Kabanata 26

103 8 0
                                    

On board.



"Sorry talaga Aes."

"Ayos lang 'yon kuya Aeb, wala akong magagawa, 'ganon na talaga si Dad saakin, pero kuya malaki na naman na kasi ako, kaya ko na ang sarili ko, ayoko na ngayon niya pa ako ginagawang bata kung kailan lumaki ako na wala yung loob niya saakin."

Nakasakay na ako sa sasakyan ni kuya Aeb na papuntang Miontè dahil walang maghahatid saakin matapos kong tanggihan at ipagpilitan kay Dad na hindi ko kailangan ng driver na maghahatid saakin.

"Alam ko naman 'yun Aes, nagulat lang din ako ng sumagot kana kay Dad kanina."

"Kuya, hindi ko gustong sumagot at alam mo 'yan, pero ayoko naman na habang buhay niya nalang akong ta-tratuhin na 'ganon, hindi dahil lumaki ako kaya ako nakakapagsalita sa kaniya, sinagot ko siya kasi nasa katwiran ako, malaki na ako at alam ko na ang mga gusto at ayaw ko, maging ang tama at mali."


"Wag ka mag-alala, kakausapin ko parin si Dad, para maging maayos na kayo."


"Alam mo kuya, kung ayos lang kay Mom na hindi ako babalik sa mansiyon hindi talaga ako babalik, kasi 'nandon palagi ang pangamba ko na masisilip at masisilip ni Dad ang lahat ng mga galaw at mga ginagawa ko."


"Hayaan mona, wag kanang umalis para makasama ka naman namin,  magiging maayos din kayo ni Dad, kakausapin ko din si Mom." Marahang sabi ni kuya Aeb.


Sana nga maging maayos, pero hindi ko nakikita ang pag asang maaayos pa kami ni Dad, dahil kahit kailan hindi ko nakikita na  matatanggap niya ako kung sino ako at kung sino talaga ang bunsong anak niya.


Hindi ko naman talaga gustong sagutin si Dad kanina, pero hindi kona din mapigilan ang sarili ko dahil pinagdidiinan na niyang mali ako sa mga gusto ko at mali ako sa lahat ng mga nagiging desisyon ko.


May mga bagay na nagiging mali dahil 'yon ang ipinapasok nila sa utak nila, pero ang totoong mali talaga ay ang pag-iisip nila ng mga bagay-bagay na hindi manlang inaalam ang totoong nangyayari na taliwas naman sa mga kathang isip nila.

Kaya rin gusto ni Dad na may maghahatid sundo saakin sa school ay para malaman at malimitahan niya ang mga bagay na nangyayari saamin ni Geno, bagay naman na kahit malaman niya ay hindi ko ititigil.


"Oh anong iniisip mo?" Takang tanong ni kuya Aeb ng mapansin niyang natahimik na ako.


"Wala naman kuya, iniisip ko lang din kasi kung paano ako makakapasok ng school araw-araw e wala naman akong sasakyan at mahirap ang biyahe papuntang school galing mansiyon." Sabi ko habang tanaw tanaw kona ang malaking logo ng Miontè.


"Osige, ganito nalang, since hindi naman kita palagi maihahatid dahil may trabaho ako, ikaw nalang ang gumamit ng sasakyan na 'to, may isa pa naman akong sasakyan 'yun nalang ang saakin." Nakangiting sabi ni kuya Aeb.

"Talaga? Salamat kuya!"


"Wala 'yun, marunong ka naman na mag drive diba?" Tanong niya at pag tango ko naman bilang tugon.




"Salamat kuya Aeb sa pag hatid." Paalam ko ng huminto na ang sasakyan sa tapat ng Miontè.


"Tawagan ko nalang si Luke para ihatid ka niya sa mansiyon mamaya pag-uwi mo, alam kong gabi ka uuwi at delikado pag nag commute ka." Sabi niya at pagtango ko ulit saka bumaba ng sasakyan.


Nakaalis na si kuya Aeb at sinimulan ko na ding maglakad papasok ng gate ng Miontè.



Ii-swipe ko palang sana ang ID ko sa ID swipe machine ng school ng mapansin ko naman ang likod ng ID ko na parang may maliit na papel na may nakasulat na kung ano.



Sail in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon