SA isang Japanese restaurant siya dinala ni Jin. Ang mesa malapit sa mini falls ang pinuwestuhan nila. Kitang-kita niya ang mga makukulay na koi fish na lumalangoy sa ibaba niyon.
Napakasarap sa mga mata ng paligid at nakakagaan ng loob ang atmosphere ng buong lugar.
“How do you find the place?”
“It’s really nice. Thank you for taking me here.” Sagot niyang may ngiti sa mga labi.
“I’m glad at nagustuhan mo. Wait ‘til you tasted their food, it’s authentic Japanese cuisine at siguradong mag-eenjoy ka.”
Nilapitan sila ng waiter at hinayaan niyang si Jin ang umorder ng pagkain nila. Sa totoo lang, ito ang unang beses na kakain siya sa labas sa isang official date. Come to think of it, hindi sila lumalabas ni Clark noon dahil mas madalas ay sa mga gothic party houses sila pumupunta at nagkikita.
Nang dumating ang pagkain nila’y napatunayan niyang masarap nga ang pagkain.
Naubos nila ang lahat ng inorder nito. Hindi niya inaasahang maeenjoy niyang kumain ng Japanese food.
“Busog na busog ako. Hindi ko akalaing marami ang makakain ko.” she exclaimed matapos silang kumain. Nasa labas na sila at kasalukuyang magkaagapay na naglalakad patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nila.
“I’m glad.” Nilingon siya nito. “If it’s okay with you, gusto sana kitang isama sa isa pang lugar na gusto kong puntahan.”
“Ha? Saan naman?”
“Basta sumama ka na lang. I’m sure mag-eenjoy ka.” Natawa ito nang taasan niya ito ng kilay. Ganoong-ganoon kasi ang sinabi nito noong nakaraan. “Rest assured that there will be no more hanky-punky deals this time.” ginagap nito ang palad niya at pinagsumping ang mga daliri nila.
Dinunggol niya ito. “O, edi inamin mo rin na plinano mo iyon.”
Napahalakhak ito. “Anyway, past is past. We’re on a date tonight and I want to make my lovely fiancée happy all through the night.” Hinalikan nito ang kamay niyang hawak nito.
Napangiti na rin siya. “Okay fine.”
In love na nga ako...
INAANTOK na nagmulat si Raven ng mga mata. It’s already morning and it’s already nine o’clock in the morning. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng tunog na nagpagising sa kanya. Cellphone pala niya.
Napangiti siya at tuluyan nang nagising nang makita kung sino ang tumatawag. It’s Jin.
“Hello?” medyo malat pa niyang sagot.
“Sweetheart, ngayon ka lang nagising? Pangatlong beses ko nang tawag ito.” natatawang sabi nito.
“Sorry, kagigising ko nga lang. Sino ba kasi ang may kasalanan kung bakit ako tinanghali ng gising?” Sobrang napagod siya nang nagdaang gabi dahil sa mga pinaggagawa nila ni Jin.
Dinala siya nito sa isang game center na bukas pa nang mga oras na iyon at para silang mga batang naglaro doon. Sa dami ng naipon nilang ticket, naiuwi nila ang isang napakalaking teddy bear na ngayon ay katabi niya. First time na nakatanggap siya ng regalong ganoon kaya naman tuwang-tuwa siya. She even named it Primo, mula sa nickname na ibinigay niya kay Jin, Mr. Prim and Proper.
“Kumusta na si Primo? Masarap ba siyang kayakap?”
“Oo naman. Mahimbing talaga ang tulog ko.” inabot niya si Primo at inilagay sa kandungan.
“Hmm... Mas masarap ba siyang kayakap kaysa sa daddy niya?” tudyo nito na ikinapula ng mukha niya kahit hindi niya ito kaharap.
“Objection, your honor. Am I required to answer that?” nilaru-laro niya ang tenga ng teddy bear.
BINABASA MO ANG
Jin, The Prim and Proper Prince (Completed)
Romance"'Di ba, nangako ako sa iyong hindi kita hahalikan hangga't hindi ka nagmamakaawa sa akin? Hindi mo lang alam kung gaano kahirap magpigil. So please, sweetheart, start begging me to kiss you. Please, please?" Isang malaking kalokohan para kay Raven...