. 'Yang mukha mo mapanghusga, Ion! Di naman ako purong chismoso!] Wala pa nga akong sinasabi pero ayan na naman siya.

"Eh bakit siya magpapatali? Wala pa naman siyang thirty. Kung talagang playboy siguro naman magpapakasaya pa sa buhay? Bakit siya papakasal?"

[Kasi nga Ion, hindi siya puwede kumawala sa nadisgrasya niya ngayon!]

[Nadisgrasya?] Nagtatakang tanong ni Sanami.

[Kasi tatay ni ate girl ay isang pulis! Takot niya lang at hepe pa pala ito! Sigurado isang bala lang siya.] Tumawa-tawa pa siya na parang baliw.

Napapailing na lang ako kay Rich kasi mukhang nage-enjoy pa siya sa kinahinatnat ni Charlie.

"I'll head out, gotta buy dinner!" Nagpaalam naman na ang dalawa at hindi na ako kinulit.

I'm just wearing plain shorts and t-shirt. Hindi ko naman na kailangan pumorma kahit sa mall ang punta dahil kakauwi ko lang ng trabaho, pagod ako at komportable sa gan'to lang na suot.

Habang naglalakad, nararamdaman ko ang suot kong kuwintas sa dibdib ko. I'm aware of it. Kaya pinipilit kong huwag tingnan at baka mamaya mapunta na naman ako sa ibang lugar. Minsan talaga napa-paranoid na ako pero hindi ko ito magawang tanggalin sa leeg ko. I'm still not a hundred percent sure if I'm traveling back to the past... Like.. it's impossible.

I bought salad in Wendy's. Pero ang ulam ko, plano kong iluto. Kaya pumunta ako sa Hypermarket para bumili ng ingredients. Since, I ran out of stock. I plan to cook adobo. Dahil ito ang pinakamabilis na lutuin at pupuwede ko ring gawing almusal bukas bago mag-biyahe pabalik sa Losientto.

While preparing to cook, I received a text message from Arkin.

Arkin:

You sure 'di ka papasama?

Nang mabalatan ko na ang patatas, tsaka ko lang siya ni-replyan.

Me:

Hindi na Arkin. Makaabala pa ako sa trabaho mo.

I smiled when he replied just a few seconds after I texted him. He's really thoughtful. At lalo siyang naging malapit sa akin simula noong nag-aral ako dito.

Arkin:

Ingat na lang :)

Me:

Thanks, ikaw din sa work.

Nang patayin ko ang kalan, I heard three knocks on my door. I checked the wall clock just above the fridge and saw that it's half past nine in the evening. Sino naman ang dadalaw sa akin? Impossible naman na parcel ang dumating at hindi pa ako umo-order dahil wala akong mapili.

Atiarah (Adelfa Series #2)Where stories live. Discover now