MALAYA

3 0 0
                                    

Mahirap

Masakit

Ang hirap makalimot sa nakaraan
Kahit maraming araw na ang nagdaan

Sa tuwing sasapit ang umaga ikaw lagi ang naaalala

Nahihirapan makatulog sa gabi
Dahil naaalala ko kung paano mo ako unang pinangiti

Mali ba na maalala ko pa?
Mali ba na minahal kita ng sobra?

Siguro nga nagkamali ako
Pero hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang minahal ko

Dahil ikaw ang naging dahilan
Para muli akong may matutunan

Hindi lang sa larangan ng pagmamahal
Kundi pati narin kung paano sumugal

Sumugal kahit walang kasiguraduhan
Sa pagkapanalo o pagiging talunan

Tila isang malaking bangungot
Ang ginawa mo saking pagkalimot

Mga alaala ng kahapon
Sobrang hirap balewalain at basta bastang itapon

Sinubukan ko maging malakas
Para naman nararamdamn nating dalawa ay patas

Dahil kung ikaw nakaya mo
Hindi ba dapat pati ako?

Pinalaya kita
Hindi dahil sa hindi na kita mahal kundi dahil doon ka magiging masaya

Alam kong may mahal ka nang iba
Kaya kahit kaligayahan ko sinugal ko na

Pinalaya kita
Dahil alam kong hindi ka naman magiging masaya kahit ipilit ko pa

Pinalaya kita
Dahil mahal kita

At alam ko ngayon masaya kana
Alam kong masaya kana dahil kasama mo na ang mahal mong talaga

Masaya kana dahil malaya kana
Malaya ka ng mahalin siya

Malaya kana
Sa pangungulit at pang-iinis ko sayo
Malaya kana
Sa pagpupumilit ko na ako nalang ang mahalin mo

Pero lagi kong tanong sa sarili ko
Kelan ba yung ako naman?
Kelan ba yung ako naman yung magiging masaya

Pasensya kana
Kung naging desisyon ko ang iwan ka

Alam ko kasi kung saan ka mas sasaya
At yun ay sa piling niya

Ang hirap masanay

Masanay sa bagay na alam mong may hangganan
Masanay sa bagay na alam mong pansamantala lang

Naisip ko
Bakit nga ba biglang nagbago

Napawi lahat ng saya
na naramdaman ko
Napawi lang sa isang iglap

Pero  napagtanto ko
Na hindi kana masaya sa piling ko
Na hindi kana masaya sa pagyakap ko sayo
Na hindi kana masaya sa relasyon na meron tayo

Dahil meron nang siya
Meron nang siya sa buhay mo

Nakita kong mas masaya kang kasama siya
Nakita kong mas pinapahalagahan mo siya
Nakikita ko kung paano ka maglaan ng oras sa kanya

Kaya mahal

Patawad

Pinapalaya na kita

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MALAYAWhere stories live. Discover now