LAMBERT'S POV
I vaguely remember our first encounter. Her long hair is messed up. She is wearing the ugly love me housekeeper bright pink uniform for assistant floor supervisor. I fired her because she looks so stupid and ugly in front of me.
Vaguely huh?
"DAMN!!! Paano ko ba mapapaalis ang babaeng yun sa bahay na to?!"
Bakit ba ako naiirita sa babaeng yun?
Nainis din ako ng gamitin niya ang alcohol sa harapan ko. Pinamukha pa niya sakin na marami akong baktirya sa katawan.
THAT IS BULLSHIT!
Nagpalakad lakad ako sa loob ng kwarto. Hindi ako pumasok sa opisina dahil distracted ako paano ko mapapaalis ang babaeng yun.
Kung tutuusin hindi naman na iyon bago. Laging may hina-hire si mommy na personal maid ko daw pero hindi sila tumatagal. Si Astrid palang ang unang personal maid na sinagot sagot ako.
'Ang lakas ng loob na kamayan ako. Pasmado naman.'
"TOK! TOK! TOK" Sinabayan pa niya ng kanta ang katok niya. "Do you wanna build a snowman?"
WHAT THE FVCK?!
Pinihit ang seradura ng pinto. Niluwa si Astrid. Nakangiti siya sakin na parang nakalimutan na niya ang ginawa kahapon.
"Dam---" bigla nitong tinakpan ang bibig. Napahagikgik ito na parang baliw. Inayos ang sarili bago muli akong tingnan. "Sir ano po ang gusto niyong almusal?"
May pumasok na kalokohan sa isip ko dahil sa tanong niya. "Ikaw ang gusto kong almusal." sabay kagat sa labi.
Tumingin siya sakin."Yun lang? Saan ako hahanap ng ikaw? Tinapay ba yan?" inosenteng tanong niya sakin.
Napamaang ako sa tanong niya.
'Tonta talaga!'
Napahawak ako sa batok."OUT!" malumanay na turo ko sa pinto bago ko siya masigawan. "Hindi ko gusto na nakikita ang mukha mo!"
Nag-cross arm ito sa harapan ko saka nagtaas ng kilay. "Seryoso?"
"Yeah! Labas!" inis na sigaw ko sa kanya. "Nasira agad ang araw ko sa pagmumukha mo! Hindi ka naman magandang tingnan!!!" inis na sabi ko.
Nameywang siya sa harap ko. "WOW! Hiyang hiya naman ako sa pagmumukha mo Dams!"
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya ng Dams sakin. Hindi ko nalang pinansin iyon.
"GET OUT!" inis na sabi ko sa kanya.
'Napahiya ako sa harap niya! Hindi nagets ang ibig kong sabihin. Ang tanga talaga!'
Lumapit pa siya sakin saka tumingala. Ngumiti ito ng nakakaloko. Naramdaman ko ang pagtapak nito sa paa ko.
Napaigik ako sa sakit.
"Ouch!"
Mabilis itong tumakbo sa pintuan.
"Huwag mo kasi akong sinasabihan ng pangit sir! Hindi ka naman gwapo!!!" Dinilaan niya pa ako bago malakas na binalibag ang pinto pasara.
'Bullshit! Masakit!
"She's tiny but she's fvcking strong!"
Umupo ako sa sofa na malapit tsaka sinipat ang tinapakan nito. Siya palang ang unang babae na kumalaban sakin. Makikita mong babae ka, ikaw ang kusang aalis sa pamamahay na to!
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season One)
General FictionNOT A PERFECT STORY! "You don't find love, it finds you." Normal ang buhay ni Lambert bago dumating ang hindi inaasahang babae na babago sa takbo ng boring na buhay niya. Makulit. Maingay. Dyosa daw siya. Tch! Saan hahantong ang istorya ng isang p...