A wise man once said, walang may pake kung ga'no mo paghirapan ang isang bagay dahil sa resulta unang tumitingin palagi ang mga tao.
"WHAT'S UP, SYDNEY?!"
"WOOOOOH!"
At kung sino man ang wise man na 'yan e sana magalak siyang pinakinggan ng Bangtan at NERVE ang kanyang payo.
Ilang araw ang lumubog at ilang umaga ang natapos, gano'n na rin katagal nanatili sa dilim 'tong katorse mula nang sumapit ang panibagong dagok sa kanilang samahan. Siya rin ang dahilan kung bakit naging mas mapagmatyag ang mga bida sa reaksyon ng mga manonood no'ng gabing 'yon, at nagbabakasakaling sa pamamagitan ng pagtatanghal nila'y unti-unting matulungan ang fans na matagpuan nila ang liwanag ng katotohanan para maayos na ang kalituhang sila rin mismo ang nagbigay.
Nang magsimula ang guitar solo ni Jin e tamang headbang na silang lahat!
"WHOO! ANG GALING MO, HYUNG!" As usual, hindi mawawala si Jimin at 'yong mga ingay niya! "SYDNEY, MAKE SOME NOIIISE!"
"Thank you!" pahabol pa ni Jin habang kinakalabit 'yong chords niya, "I love you, Sydney!"
"NICK-IYA, SALAMAT SA BLUE MOUNTAINS!" shoutout pang gano'n ni Jungkook. "BELATED HAPPY BIRTHDAY, JOON-HYUNG!"
"NEXT TIME ULIT!" Sumaludo si Nick, "BELATED HAPPY BIRTHDAY RIN, JOON-NIM!"
Sandaling bumaba ng stage si Mitch para may abuting kung ano.
Maya-maya pa'y may nagtatalsikan nang tubig!
"AISH!" Syempre, ang unang babasain e 'yong ayaw magpabasa! "MICHIKO-YA!"
"Dapat, binibinyagan muna 'yong mga leader-nim!" tugon ni Mitch kay Fei at sunod na pinaliguan si Namjoon, "Hindi ka ligtas do'n, Joon-sunbaenim!"
"Woah!" Nanigas lang siya sa pwesto habang dinadama 'yong tubig na bumababa sa balikat at dibdib niya. "Ang lamig!"
Na-engganyo na rin si Taehyung at dali-daling lumapit sa dalaga, "Mitch-iya, pahingi!"
"Ito!" At agad na binigay ni Mitch 'yong ibang bote sa kanya.
Binulsa ni Taehyung ang mic niya't pinamahagian ng tubig 'yong iba pang miyembrong nakatayo. Syempre, kumuha na rin siya no'ng kanya para buksan at inuman muna nang onti bago isaboy sa audience!
"WOOOOASDFGHJKLOHHH!" Yes, water plus laway ni idol is equals to sacred water!
Inalog-alog ni Hayoon ang tubig niyang hindi pa nabubuksan sabay malakas na piga, "Jayoon-ah, heads up!"
"Shit!" Narinig niyang pumutok na 'yong bote pero nagtaka siyang hindi siya nabasa tulad ng pinaghahandaan niya. Pagdilat e tsaka niya nalamang humarang pala 'tong si Hoseok, "Thanks, Hobi-oppa!" At paghalik sa pisngi nito'y binelatan niya si Hayoon na tumugon naman ng pabirong simangot.
"May bala pa 'ko di—GAH!"
"HOLY SHIT!" Naghalo ang tawanan at mga ohhh nang 'di-sinasadyang mabato ni Dania 'yong mismong bote sa mukha ni Hayoon! "Sorry, Hayoon-ah! Sorry!" Nilapitan niya pa ito dahil nakasapo siya sa ilong, "Ayos ka lang?! Dumudugo ba?!"
Nag-three joints si Hayoon kaya mas lumakas 'yong mga ohhh ng pagkamangha, "I'm alive! Buhay ako!"
Si Sandra nama'y medyo dismayado dahil wala pang nakakahagip ni tulo sa kanya.
"INOM!"
Biglang gulat siya no'ng dumaloy 'yong tubig sa likuran niya!
"HEHEHE!" Mukhang manyakol na stalker man ang mukha ni Jimin nang lingunin niya ito e kahit papano'y nasalba naman no'n 'yong saya niyang muntik nang mabawasan. "MIN YOONGI!"
"Tangina mo, Park Jimin!" Ora-mismong bumitaw sa keyboard si Yoongi at pinagkrus 'yong dalawang hintuturo niya habang umaatras palayo sa kanya.
Sabi nga niya, hahabulin na siya nito!
"NAKIKITA KAYO NG KATAAS-TAASAN!" Kanina pa talaga tapos 'yong guitar solo ni Jin pero dahil ang tatagal nila magharutan e napilitan na siyang mag-freestyle. "'YONG TAAS!"
Tumigil sa pagtakbo si Yoongi para lumibot ng tingin, "Anong taa—"
Spluuush! At 'yon ang tubig—buhos diretso sa mukha niya!
Mabagal na suminghap ang nakatatanda kaya napatigil si Jimin sa kinatatayuan.
"Gago!" Tsaka bigla itong sumugod para agawin 'yong tubig sa kanya't binuhos sa ibabang parte niya!
"ANG LAMIG!"
"PARK JIMIN!" Ngiting-gilagid pa siyang inakbayan ni Yoongi at tinuro sa mga kaharap nilang fans!
Sabay tumingin ito sa nabasang pantalon niya, "HYUNG, PARA 'KONG UMIHI!"
"BAGAY SA'YO!" Sa wakas e nakahanap na rin ng pagkakataong tumakas ang nakatatanda't bumalik sa pag-iinstrumento.
"Sasayaw tayong dalawa sa kumpas ng tawanan~" At inaawit pa 'yon ni Jungkook habang dinidiligan siya ni Taehyung!
Ng tubig. Sa ulo.
Sayang lang kasi nasa drumsticks ang mga kamay nito at 'di makaganti sa kanya. "Kumaway at yumukod nang walang pinagsisisihan~"
Nakisabay na si Jayoon sa Dania-unnie niyang nakokonsenya pa rin sa pagkakatama kay Hayoon, "Aawitin natin ang paalam na tinig ay masaya~"
Si Sandra pa, "Salubungin natin ang makulay na bukas~"
Birit ni Jimin! "Di ka na malulumbaaay~!"
Nagpatuloy ang trashtalk-an at basaan sa higit dalawang minuto pang pag-awit ng Eureka. Napakaganda at napaka-epektibo ng kanilang chemistry kaya hindi halatang iskripted 'yon nang beri-beri light. Nakakagiliw naman silang panoorin at sa sobrang saya nga e 'di rin maiwasan ng ibang mapa-hehehe kasabay nila.
"Sa bukas, sa bukas, sa bukas, 'di ka na malulumbay~"
Mukhang ito pa lang din 'yong unang concert na totoo nilang in-enjoy sa kasaysayan ng Eureka.
"Sa bukas, sa bukas, sa bukas, 'di ka na malulumbay~"
Isang engrandeng ikot muna mula kay Jimin bago mag-outro! "'Di ka na malulumbay~"