Mahirap
Masakit
Ang hirap makalimot sa nakaraan
Kahit maraming araw na ang nagdaanSa tuwing sasapit ang umaga ikaw lagi ang naaalala
Nahihirapan makatulog sa gabi
Dahil naaalala ko kung paano mo ako unang pinangitiMali ba na maalala ko pa?
Mali ba na minahal kita ng sobra?Siguro nga nagkamali ako
Pero hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang minahal koDahil ikaw ang naging dahilan
Para muli akong may matutunanHindi lang sa larangan ng pagmamahal
Kundi pati narin kung paano sumugalSumugal kahit walang kasiguraduhan
Sa pagkapanalo o pagiging talunanTila isang malaking bangungot
Ang ginawa mo saking pagkalimotMga alaala ng kahapon
Sobrang hirap balewalain at basta bastang itaponSinubukan ko maging malakas
Para naman nararamdamn nating dalawa ay patasDahil kung ikaw nakaya mo
Hindi ba dapat pati ako?Pinalaya kita
Hindi dahil sa hindi na kita mahal kundi dahil doon ka magiging masayaAlam kong may mahal ka nang iba
Kaya kahit kaligayahan ko sinugal ko naPinalaya kita
Dahil alam kong hindi ka naman magiging masaya kahit ipilit ko paPinalaya kita
Dahil mahal kitaAt alam ko ngayon masaya kana
Alam kong masaya kana dahil kasama mo na ang mahal mong talagaMasaya kana dahil malaya kana
Malaya ka ng mahalin siyaMalaya kana
Sa pangungulit at pang-iinis ko sayo
Malaya kana
Sa pagpupumilit ko na ako nalang ang mahalin moPero lagi kong tanong sa sarili ko
Kelan ba yung ako naman?
Kelan ba yung ako naman yung magiging masayaPasensya kana
Kung naging desisyon ko ang iwan kaAlam ko kasi kung saan ka mas sasaya
At yun ay sa piling niyaAng hirap masanay
Masanay sa bagay na alam mong may hangganan
Masanay sa bagay na alam mong pansamantala langNaisip ko
Bakit nga ba biglang nagbagoNapawi lahat ng saya
na naramdaman ko
Napawi lang sa isang iglapPero napagtanto ko
Na hindi kana masaya sa piling ko
Na hindi kana masaya sa pagyakap ko sayo
Na hindi kana masaya sa relasyon na meron tayoDahil meron nang siya
Meron nang siya sa buhay moNakita kong mas masaya kang kasama siya
Nakita kong mas pinapahalagahan mo siya
Nakikita ko kung paano ka maglaan ng oras sa kanyaKaya mahal
Patawad
Pinapalaya na kita