Price’s POV
*riiing...riiing...*
Langya. Ang aga-aga. Problema ba nitong alarm clock ko? Bakit ang aga?
T-teka... M-may kayakap ako. Yung buhok naman niya nakatakip sa mukha. Aish. Maayos nga... O_O
Si Saydie. Katabi ko matulog. OHYES! Ay, joke lang. Pinagsasabi ko ba? Aba! At nababasa niyo na ang isip ko. Mabuti naman! Nang makita niyo, readers, kung gaano kasaya ang mapasok sa isip ko!
Aish! Teka nga ulit! Yung asawa ko nga pala, katabi ko. Langhiya gusto kong magmura sa sobrang tuwa. Pero binabawas-bawasan ko na nang makapagbagong buhay na ‘ko.
Yung mga braso ni Saydie naka-yakap din sakin. Napapangiti tuloy ako ng ‘di oras. Umagang-umaga.
Ano na nga ulit nangyari kagabi?
Nagkasakit ako... Tapos... inalagaan ako ni Saydie... Tapos... Bigla ko nalang siyang niyakap... tapos... Sabi ko...magbabago na ‘ko.
AISH! May sakit nga talaga siguro ako kagabi. May pa-yakap-yakap pa akong nalalaman! Korni mo, Price! At ano yung sinabi ko?! “Mababago na ‘ko?!”
Si Saydie kasi eh. Bakit ba ang bait bait ng babaeng ‘yun?! Sinusungitan ko, pero inaasikaso parin naman ako. Ano ba ‘yun?! Martyr?! Nakakaasar! Nakakaguilty tuloy. Badtrip.
Ngayon naalala ko na kung bakit nasabi ko yun kagabi. Gusto ko nga talagang magbago. Napakawalang-kwenta ko na din kasi eh. Sabihan niyo na akong korni.
AISH! Pake ko ba sa iba?! Eh sa gusto ko na ngang magbago eh! Alam ko namang masama akong tao. Kaya nga magbabago na eh!
Kawawang-kawawa na si Saydie sakin eh. Langhiya. Ang sama-sama ko kasi! Nakakainis. Nababadtrip ako sa sarili ko eh. Kaya gusto ko na talagang magbago.
At isa pa, yung nangyari kahapon ng umaga. Dun sa...church... Hay! Ewan. Basta. Parang lumambot yung puso ko.
PWEH! ‘Di ko bagay. ‘Di bagay ng kagwapuhan ko.
Basta, ayoko nang magpaalaga. Ayoko nang magpaasikaso. Gusto ko ako naman ang mag-aasikaso. Ako naman ang mag-aalaga. Magbabago nga talaga ako.
--------------------------
Saydie’s POV
It’s another morning! Naks. Taas agad ng energy? Haha! Ay, teka nga. Nasaan ba ako? Diba...damit yun ni Price? Diba...gamit yun ni Price? Diba... kama ‘to ni Price?
Teka nga! Duh! Nakatulog nga pala ako dito...sa...tabi ni... Price.
OHMAY. WAIT! ‘Di ako makapaniwala.
At teka. Bakit itong puso ko, bumilis ang tibok? Bakit parang...uminit bigla? Haish! Ano ba, Saydie?! Anong nangyayari sayo?! A-Ano ba itong nararamdaman ko? Sobra-sobra yung saya ko.
Sa sobrang saya ko, halos ayaw ko nang bumangon. First time ko kasing makapagstay dito ng matagal. Hihi. Sulitin!
Napatingin ako sa paligid ng kwarto niya. May konting pictures siya sa table niya. Tapos may... Bible?
Huh? Feeling ko may malaking question mark na lumabas sa tuktok ng ulo ko.
Kinuha ko tuloy at binasa. Nakibasa na rin ako. Pero... nagulat talaga ako. ‘Di ko inakala. Lord, totoo ba ‘to? ‘Di Mo naman siguro ako binibiro ‘no?
Pagkatapos kong makibasa sa Bible ni Price (na siyang lalong kinasaya ng umaga ko), nakarinig ako ng ingay sa labas. Naalala ko tuloy si Price. Haha! Ngayon lang ako nagtaka kung bakit wala na siya sa kwarto.
Hay. Makalabas na nga. Mamaya isipin ni Price inaabuso ko na yung kwarto niya. Well... medyo. Haha!
Nakita ko si Price nasa may kusina. May hawak siyang sandok at parang natataranta. Paglingon niya, nagkatinginan kami. Tapos bigla siyang ngumiti.
“A-Ahh... Saydie! Good morning! Lika, kain na tayo,” sabi niya. Sobrang sigla pa niyang sinabi. Nakakatakot. Haha!
Manghihinala ka talagang may ginawa siyang masama sa sobrang OA ng saya niya.
“Price... Anong nagawa mo? Bakit ka...nagluto?” sabi ko habang nakatingin sa mga pagkaing hinanda niya sa mesa.
Well, mas ok siguro na sabihin kong nag-attempt siyang magluto. Kasi sunog yung tinapay, yung fried egg halos wala na yung yellow part, at yung hotdog halos black na lahat. Yung kanin lang ang maayos. Siguro magkakanin nalang ako. Haha!
“Bakit? Can’t I cook for my wife?” tapos bigla siyang ngumiti.
Weh? “May sakit ka pa ata eh. Gusto mo magpahinga ka nalang?”
“Ha-ha-ha!” exaggerated laugh niya. “Sobra kang manlait. Pinagluto ka na nga eh. Umupo ka na. Kain na tayo.”
Ayoko man sanang kainin talaga yung niluto niya, naappreciate ko din naman yung ginawa niya. Nag-effort pa talaga siya kahit ‘di siya marunong.