TDHL (Chapter 6)

20 3 0
                                    

Alas diyes na ng gabi nang makarating ako sa bar, walang masyadong mga bituin sa langit dahil may makapal na mga ulap na kumukubli sa kanila. Medyo mahalumigmig rin talaga ang temperatura dahil sa nagbabadyang pag-ulan, pero kahit na gano'n ay hindi ako nagpapigil.

Mahalaga sa 'kin ang bracelet na 'yon.

Napayakap ako sa sarili ko bago ako pumasok. Naka-suot lang kasi ako ng isang puting sleeveless dress, buti na lang talaga suot ko 'yong jacket ni Arthur ngayon.

Sa totoo lang, nag-insist din si kuya Liam na ihatid ako dito. Sinabi ko na lang sa kaniya na hindi ako iinom kaya napapayag na ko rin siya pagkatapos naming mag-usap.

Ang suwerte ko talaga dahil naging kaibigan ko si kuya Liam, ramdam na ramdam ko 'yong concern na ibinibigay niya sa 'kin sa lahat ng mga ginagawa ko. Pakiramdam ko tuloy nagkaroon ako ng instant kuya dahil sa kaniya kahit na never naman talaga akong nagkaroon no'n.

Agad akong naglakad papasok sa loob ng bar, mas kaunti na rin talaga 'yong tao ngayon kumpara kahapon—siguro dahil linggo. Wala ring mga sumasayaw sa stage dahil may isang live band do'n na tumutugtog at kumakanta ng mga opm songs.

Pagkarating na pagkarating ko sa may counter ay agad akong sinalubong ng isang lalaki. Ayon sa hitsura niya mukhang nasa early 50's na siya, kulubot na 'yong balat niya at talaga namang may wrinkles siya sa pagitan ng mga kilay niya. Halatang-halata tuloy na palagi talagang naka-kunot 'yong noo niya.

"Ano sa 'yo miss?" halos tumindig ang balahibo ko dahil sa boses niya. Sobrang lalim kasi talaga no'n na para bang galing sa ilalim ng lupa, naka-crossed arms siya.

"A-ano po lolo—"

"Wag mo akong tatawaging lolo miss,  hindi kita apo" putol niya sa 'kin. Napangiwi ako.

Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako dahil sa inasata niya o mahihiya.

"May d-drinks po ba kayo diyan na walang alcohol?" nasabi ko na lang saka ako naupo.

"Kung gusto mo ng inumin na walang alcohol, bakit hindi ka nagpunta ng coffee shop o sa mga milktea house? Baka nakakalimutan mong nasa bar ka?" sarkastiko nitong sagot.

Napabuntong hininga ako saka ako napakagat sa labi ko. Bakit ba ang sungit-sungit ng matandang 'to?

"Ano na lang po pala" pinilit kong ngumiti. "Mero'n po ba ngayon dito 'yong bar tender na matangkad?"

"Lahat ng bar tender dito matangkad" blangko niyang sagot.

"Ano po, 'yong may piercing sa taas ng kaliwang tainga. Brown 'yong mata saka may clef chin? Iyong naka duty po diyan sa puwesto niyo kahapon?" sandali kong inilibot ang mata ko sa buong counter para subukang hanapin siya, pero sa limang bar tender na nag se-serve ngayon ay wala siya.

"Si tisoy ba kamo?" tinaas niya ang isang kilay niya.

"Baka nga po?"

"Ayon, siya oh" inginuso niya ang stage. Nakita ko do'n ang lalaki na kasalukuyang naka-tayo sa tabi ng lead vocalist ng banda.

Napakunot noo ako.

"Bakit po nandiyan siya? Bar tender po siya 'di ba?" taka kong tanong sa matanda.

"Diyan talaga 'yang si Tisoy kapag linggo ng gabi, pinapakanta ni boss ng isang kanta dahil nirerequest ng mga babaeng customer. Maganda kasi talaga 'yong boses niya tapos malakas din 'yong dating sa mga babae, pang hatak customer ba?" paliwang ng matanda.

Napatango-tango ako.

Ilang saglit pa ay natapos na sa pagtugtog ang banda, may isang lalaki na naka-suot ng leader jacket ang umakyat sa stage saka siya pumalit sa lead vocalist ng banda. Inabot naman ng bokalista ang hawak niyang gitara kay Tisoy, nagtapikan pa sila ng balikat bago iyon naglakad pababa ng stage.

The Day He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon